Epilogue
Five years later...
Habang nakatingin sa kalangitan.
"Nasaan ka kaya dyan Nathan? Sabi mo tumingin lang ako sa langit at isa ka sa mga stars na yan? Pero bakit hindi kita makita? Binabantayan mo ba ako ngayon?" Bakit ganun? Limang taon na ang nakalipas pero parang kahapon pa rin. Nathan masaya ka ba dyan? Nakita mo ba si mommy? Magkasama ba kayo? Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko. Habang buhay na ata akong iiyak sa pagkawala mo. "Miss na miss na kita asawa ko, bakit kasi hindi pwedeng magkasama tayo? Iniintay mo ba ako? Huwag kang mambababae dyan! Hintayin mo ako." Para akong tangang nagsasalitang mag-isa habang nakatingin sa langit. "Sa makalawa na ang fifth death anniversarry mo. Pati na rin ang wedding anniversarry natin. Hintayin mo ako ha?" Simula kasi ng mamatay si Nathan ngayon palang ako aattend sa memorial niya. Ewan ko, takot lang ako sa katotohanang wala na siya. Ni hindi ako umattend sa libing niya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumalon sa hukay kasama niya. Ilang gabi akong walang tigil sa pagiyak. Para akong buhay na zombie. Kinakamusta naman ako ng pamilya ni Nathan pero ewan ko ba? Ayokong makakita ng mga nagpapaalala sakin about kay Nathan lalo lang kasi akong nasasaktan. Isang buwan matapos mailibing ni Nathan ay lumipad ako papuntang America upang dito na ipagpatuloy ang pagaaral ko. Nawalan ako ng balita kila Donna at Jane. Ang tanging nakakausap ko ay si Daddy at Lindsay. Miss na talaga kita Nathan. Miss ko na lahat sayo! Miss ko na ang kissing monster ko.
HINDI ko naramdaman masyado yung inip habang nasa eroplano ako dahil masyadong malalim ung iniisip ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko once na makita ko na ang himlayan ni Nathan. Narinig ko na maglalanding na kami at kelangan na naming isuot ang seatbelt. Welcome back to me Philippines! Naglakad ako papalabas ng airport ng salubungin agad ako ni Daddy at ni Lindsay. Pero hindi lang pala sila ang sumalubong sakin. Si Donna at Jane kasama rin. Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko ng yakapin nila ako.
"Sky ang daya mo! Matapos mong umalis hindi mo na kami kinontak!" umiiyak sa sabi sakin ni Jane."Oo nga pero naiintindihan ka namin." Si Donna. Wala akong maisagot dahil totoo naman. Tinakbuhan ko ang sakit ng pagkawala ni Nathan. Habang nasa byahe ay napag-alaman kong licenced nurse na si Jane, samantalang si Donna ay siya ng namamahala sa kompanya nila. Good for them. Si Lindsay na rin pala ang namamahal sa mga kompanya ni Daddy. Wala na akong imik habang sa biyahe.
ST. JOHN MEMORIAL.
Nakita ko palang yung pangalan ng cemetery ay napaluha na naman ako. Ramdam kong umiiyak na rin sila Donna, marahil naaawa sila sakin. Nakita ko sila Tita Cathalina at Si Lola Agueda. Ang daddy naman ni Nathan na si Tito Jayson ay tahimik lang na nakamasid. My knees were shaking. Ramdam kong any minute ay bibigay na ako. Nakita ko rin ang ilang mga miyembro ng fans club ni Nathan noon sa Maniego. I smiled weakly. Hanggang ngayon may fans ka pa rin asawa ko. Ang gwapo mo talaga. Nakita ko yung picture ni Nathan. Masaya siyang nakangiti. I miss you My kissing Monster! Miss mo na rin ba ako? Bumibigat na naman yung pakiramdam ko feeling ko dinurog na naman ng paulit-ulit ang puso ko. Sinubukan kong maging masaya dahil yun ang gusto mo, pero para parang may malaking kulang sa pagkatao ko dahil hindi kita kasama. Napaluhod ako habang nanginginig na yung mga kamay ko. Hinawakan ko yung himlayan niya. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Humagulgol na ako sa sobrang sakit.
"Limang taon na Nathan! Limang taon na rin ang nakalipas simula nung iwan mo ako. Happy anniversarry asawa ko. Limang taon na tayong kasal! Limang taon na tayo. Hindi ko alam kung paano ko natiis na mabuhay ng wala ka. Minsan gusto ko na lang sumuko. Minsan naisip ko ng sundan ka para matigil na yung sakit, pero dahil sa may pangako ako sayo heto ako at lumalaban." I hugged his tomb. "Graduate na ako gaya ng gusto mo nakaya kong mabuhay kahit wala ka sa tabi ko kahit bawat araw ay bangungot para sakin. Hindi ba gusto mo ikaw lang? Sabi mo ikaw lang! Nangako akong ikaw lang, at hanggang ngayon ikaw pa rin." Umiiyak tumatawa para akong tangang nakaluhod habang yakap ang himlayan niya. They are sobbing too. "Ang galing ko hindi ba? Nakita mo ba kung paano ko bastedin lahat ng nanliligaw sakin sa America?" Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kahit na umiiyak ako sa sakit. "Miss na kita Nathan! Bakit mo kasi ako iniwan agad! Bakit ang bilis mo akong iniwan! Sorry, sorry dahil hindi kita inihatid nung nilibing ka! Sorry dahil ngayon lang kita nadalaw, kasi baka kapag nakita kita hindi ko matupad yung promise ko sayo at sundan na kita. Hihintayin mo ako hindi ba? Nangako ka! Hihintayin mo ako! Mahal na mahal kita. I love you Nathan." Ilang beses kong sinasabing mahal ko siya sa harap ng puntod niya habang nakaluhod ako at yakap siya.
