Chapter One
I'm here at the Corridor. Gaya ng ibang estudyante ginagawa ko itong tambayan kapag break time. May inaabangan kasi ako. Ilang minuto pa ay natanaw ko na siya. Oh my God ang cute niya talaga. I can feel my heart beating so fast! I blushed just seeing him. I touch my chest. I bit my lips the moment I saw him. Wanna know kung sino ang inaabangan ko?
He's Nathan Wright. Lahat kinikilig kapag ngumiti na siya dahil bihira naman talaga siyang makitang ngumiti maliban nalang kung ang kaharap niya ay si Lindsay na girlfriend niya for two long years at ang mga kabarkada niya. He's suplado looks makes him more appealing. Kung tutuusin? Hindi naman boyfriend material ang paguugali niya. Bakit? Mayabang siya! Masungit! Maarte siya! Maangas. Kilala sa pagiging basagulero! Lagi siyang nagpapaiyak ng mga babaeng may gusto sa kanya! He always dump girls na nageexpress ng paghanga sa kanya. At ang pinakamalala pinagti-tripan niya ang mga teachers dito sa Maniego High! Pero despite ng lahat ng yon? Ewan ko nga ba at ang lakas ng hatak niya sa mga kapwa ko estudyante. Even me nabaliw sa kaangasan niya! Kaya nga kahit pangit ang ugali niya crush ko pa rin siya! Gwapo eh. Tsaka wala namang masama sa humanga. I know mas mahalaga ang ugali kaysa sa looks pero hindi ko mapigilan ee isa pa kahit ano naman kasing gawin ko di niya rin ako mapapansin kaya naman eto hanggang silay nalang ako ng palihim. I sighed nung makalampas na siya sa harapan ko.
Anyway i'm Sky Blue Fonacier. Dating nerd pero sumubok magpamakeover para lang mapansin ako ng ultimate crush ng bayan na si Nathan. Before? Kulot na buhaghag ang buhok ko. Alam mo yung parang alambre talaga siya sa tigas? Ganun! Sungki din ang ngipin ko. Maraming pimples at blackhea. Pero thanks sa mommy ko, pina-derma niya ako, pina-braces at pina-rebond ang buhok ko. Oh di ba? Kaya I love my Mom so much. She's so supportive at alam niya ang tungkol kay Nathan. Ni hindi siya nagalit in fact? Natuwa pa siya dahil ginagawa kong inspirasyon ang paghanga ko kay Nathan. Yun nga lang nasa Dubai siya. OFW ang mommy ko. Wala na kasi akong daddy dahil sumakabilang bahay at simula nung iwan kami ay hindi na nagpakita pa. May mga kaibigan din akong maituturing.
"Hoy Sky! Tulala ka na naman! Nakaalis na oh?" Speaking of friends siya si Donna. Isa sa mga classmate/bff/kaaway ko. Yeah kaaway talaga. Lagi kasi akong pinagagalitan niyan ginawa ko naman na daw lahat para mapansin ni Nathan pero wala parin. Bakit ayaw ko pa daw maggive-up! Ano bang magagawa ko? Daily routine ko na ata ang silayan siya tuwing break time, kahit pa nga kasama niya pa si Lindsay. Even it breaks me into pieces? Keri lang basta makita ko si Nathan!
"Hep-Hep! Huwag mo ng dugtungan okay? Tara na baka malate pa tayo sa next subject." Pigil ko sa kanya. I'm sure tatalakan na naman ako niyan eh.
"Tss. Hindi pa kasi magising!" Oh di ba? Ano bang magagawa ko? First Crush ko kaya yun!
