Chapter 46

801 12 2
                                    

Happy reading~

Addison


For the past days, lagi akong hatid-sundo ni Bryce. I don't know if he told daddy about what happened, but I think he didn't 'cause daddy didn't mention anything to me or maybe he's not just telling me.


Hindi ko alam kung anong balita do'n sa pagcheck ni Bryce sa cctv do'n sa parking lot ng school namin. Wala naman na kasi siya binanggit about do'n, kung magtanong man ako sasabihin lang niya na 'everything's okay' kaya hindi na ako nagtanong ulit.


Bumuntong hininga ako bago sumandal sa headrest ng upuan dito sa kotse ni Bryce. Maaga niya akong sinundo dahil dadaan daw siya saglit sa security agency nila.


Napaangat ang tingin ko sa building na nasa gilid ko. Medyo mataas siya mga 10 floors siguro meron 'to, glass wall pero hindi mo makikita yung sa loob. Heavy guarded siya dahil mga lima ang guard sa labas paano pa kaya sa buong paligid ng building. Mukha ring hindi basta-basta ang mga tauhan nina Bryce dahil kung titignan ay puro malalaki ang katawan at parang isang balibag lang sayo ay bali na ang likod mo. Parang si Bryce? Pero hindi bali ang aabutin mo sakanya kundi--Singit ng utak ko.
Oy!! Putol ko sa kaanuhang naisip.


Napaayos ako ng upo nang makitang lumabas na si Bryce mula sa agency nila. Nakita ko pang sumaludo sakanya ang limang guard na nagbabantay sa labas, tumango lang ito bago lakad-takbong lumapit sa sasakyan nito.


Humarap ako sakanya nang makapasok na siya at nakita ang hawak nitong folder na nilagay nito sa backseat, nakita ako nitong nakatingin kaya tinaasan niya ako ng kilay na kinapilig ko naman ng ulo. Umayos na ito ng upo at naglagay ng seatbelt bago nagsimulang magmaneho ulit.


"Busy?" Sambit ko na saglit nitong kinatingin saakin bago tinuon ulit sa daan ang tingin.
"I can just ask manong to drive me to school kung busy ka Bryce." Dagdag ko.


"I'm not busy" tipid nitong sabi
Ngumuso ako at hinarap na lang sa unahan ang tingin.


Huminto kami sa stoplight at saktong may magkarelasyong dumaan sa harapan ng sasakyan, napatingin ako kay Bryce at tinanong ang matagal nang gumugulo sa isipan ko.


"Bryce" Bumaling siya saakin pagkatawag ko sakanya.

"I haven't seen Camille with you lately, nasaan siya? Alam ba niyang hatid-sundo mo ako? Ayaw kong makasira ng relasyon Bryce kaya okay lang naman kung hindi mo na gawin 'to. Andyan naman si manong para gawin 'to." Sabi ko na kinasingkit ng mata nito bago nagtiim ng bagang.


Bumaling siya sa unahan at mahigpit na hinawakan ang manibela bago nagsalita.


"We're already done" umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Wala na sila ni Camille? Gulat kong sambit sa isip.
Kaya ba lagi na naman siyang nasa tabi ko?


"Ahhh, kaya ba lagi ka nang nasa tabi ko?" Bumaling siya saakin at kinunotan ng noo dahil sa tono ng boses ko.
"Nevermind" dagdag ko sabay harap sa unahan. Rinig ko pang nagbuntong hininga siya pero hindi ko na pinansin.


Alam kong nagtataka siya kung bakit hindi ko siya gaanong pinapansin simula no'ng sinundo niya ako dahil sa mga natanggap kong picture. Iniiwasan ko lang masyadong maging malapit sakanya baka masaktan ulit ako atsaka hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sinong sender nung mga picture na natanggap ko. One thing for sure, kaschoolmate ko siya pero sino sakanila? At anong gusto niya saakin? Siya rin ba yung pumasok sa kwarto ko noon? Ang daming tanong sa utak ko pero ni isa wala akong makuhang sagot dahil hindi ko kilala kung sinong salarin.


Nakarating kami sa parking lot ng school ko nang hindi nagkikibuan. Bago ako bumaba ay tinali ko muna ang buhok ko at habang nagtatali ay napansin ko si Bryce na nakatitig saakin at pinapanuod akong mag-ipit.


Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon