Chapter Fifteen
"Nathan? Sabi mo ipapakilala mo ako sa mga lola mo." Nagtataka kong tanong paano ba naman kasi sa principal's office kami papunta.
"Yeah."
"Ee bakit dyan tayo papunta sa office ng principal." Kainis talaga hindi man lang ako sinagot? Bwisit first day namin tapos ala man lang kasweet-sweet. Bipolar talaga siya. Ni hindi man lang siya kumatok nung kinaladkad niya ako papasok sa loob. I look down. Aist babatukan ko siya mamaya! Nakakahiya sa Principal!
"Lola." Lola? What the Lola? Hinalikan niya sa pisngi si Mrs. Maniego. Nanlaki naman yung mata ko.
"What brings you here Nathan?"
"Lola meet my girlfriend. Sky Blue Fonacier. Sky ang lola ko, ang principal ng Maniego High." Totoo nga. Lola niya si Mrs. Maniego?! Nakakaloka hindi ko alam kung paano ko siya babatiin. Nakakahiya.
"M-Magandang araw po Ma-Ma'am." Nagmano ako sa kamay niya. I bit my lip. Kainis namumula na ata ako. Halos magmakaawa at lumuhod pa kasi ako sa kanya para lang payagan niya akong gamitin yung stage kanina tapos arggh! Nathan ka! Bakit ngayon mo lang sinabi? Sa tagal kong humanga sa kanya ni hindi ko nalaman na apo siya ng may-ari ng school!
"Natatandaan kita hija? Ikaw yung nagmamakaawa sakin na payagan kitang magamit yung gym hindi ba?" Mukha ni Nathan? Tss. Abot tenga ngiti! Kaasar siya! Kaya pala walang kahirap-hirap siyang pinayagang punuin ng rosas yung stage ng gym at kaya pala ang lakas ng loob mang-trip ng mga teachers dahil apo siya ng may-ari! Kaya pala wala lang sa kanya lahat ng kalokohan niya! Dahil alam niyang hindi siya mae-expel!
"Uhmm o-opo. Ako nga po."
"Ikaw pala ang girlfriend ni Nathan dapat sinabi mo."
"Actually lola kakasagot niya lang sakin kanina. Kaya nga niya hiniram yung gym kasi kinatahan niya ako uhmmm! Hmmm!" Bwisit ang daldal takpan ko nga ang bibig!
"Tama po yun. Kakasagot ko lang po sa apo niyo. Sobrang bait po kasi hehe."
"Fuck! Naghugas ka ba ng kamay mo? Bwisit bakit ba tinakpan mo bibig ko? Aray! Bakit mo ako binatukan?!"
"Eh ang bastos niyang bibig mo ee! Nakaharap ka sa lola mo tapos abot ang cuss mo dyan!"
"Naku hija sanay na ako dyan sa batang yan pero sana mapatino mo. Huwag mo na akong tawaging ma'am. Lola nalang din." Okay medyo magkasundo na kami ni Lola. Lola na daw tawag ko sa kanya. Si Nathan ayun nakabusangot.
"Hi Mama. Nathan? It's good to see you here. May ginawa ka na namang kalokohan?" Hala ang ganda naman niya? Kahit may edad na siya ang ganda at ang kinis pa rin. Siya ba yung Mommy ni Nathan?
"Tss. Thanks mom. Really." Kyaah siya nga? Bakit ang bata niya pa ding tingnan? Ang ganda niya. Para siyang manika.
"Wow ang ganda niyo po. Modelo po ba kayo?"
"Naku naman hija. Talaga ba?" Grabe pati boses ang ganda!
"Sky mommy ko lang yan! Pssh. Lalaki na naman ulo niyan!"
"Anak naman." *pout*
"Mommy mo talaga siya Nathan? Grabe parang magkapatid lang kayo. Ang ganda-ganda ninyo po." Alam ko masyadong O.A. na reaksyon ko pero totoo naman kasi. Sobrang ganda ng lahi nila! Kapag nagkaanak pala kami ni Nathan gandang lahi! Aist erase! Ano ba yang iniisip ko ang dumi..
"Ano namang nakakagulat doon? Gwapo ako ee." Ayan na naman ang hari ng yabang!
"Psshh manahimik ka! Ano connect? Ma'am ang ganda niyo po talaga, eh gaano po ka-gwapo yung daddy ni Nathan?"
"Nakakatuwa ka. Oo nga pala ikaw ba ang girlfriend ng anak kong masungit?"
"O-opo."
"Anong pangalan mo?"
"Sky Blue Fonacier po." Hindi ko talaga maialis yung tingin ko sa kanya. Nakaka-amazed yung kaputian niya tapos ang tangkad pa. Parang may halo silang ibang lahi ang tangos kasi ng ilong.
"And i'm Cathalina Maniego Wright. Bakit Sky blue name mo? As in kulay?"
"Favorite po kasi ng Mommy ko yung kulay na Sky Blue."
"I like you hija. Sana pagtyagaan mo ang anak ko. Alam mo na? Medyo mayabang, iresponsable, mainitin ang ulo..."
"Mom stop it! Sky tara na nga! First day natin date tayo! Araay! Nakakarami ka na ah!" Sinapok ko ulit.
"Eh bahog ka eh, hindi ba sabi ko sayo bawal ka ng magcut ng class?"
"Lola excuse mo na kami sige na?" My heart skip a beat. Loko! Bakit nagpapacute siya? Ang cute niya talaga promise.
"Apo sa mommy mo ikaw magpaalam."
"Pasaway kang talaga! Sige na Sky! Minsan lang naman sasabihin ko nalang na may inutos ako sa inyo." Wow bakit ang bait ng mommy at lola niya?
"Yes! Tara na bilis!"
"Sige p-po nice to meet you po!" Shit kinaladkad niya na naman ako!
To be continued..
BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Novela JuvenilPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...