Chapter Twelve

451 6 0
                                    

Chapter Twelve

Hindi ko alam kung saan kami papunta. Matapos niya kong kaladkarin ay sumakay kami sa kanyang OMG! Color black na Lamborghini? Shocks akala ko big bike lang ang meron siya! First time kong makakasakay sa ganito kasosyal na sasakyan. Pero hindi na nga pala ako dapat magtaka. Yung bahay nga nila mala-palasyo ee. Tsk. Pero pwede na ba siyang magmaneho? Una Bigbike. Ngayon naman fourwheels. Ang bata niya pa masyado para magmaneho! Hindi ko namalayang huminto na kami. Wait? Bakit kami nandito sa bahay? Hindi na ako nakapagtanong pa dahil kinaladkad na naman ako! Takenote! Dun din ako dumaan sa driver's sit!

"Susi?" Iritableng tanong niya. Tss bipolar? Kanina parang night in shining armor ang peg tapos ngayon? Argggh balik sungit na naman? May paiyak-iyak pa siya kanina tapos.. Hayaan na nga namiss ko din naman ang pagiging GANYAN niya. "Fuck! This door is full of shit!" Haha gusto ko ng matawa! Pero pinipigil ko bakit kasi ayaw bitawan yung kamay ko? Mabubuksan niya ba kasi yung lock kung iisa yung kamay niya? Pero nageenjoy ako kaya hindi ko na pinansin. Namiss ko kaya itong kolokoy na ito. "Saan kwarto mo?" Init ng ulo. Pero ano? Bakit niya tinatanong?

"B-Bakit?"

"Damn just answer it. Damn it!" Tinuro ko nalang yung kwarto ko. Pero shemay naman, pagpasok namin agad akong niyakap! Putek yung puso ko naghuhuramentado na! I blushed when he cupped my face. Bakit kasi ang gwapo mo huh Nathan? Bakit ang bango mo? Tapos may pandesal ka pa! We-wait! Ano ba Sky? Minamanyak mo na yung tao. "Sorry." He said and kiss my hair. Kinikilig ako. Akala ko hindi ko na siya malalapitan ng ganito.

"Huh?"

"I said sorry damn it!"

"So nag-sosorry ka na niyan?"

"I miss you. Sobrang na miss kita!" Okey! Kenekeleg ako.

"Wait lang bitaw muna." Itinulak ko siya palayo. "Magpaliwanag ka nga Nathan. Ano bang nangyari? Nung mabugbog ako ng mga Fans mong baliw at ng ex mong mastermind bakit hindi mo man lang ako dinalaw? Tapos nakauwi na ako at lahat wala ka pa rin? Sabi mo? Sabi mo? Sabi mo hindi nila ako pwedeng sa-saktan tapos, ginulpi nila ako pero wala ka naman!" Kainis para na akong batang umiiyak. Bumalik na naman kasi lahat. Inaasahan ko talagang darating siya pero nadissapoint lang ako. Walang Nathan na dumating and worst hindi na siya nagpakita pa then the next thing I knew sila na. Alam ko namang may dahilan pero gusto ko pa ding sa kanya mismo manggaling.

"I'm the one who saved you. Ako yun Sky. Ako ang nagligtas sayo sa rooftop."
        
"Nagbibiro ka ba? Oo akala ko din ikaw pero sabi nila Jane si John Matias daw yun. Ni hindi pa nga ako nakakapag thank you sa kanya dahil kakapasok ko palang."
         
"It was me. Narinig ni John yung paguusap nila Lindsay at sinumbong niya agad sakin. Fuck kung alam mo lang kung gaano ko gustong patayin ang apat na yun dahil sa itsura mo that time. Puro pasa at sugat ka. At umuulan pa!" I bit my lower lip para pigilan yung mga luha ko. Yung mga impaktang yu huwag sanang magkasalubong ang mga landas namin. "Sumunod pala sakin si John kaya ibinilin kitang dalin ka sa ospital at tawagan ang mga kaibigan mo." So siya talaga? Bwisit nagalit pa man din ako dahil akala ko pinabayaan na niya ko!

"Pero bakit hindi mo man lang ako dinalaw? May kinalaman ba si Lindsay sa lahat ng ito?"

"Napilitan lang ako. Hindi ba sabi ko sayo walang pwedeng manakit sayo? I mean it! Pinrotektahan kita sa abot ng makakaya ko. Nung ibinilin kita kay John. Agad akong pumunta sa bahay nila Lindsay and good thing na wala ang parents niya! Muntik ko na siyang mapatay! Hindi ko ma-imagine na minsan ko siyang minahal! Baliw siya! Pinagbantaan niya akong papatayin ka niya once na hindi ako makipagbalikan sa kanya! Wala akong magawa! Kilala ko siya at kaya niya talagang gawin yun. Alam mo bang one time na subukan kong dalawin ka sa ospital??? Fuck! Fucking tears!" I wiped his tears from falling. Nasasaktan akong nakikita siya mahina at nasasaktan. I feel so numb and so weak ngayong umiiyak siya. Pwede rin palang lumuha ang isang Nathan Wright? Akala ko napaka-tapang niya pero hindi. May kahinaan siya at ako yun. Haba ng buhok ko. "Baliw siya! Pinasusundan niya pala ako! May nakatutok na baril sayo habang mahimbing kang natutulog! Hindi siya nagbibiro. Tototohanin niya lahat ng sinasabi niya" Hala? Muntik na talaga akong ipapatay ni Lindsay? "After that incident hindi na ako nagtangkang dalawin ka pa o puntahan ka man lang kahit alam kong kamumuhian mo ako. Alam kong magagalit ka sakin. But believe me. Ginawa ko lahat ng ito para sayo. Dahil mahal kita." I can't breathe. Pengeng oxygen. Mahal niya talaga ako? Mahal niya ako! Finally mahal niya na din ako! "Lagi akong tinatawagan ni Lindsay. Gusto niyang lagi akong nasa bahay nila buhat ng masuspend siya. Pumayag ako dahil ikaw ang inaalala ko. Pero kanina, hindi ko na kaya. Nung makita kitang pumasok. Bigla kong nakalimutan ang deal namin ni Lindsay. Nung makita kita all I want is to hugged you. I missed you."

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon