Chapter Ten
Nagising ako dahil sa malakas ng buhos ng ulan. Akala ko panaginip lang ang lahat pero heto ako at umiiyak nanaman sa katotohanang totoo lahat ng sakit ng katawan na nararamdaman ko. Wala man lang bang naghanap sakin? Wala bang nakapansin na nawawala ako? Si Jane at Donna? Si Nathan? Hindi ba sila nagtaka na hindi na ako nakabalik? Anong oras na ba? I'm sure uwian na dahil bahagya ng dumidilim. Baka ako na nga lang ang estudyanteng nandito. Giniginaw na ako pero wala akong magawa pakiramdam ko wala na rin akong mailuha o dahil sumasama na sa patak ng ulan ang mga luha ko? Nawawalan na ako ng pag-asa. Pero nagulat ako ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan patungo dito sa rooftop. Masyadong malakas ang ulan pero naaninagan kong lalaki siya base sa uniform niya. Salamat naman at mukhang may tagapagligtas na ako. Pero wala na akong lakas para aninagin kung sino man siya dahil kusa ng pumikit ang talukap ng mga mata ko. Kung sino ka man-- MARAMING SALAMAT.
"Humanda talaga sakin yang Lindsay na yan! Kulang pa ang pagiging suspended niya sa lahat ng ginawa nila sayo Sky!" Huh? Si Donna?"Friend please gumising ka na. Ilang oras ka ng walang malay. Tinawagan na namin si Tita at alalang-alala siya sayo. Sky naman gumising kana." Si Jane? Ligtas na ba ako? Wala na ba ako sa rooftop? Unti-unti kong minulat ang mga mata ko kahit na hirap na hirap ako.
"Donna! Donna! Bilis si Sky nagkakamalay na!"
"Hmmmm tu-tu-tu--big." Hirap na hirap kong sabi. Uhaw na uhaw talaga ako.
"Jane bilis tumawag ka ng doctor." Agad na umalis si Jane at binigyan naman ako ni Donna ng tubig. Pagbalik ni Jane ay kasama na nito ang Doctor. Pero lumilipad ang isip ko kaya hindi ko naman din naiintindihan ang mga napagusapan nila.
"Sky sabi ng doctor okay ka na, pero kailangan mong magpahinga ng husto dahil grabe ang bugbog na natamo mo." Jane was crying. Pati tuloy ako naiiyak na naman. Sino bang hindi? Sa edad kong ito ay naranasan ko ang mga ganung klaseng pangyayari? Paano kung walang nakakita sakin? Mamamatay ako dun ng walang nakakaalam? Wait speaking of nakakita? Sino ang nagdala sakin dito? Si Nathan kaya yun? Ayokong umasang siya pero sana naman.
"God Sky alalang-alala kami sayo. Ano ba talagang nangyari? Ikaw lang ang makapagsasabi kung anong ginawa sayo ng hayup na Lindsay nayun. Galit na galit na tanong ni Donna. Pero gusto ko mang magkwento walang lumalabas sa bibig ko. Parang na-trauma yung dila ko. Pagod ka pa siguro. Magpahinga ka muna ulit." Sorry Donna. Hindi ko pa lang talaga kaya..
"Waaah! Tama na please ayoko na!"
"Sky! Sky! Nananaginip ka!" Huh? Nakatulog ako? Pero kausap ko pa si Donna kanina.
"Jane?"
"Ano bang napanaginipan mo? Buti naman at nakakapagsalita ka na. Sabi ng doctor mo ay muhka daw natrauma ka pero pwede ka na daw lumabas mamaya.""Jane." I hugged her tight. Natatakot akong magisa. Natatakot akong may manakit na naman sakin.
"Okay na Sky. Shhhh okay na." Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak. Pero gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Napagalaman kong nasuspinde sila Lindsay at yung tatlong gumulpi sakin. Pero dahil may mga kaya sila, sa halip na maexpel ay nagawan ng paraan na suspension lang ang maging parusa sa kanila.
