Chapter Six
"It's not what i think? Nathan wala ka namang dapat ipaliwanag sakin. Kung tutuusin hindi naman talaga tayo magkakilala hindi ba? Hinalikan mo ako kahapon to get even with her. At ngayong okay na kayo nagmukha akong cheap sa lahat! Nagmuka akong kontrabida sa lahat ng fans club mo at.." Letche ano na naman ba ito? Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hinalikan na naman niya ako. But this time hindi ako nagrespond. Ayoko, masakit. Isa pa nakakainis siya! Hahalikan niya ako matapos niyang halikan si Lindsay? Mukhang kailangan kong mag-mouthwash after this.
"Oh my Ghaad! Bakit? Nathan bakit mo hinalikan yang slut na yan?"
"Look at Lindsay. She's crying!"
"Shit. Ano bang kalokohan ito?"
"Akala ko ba okay na sila? Bakit hinalikan niya na naman yang aist ang sakit sa mata!"
Kung ano-ano pang mga bulungan at sigawan ang narinig ko pero hindi ko sila pinansin. He's still kissing me pero ayoko talaga. Grabe, para akong nasa telenobela! Live! Naramdaman niya yatang wala akong balak na tumugon kaya lumayo na siya sa akin.
"So ano na? Hindi ako laruan Nathan. Na kung kailan mo gustong halikan ay pwede! Para ano? Para lalo akong magmukhang kontrabida sa love story niyo? Ano pa bang..." Darn it! Ano na naman ba? Hinalikan na naman niya ko! My knees were shaking. My heart was beating so fast. No! Ayokong bumigay! Hindi niya na ako madadala sa halik niya!
"Can you listen to me first? I can explain everything dammit!:" Napansin niya na rin sigurong nakapaikot na sa amin ang mga estudyante. He hold my hand and look at the crowd. I saw Lindsay. She's crying habang tukop yung bibig niya. Shock? Siguro naman mas bagay sakin yung salitang shock di ba? I thought okay na sila pero bakit? Bakit nasa gitna na naman ako ng mga matang gusto na akong patayin? "Listen! Kayong lahat makinig kayong mabuti! From now on walang sino man ang pwedeng manakit sa girlfriend ko maliwanag? Siya si Sky Blue Fonacier! She's my girl. Ang sino mang maglalakas loob na kantiin man lang kahit dulo ng daliri niya ay mananagot sakin!" Okay ayokong kiligin pero shit lang kinikilig na ako. Halatang gulat ang lahat. Pwes ako din. Pero bakit kanina naghahalikan sila di ba? Bakit ngayon pinakikilala niya akong girlfriend niya?
Naguguluhan na talaga ako. Halatang hindi makapaniwala ang ilang mga estudyante. Pero hindi naman kami artista para magpa-presscon pa! "Fuck ano ba manunuod ba talaga kayong lahat dito? Tapos na ang break time magsipasok na kayo!" Sigaw niya sa mga estudyanteng hindi malaman ang gagawin. Bipolar na warfreak! Nung umalis na ang mga estudyante tanging sila Donna at Jane pati ang mangilan-ngilang fans club niya na halatang binubugbog nako sa mga isip nila ang natira. Hinila niya ako palabas pero huminto kami sa tapat nila Donna. "Hindi ako sanay magpasalamat, but thanks." Huh? Ano daw? Si Donna ba ang kausap niya? Bakit abot langit ang ngiti nitong si Jane? Si Donna naman nag-smirk lang. Ano ba talagang nangyari? May namiss ba akong kaganapan nung tumalikod ako?"Teka saan tayo pupunta?"
"Tss."
"Sungit! Saan nga tayo pupunta may klase pa ako!"
"Shut up. May paguusapan lang tayo!"
Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi ako nagsasalita at ganun rin siya. Nakakapagtaka lang sumakay ulit ako sa motor niya ng hindi natatakot o kinabahan man lang. Hindi ko mapigilang hindi yumakap sa kanya. It feels so right. Ewan ko ba. Crush ko lang siya alam ko! Simula pa lang alam ko ng crush ko siya! Pero what the hell with this feeling? It's strange. Imposible namang agad-agad mahal ko na siya? Is it because we kissed? Dahil ba don mahal ko na agad siya? Tss. Ang tahimik ng buhay ko kahapon lang pero simula ng mainvolve ako sa isang Nathan Wright biglang para akong nasa isang pelikula. Well tama nga ang kasabihan ang buhay ay parang isang pelikula, you'll never know what's happens next.
BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Teen FictionPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...