Natapos ang lahat ng subjects namin na lumilipad ang utak ko. Well ganito talaga ako. Laging nagde-daydream. Dreaming of what? Syempre ang nagiisang bad boy ng buhay ko. Si Nathan! Lagi nga akong nasisita ng teachers namin pero once na tinanong nila ako about sa lessons namin? Whoaaa gulat sila noh? Kahit naman nagde-day dream ako sa klase nila nagaadvance reading ako. Sayang naman ang pagiging Top 2 ko sa klase kung magpapabaya ako. At gaya nga ng sabi ko. Inspiration ko si Nathan hindi distraction! Pero i'm sure kung hindi lang umiiral ang kalanturan ko about Nathan? Ako ang top one for sure! Nandito na ako sa bahay. As usual, mag-isa na naman ako. Sanay naman na ako. Ilang taon na ba akong mag-isang nakatira sa bahay na ito? Four years? Yeah four long years na akong Home Alone! Simula grade five ako ay natuto na akong mamuhay ng magisa. Simula kasi noon ay iniwan na nga kami ng aking amang sumama sa kabit niya! At dahil doon napilitan si Mommy na iwan ako at mangibang bansa para makapag-aral ako at masuportahan lahat ng pangangailangan ko. How I misses my Mom.
*Ring...Ring...Ring...*
Speaking of my mom. Araw-araw niya akong tinatawagan to check if nasa bahay na ba ako. Kung kumain na ako? Kamusta ang maghapon? How sweet of my mother. Kahit malayo siya? Hindi niya pinaramdam na wala siya sa tabi ko.
"Hello mom. I miss you!"
"Hello Sky how was your day? I missed you more anak." As always kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa maghapon. And take note. Open ako kay mommy about sa feelings ko for Nathan! Siya pa ang nag-insist na baguhin ko ang physical appearance ko. Sino bang magaakala na isa akong dating nerd? Hmmm nung matapos ang tawag ni Mommy. Nag-Facebook muna ako. Di naman ako masyadong stalker. Pero lagi kong tinitingnan ang mga pictures ni Nathan sa facebook page niya. Well hindi naman talaga siya ang may ari nito. Siguro isa sa mga poser account niya. Pero okay na din kahit mga stolen shots natititigan ko ang mga iyon ng matagal. May mga pictures din na magkasama sila ni Lindsay pero hindi ko na yun pinansin. I don't know. I know it's just a crush. But everytime I saw them together? I feel a pang on my chest. Para akong batang inagawan ng laruan. Pero sa totoo lang? I don't like Lindsay. May pagka-plastic kasi siya. Bitter much? Nah i'm just stating the fact. Kapag si Nathan ang kaharap niya ay para siyang anghel pero kapag nakatalikod na? Nevermind!
Flashback...
"What the tatanga-tanga ka!" Hindi sinasadyang nakabangga ko siya once sa corridor. Late na ako at nagstart na yung first class ko. Hindi sinasadyang nabunggo ko siya. I fell down at nahulog lahat ng dala kong libro at gamit pero sa halip na tulungan ako ay nakarinig pa ako ng masasakit na salita.
"Sorry."
"Sorry? Next time don't be so stupid bitch! Nakakasira ka ng araw!"
End of flashback...
Anyway wala naman akong magagawa kahit alam ko pa ang tunay na kulay ng Lindsay Hunter na yun. Basta ang alam ko I like Nathan. Kahit sa malayo lang kahit hindi niya ako nakikita. Kahit hindi niya ako napapansin. Hindi ko nga alam if may katiting na idea siya na nageexist ako sa mundo but that doesn't change my feelings for him. Feelings? I mean yung paghanga ko sa kanya. Bago ako natulog ay ini-screenshot ko yung mga pictures niyang bago at sinave sa private folder niya sa cellphone ko. MyBB. Short for My Bad Boy. I smiled like an idiot. Nagpagulong-gulong pa ako sa higaan ng scroll down ko yung mga dati niyang pictures sa cellphone ko. He's so cute. Masungit at suplado pero mas nakadagdag lang yun ng appeal sa kanya. Kyaaah! Kinikilig ako! "I can't wait to see you tomorrow." With that I fell asleep with a smile on my face.
To be continued...
BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Teen FictionPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...