"Sky tama na yan umupo ka muna sabi ni Daddy." Hawak ni Lindsay ang balikat ko. Nung tingnan ko ang bawat naririto ay umiiyak na silang lahat.
"Okay lang ako Lindsay pakisabi kay Daddy magiging okay din ako." Pero hindi, kahit kailan hindi na ako magiging okay. Alas tres na ng hapon ng magsimulang magsi-alisan ang mga tao. Niyakap nila ako isa-isa. Nilapitan ako nung in-laws ko, nagyakapan kami tapos may ini-abot sakin si Tita Cathalina. Isang sulat?
"Mommy Cathy ano po ito?" Kinabahan ako alam kong kay Nathan galing ito.
"Sky anak. Nakita namin yan last year nung maglinis kami sa kwarto ni Nathan. Nakapangalan yan sa iyo. Don't worry hindi namin yan binasa dahil alam kong para sayo yan."
"Pero bakit ngayon ninyo lang po sinabi?"
"Ayaw mo kasi kaming harapin noon, naiintindihan ka naman namin dahil naaalala mo si Nathan sa amin at nasasaktan ka kaya naman nung sinabi ng daddy mo na finally ay uuwi ka ay naisip ko na itong iabot sayo." Oo nga pala ako ang lumayo sa kanila.
"Sorry po mommy sige po mauuna na ako babasahin ko lang po itong sulat ni Nathan."
"Sky. Alam kong kapag binasa mo ito ay wala na ako. Sinulat ko ito habang may lakas pa ako. Alam mo ba? Mahal na mahal kita." Mahal din kita Nathan. Hanggang ngayon hindi nabawasan yun. "Sorry dahil nilihim ko sayo ang sakit ko. Ayoko lang kasing masaktan ka pa. Naisip ko sobra-sobra na yung mga pangyayari sa buhay mo. Alam ko namang tutuparin mo ang pangako mo sakin. Ako lang hindi ba? Alam kong tutuparin mo na makapagtapos ka ng pag-aaral. Ang patuloy na mabuhay." Tinupad ko Nathan, tinupad ko. "Pero Sky. Selfish ba ako ng hiniling ko na ako lang? Na wala ka ng ibang mamahalin kung hindi ako lang? Masama ba ako para hilingin yun?" Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi, hindi Nathan kahit hindi mo hilingin yun ang gagawin ko dahil ikaw lang. "Kahit kasi ata sa kabilang-buhay hindi ko kakayaning may ibang may magmamay-ari sa puso mo." Biglang kumabog ang puso ko sa sumunod kong nabasa. "Selfish din ba ako kung hihilingin kong samahan mo na ako dito? Ang lungkot kasi kapag hindi kita kasama. Sorry kung selfish ako, pero hindi ba pwede?"
Nathan. So all this time matagal mo na pala akong inaantay? Nathan. Bakit ngayon ko lang ito nabasa? Bakit kasi ngayon ang ako umuwi. Hindi ka selfish. Hintayin mo ako Nathan. Please hintayin mo ako. Agad kong kinuha yung susi ng kotse ko. Habang nagmamaneho ay malalim ang iniisip ko. Lord, hindi naman masama ang gagawin ko hindi ba? Matagal ko pong tiniis yung sakit. Limang taon akong nagtiis, nasaktan at umiyak. Ngayong alam kong hinihintay niya ako, matagal na pala niya akong hinihintay. Siguro naman pwede na akong maging masaya. Kinuha ko yung cellphone ko at idinial ang number ni Daddy."Anak? Bakit? Narinig kong pinaandar mo yung sasakyan." Sorry Daddy. Sorry.
"Daddy. I love you, say i love you kay Lindsay, pati sa pamilya ni Nathan. Kila Jane at Donna. Please Dad, kahit anong mangyari, ginawa ko ito dahil dito ako sasaya."
"Anak ano bang?"
"Sorry sorry dahil hindi ko na talaga kayang mabuhay ng wala siya.." Nakita kong may paparating na Ten wheeler truck.
BEEEEEEEP!
BEEEEEEEEEEEEPPPPP!Kinabig ko ang kotse at sumalpok ako deretso sa unahan nito. Narinig ko pa ang pagtawag ni Daddy sa linya. Sorry daddy.
Hintayin mo ako Nathan. Malapit na tayong magkita. Napagdesisyunan ko na. Hindi na kita hahayaan pang mag-isa at malungkot diyan. Hindi ko na hahayaan na magkahiwalay pa tayo. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalan na hilingin mong makasama mo ako. Kagustuhan ko lahat ng gagawin ko ngayon, ayoko ng masaktan. Diyan tayo kung saan pwede tayong bumuo ng pamilya.
Konting oras na lang.
Magkikita na tayo..
My kissing Monster...T H E E N D . . .

BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Novela JuvenilPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...