"Nasaan si Nathan Jane?" Tanong ko nung medyo nakabawi na ako.
"Sky."
"Dinalaw man lang ba niya ako?" Hindi siya sumagot.
"Alam niya ba ang nangyari sakin?"
"Kalat na sa school ang nangyari. But sorry Sky. Ni hindi kasi siya nagpakita after nitong nangyari sayo. Galit na galit nga si Donna sa kanya at nasuntok siya pero parang walang nangyari at nagtuloy-tuloy lang." Ayoko ng umiyak pero nasasaktan ako. Ano ba talaga ang totoo?
"Sino ang nagdala sakin dito? Sino yung nagligtas sakin? Si Nathan yun di ba? Alam kong siya yun please siya yun hindi ba?"
"I'm sorry talaga Sky. Pero hindi si Nathan yun, andito kanina yung nagligtas sayo, nagpapasalamat nga kami ni Donna at narinig niya ang kwentuhan nila Lauren at agad na pumunta sa rooftop. Akala kasi namin ay masama talaga ang pakiramdam mo kaya umuwi ka na kaya hindi ka na namin hinanap." Hindi si Nathan? Tss. Kasinungalingan lang ba lahat g sinabi niya? Bakit Nathan? Bakit hindi mo man ang dinalaw?"Kung hindi si Nathan sino?"
"Yung kaklase nila Nathan, si John Matias?" Bakit ganun? Akala ko ba hindi niya hahayaan na may manakit sakin tapos pinagsigawan pa niya na Girlfriend niya ako sa lahat ng estudyante nung nasa canteen kami. Ginawa niya ba yun para guluhin lang ang buhay ko? Para mabully ako? Pero hindi. Hindi yun ang naramdaman ko nung magkasama kami. Alam kong tunay lahat ng pinakita niya. Yung concern sa mga mata niya. Alam kong totoo lahat ng iyon. Pero bakit? Anong dahilan at hindi man ang siya nagpakita. Argghhh. Ayoko na! Naiinis ako sa kanya but still gusto ko padin siya!
"Tama nga ata si Donna. Siguro dapat ko ng ihinto ang ilusyon kong ito para kay Nathan. Biglang gumulo ang buhay ko simula ng mainvolve ako sa kanya. Pero nasaan siya? Kahit ano pang dahilan niya kung bakit hindi siya nagpakita still he broke his promise. Pero Jane? Mahal ko na ata siya! At ang sakit sakit na wala siya ngayon dito! Masakit palang magmahal ng isang Nathan Wright? Hindi lang emosyonal pati pisikal!"
"Tama na Sky atleast maaga pa lang alam na natin na hindi ka niya kayang protektahan. And atleast ang first kiss mo napunta sa crush mo."
"Tss ewan ko sayo nakuha mo pang magbiro! Pero naisip ko lang dapat pala akong magpasalamat kung sino man yang John Matias na yan? I owe him my life." Bumukas yung pinto at iniluwa si Donna na nakabusangot sa amin.
"Buti nalang at late ako, hindi ko nasaksihan yang kadramahan niyo, pwede na tayong umuwi nabayaran ko na yung bill."
"Donna kahit hindi ka showy thank you ha? Hmm dapat talaga simula pa lang nakinig na ako sayo."
"Sky kaibigan kita kaya kahit nagpakatanga ka pa, susuportahan pa rin kita. Don't worry naiganti na kita. Oh tara na bihis na at tatawagan ko pa yung praning mong nanay." Natawa na lang ako, sa totoo lang medyo oa nga ang mommy ko pagdating sakin. Mukhang mahabang kamustuhan ito paguwi ko. Pero kahit tumatawa ako ngayon? Deep inside nasasaktan ako sa katotohanang wala siyang pakialam sakin kahit bilang kaibigan man lang.
To be continued...

BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Novela JuvenilPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...