Chapter Sixteen

302 4 0
                                    

Chapter Sixteen

Malapit na kami sa parking ng Maniego pero hinila ko bigla yung kamay ko. Hilig niya talaga akong kaladkarin. Pssh.

"Bakit?"

"Alam mo mainam pa nung nanliligaw ka? Mas sweet ka sakin ngayong tayo na lahat ng langgam nagtago sa kayabangan mo!"

"Psssh." Yun lang sagot niya?

"Bakit hindi mo sinabing lola mo pala si Mrs. Maniego?"

"What for? Wala naman talagang nakakaalam kung hindi ang barkada ko at yung baliw na si Lindsay. Isa pa, hindi ba stalker kita for three years bakit hindi mo alam?" He smirked at me tapos tinalikuran ako. Leshe! Paano niya nalamang?

"Waaaah! Paano mo nalaman bwisit ka!" Shete naman ee nakakahiya! Ayan malamog ka! Takte lang. Hindi ko alam kung paano niya nalaman but i feel so red by now. Ang init ng pisngi ko at argh basta nakakainis siya!

"Shit stop it! Aray! Stop it Sky! Damn isa pa hahalikan na kita!" Pero wala pinaghahampas ko pa rin ng bag ko!

"Bwisit ka paano mo nalaman! Aist paano mo nalaman!"

"Stop it! Nasasaktan na ako! First day natin tapos mananakit ka!"

"Wala akong pake! Sasabihin mo o magbe-break tayo?"

"As if kaya mo?"

"Fine." Walk outan na yan! Bwisit! Sa kahihiyan ko ngayon wala na akong pakialam! Okay lang na malaman niyang crush ko siya pero yung pagiging stalker ko? Gosh lamunin na sana ako ng lupa! Malapit na ako sa gate ng bigla niya akong niyakap. He hugged me from the back at hawak pa niya yung mga braso ko! "Bitaw Nathan!"

"Ayoko nga!"

"Bitaw sabi."

"Mwah. Huwag ka ng magalit baby." BABY?! Shit yung puso ko. Freaking heartbeat pero parang may mga paru-paru sa dibdib at tummy ko. Sa cheeks lang naman niya ako hinalikan pero ang sarap sa pakiramdam. "Huwag ka ng magalit baby. Shit naman Sky eh, bakit hindi kita matiis." Haru jusko! Ang puso ko nasaan na? Kinuha na niya lahat!

"Baby?"

"Tss. Kinikilig ka?"

"Ewan! Sabihin mo muna kung kanino mo yan nalaman?"

"Kay Donna. Pero huwag kang magalit sa kanya. I love you at kahit habangbuhay mo pa akong stalk okay lang dahil mahal kita." He lean his face on my neck. Kyaah hindi ako makahinga. Humarap ako tapos sinalat yung noo niya.

"Tsk Nathan? May lagnat ka ba? Bakit ang bait mo? Bakit ang sweet mo?"

"I'm trying but you're ruining the moment."

"Teka.."

"Bakit na naman?"

"Sabi mo nag-usap kayo ni Donna?" Napansin kong nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. Parang biglang sumeryoso na may halong takot at galit.

"Wala yun, huwag mo ng intindihin. Sinabi niya lang sakin yung pagiging stalker mo at pati yung trip nila kanina nung sinagot mo ako." Pero hindi may mali at nararamdaman kong may iba pa silang pinagusapan o mas mainam sigurong si Donna nalang ang kausapin ko.

"Ano ba yang iniisip mo? Alam mo Sky? May padeny-deny ka pa! Pero totoo palang ako inaantay mo sa corridor. Tsk. Saya mo siguro nung halikan kita. Tsuuup!" Shit minsan ang sweet niya madalas bipolar siya!

"Ano nakatulala ka na?"

"Nathan! Ang kapal mo! Humanda ka sakin!"

"I love you too baby!" Kainis pero kinikilig ako ng bongga! Bigyan naman niya ako ng signal kapag pakikiligin niya ako! Nakakaloka kasi yung mood niya ee! Ang ending para kaming tanga na naghabulan sa parking lot. But i'm happy. No words can express how happy i am right now. I love you Nathan Wright! This is my the best day ever. I love you MY KISSING MONSTER. Nung mapagod kami, sa halip na sa mall kami magdate doon ko siya inaya sa cart ni Manong Jun. Sino si Manong Jun? Ang the best chef ng isaw, fishball, kikiam, squidball, tokneneng, kwek-kwek at kung anu-ano pang masasarap na tinutusok ng stick.

"Ano yan? Bakit mo tinutusok?" I giggled. Muntanga lang! Ngayon lang ba siya makakakain nito?

"Ngayon ka lang kakain nito?"

"Kinakain yan?" Mayayaman nga naman. Kawawa naman pala silang may mga kaya sa buhay. Hindi nila natitikman ang ganito kasarap na pagkain.

"Say ahh."

"Ayoko nga baka madumi yan. Kung ano-anong kinakain mo! Tara sa restau..." Bago pa makapagreact ng kung ano sinubuan ko na! Hindi ko naman diniinan kawawa naman kasi yung lips niya kapag nasugatan baka hindi ko na mahalikan. Aist. Kire mo Sky!

"Ano masarap hindi ba?" Ang walanghiya! Nguya nalang ng nguya! Hindi na ako pinansin. Pero napangiti ako. Atleast hindi siya maarte. Nakakatuwa naman. Nung mabusog kami, pumunta kami sa park.

"Paano mo nalaman yung mga pagkain na yun?"

"Psssh hindi halatang nagustuhan mo. Dati kasi nung hindi pa kami iniiwan ng daddy ko, lagi kaming kumakain sa tusok-tusok. Yun yung bonding namin, pero ngayon kasi wala na ee. Ngayon na nga lang ulit ako kumain ng ganun nakakamiss din pala." Nagulat ako kasi niyakap niya akong bigla. He sighed heavily at ang higpit talaga ng yakap niya..

"Huwag kang magalala, nandito na ako. Ako na ang sasama sayong kumain ng kwek-kwek." Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Ang totoo kasi galit man ako kay Daddy pero namimiss ko siya. Namimiss ko yung mga oras na magkasama kami. Kami nila mommy
.
"Thank you Nathan.

"Anything for you baby." Baby. Ang sarap pakinggan. I hugged him tight. Ayaw ko na siyang pakawalan. Ewan ko ba feeling ko pagkasama ko siya lahat kaya ko lahat masaya parang wala akong problema. "Masyadong chansing na yan sa abs ko baby."

"Ayiiie kunyari ka pa gusto mo namang niyayakap kita. Nathan yung mukha mo! Hahahaha ang pula! Ayiiie kinilig ka sa yakap ko aminin."

"Shit tumigil ka nga! Kita na bagang mo katatawa."

"Psssh. Ang baby ko pikon."

"Damn. I love you Sky." He kissed me. Ewan ko ba pero once na hinalikan niya na ako, nawawala na ako sa sarili ko. I kissed him back like there's no tomorrow. Oh i love this bipolar monster. Wala na akong mahihiling pa. Wala na akong pakialam sa paligid.

To be continued...

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon