Chapter Twenty Three
KINABUKASAN...
This is it. I sighed heavily and smiled at him.
"Mrs. Wright ready ka na bang bumalik sa Maniego? Tsk. Dapat kasi pinakulayan mo na yang buhok mo ee." Sinundo kasi ako ni Nathan. Sabay daw kaming pumasok. I'm afraid but more of excited. Hanggang ngayon wala pa akong balita kay Lindsay at maging kay Daddy. Hindi naman sa naiinip na ako pero marami talaga akong katanungan.
"Nathan sa sunday nalang. Besides bagay naman sakin yung blonde na color."
"Oh ee bakit parang ang tamlay mo dyan?"
"Kasalanan mo kaya ito!"
*FLASHBACK*
"Sky gusto mo bang mas maging memorable ang date natin? Come may gagawin tayo."
"Huy Nathan anong ginagawa mo?"
"Halika tulungan mo ako masaya ito hehe."
Alam niyo ba ang ginagawa namin? Inilalagay lang naman namin sa gitna ng kalsada lahat ng pasong nadadaanan namin. Juskooo mga trip nitong si Nathan! Pero ang saya! Buti nalang walang CCTV dito kung hindi baka sa kulangan kami matulog. At alam niyo ba kung ano pinakamalalang ginawa namin? I MEAN NIYA. Siya lang naman gumawa ee. Ang siraulo! Kumuha pa ng remembrance! Abay inuwi lang naman namin yung isang sementong palaka. You know yung pang display sa garden? Kaya ang ending, masaya nga ang date namin may remembrance nga. Sobrang sakit naman ng katawan ko.
*END OF FLASHBACK*
MANIEGO HIGH. Inaasahan ko na yung mga reaksyon ng mga estudyante. Kung ako pa si Blue baka nasabunutan ko na yung mga nagbubulungan sa tabi o hindi man ay nasabihan ko na ng mga foul words. Naramdaman ata ni Nathan na hindi ako komportable kaya inakbayan niya ako.
"Okay lang yan, nandito lang ako." Mas lalo namang nagbulungan yung mga estudyante. Ang alam nga kasi ng lahat ay wala na kami ni Nathan then suddenly papasok kaming magkasama.
"Nathan kinakabahan lang ako paano kung hindi nila ako matanggap? Yung mga teachers na nabastos ko? Yung mga classmates ko na...."
"Shhh. Its okay. Nakausap na sila ni Lola at naiintindihan ka nila. Gusto ka rin palang makausap ni Lola bago ka pumasok sa klase mo." Pumunta muna kami kay Lola Agueda.
"Sky mabuti naman at nakabalik ka na. Kamusta ka na hija." Nung niyakap niya ako pakiramdam ko niyakap na din ako ni Mommy. I hugged her too. Nagsisimula na ring tumulo ang mga luha ko.
"Lola Agueda sorry po sa mga sakit ng ulo na binigay ko. Nagrebelde po ako dahil sa pagkawala ni Mommy. Sana po mapatawad niyo ako. Akala ko po tama lahat ng mga ginawa ko. Lola sana po tanggapin niyo po ulit ako.""Ano ka bang bata ka? Naiintindihan ka namin. Nawalan ka ng mahal sa buhay pero sana naging aral na sa iyo ang mga pangyayari. Kung ang Diyos nga ay nakapagpatawad tayo pa kaya?" Matapos naming makipagkwentuhan sa lola ni Nathan. Hinatid niya na ako sa room ko.
"Alam mo Nathan, simula ng maging boyfriend kita..."
"Asawa mo na ako!"
"Fine. Simula ng maging asawa kita Lahat ng atensiyon nasa akin na. Ganun ka ba talaga kagwapo?"
"Gwapo talaga asawa mo." I pinched his nose. Mayabang ka pa rin.
"Sige na! Late ka na sa klase mo, bwisit ka sakit ng katawan ko mga trip mo kasi kahapon!"
"Ayaw mo nun best date ever kaya yun sayang wala tayong picture together mahirap ng may ebidensiya baka masuplong tayo haha." Nung makaalis na si Nathan huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng room namin. The ussual nung makita nila ako lahat nakairap. Yung ibang takot kay Blue nakayuko, pero dalawang tao lang ang napansin ko. Si Jane at Donna na nakatingin sakin.

BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Ficção AdolescentePaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...