Chapter Thirteen
KINABUKASAN...
"Kyaaah! Grabe kinikilig ako. Aist bakit ba ang swerte masyado ng Sky na yun! Waah!"
"Shit! Ang swerte ni Sky!"
"Whooo Nathan! Ang gwapo mo sana ako nalang! Ako nalang please!"
Pagdating ko sa school puro sigawan lang ang naririnig ko. Teka ano bang nangyayari? Nakipagsiksikan ako para malaman yung pinagkukumpulan nila but to my surprise. Shit. I blushed. Kinikilig ako. Nahihiya. Mix emotion! Kainis. Teary eyed na din ako. Pinuno ba naman ng red roses itong stage tapos my tarpaulin pa. I love you Sky Blue Fonacier! Please huwag mo akong pahirapan. Tell me? Hindi ka ba kikiligin? Freaking heartbeat. Sobrang kinikilig na talaga ako. Hindi ko akalain na mageffort siya ng ganito. I'm happy. Feeling ko mahal na mahal niya talaga ako.
"Mic test." My heart skip a beat when I heard his voice. Teka nasaan siya? Tiningnan ko yung stage pero wala siya doon. "Damn. This is so gay! I've never did this in my whole life! Ni hindi ko naisip na gagawin ko ito but I did. Because I love her. Hindi pa ako nakaexperience manligaw. Even to Lindsay ngayon lang. Yes. I am courting you Sky. Shit nasaan ka ba?" Bigla siyang lumabas and Shit ang gwapo niya! Hindi siya naka-uniform. He's wearing a blue longsleeve tapos ah basta ang gwapo niya talaga! Naglock-jaw na ata yung panga ko sa kakangiti. Pakiramdam ko nakalutang ako. I feel so special. Someone shouted na katabi niya ako kaya napalingon siya kung nasaan ako. "You." Sabay turo sakin. Para namang hinawi lahat ng estudyanteng naririto at pinalibutan ako.
"Nathan.."
"Yes YOU! I love you! Mahal kita. Shit this is so gay! John humanda ka mamaya sakin after this!" I giggle. So plano lahat ito ni John? Humingi siya ng tulong kay John? Tapos naka mic siya? Rinig siya ng buong campus? Is he proud of me? Nakakataba naman ng puso. Sobrang lapad na talaga ng ngiti ko. I bit my lips pero wala nakangiti pa din ako. Paano ko ba siya pahihirapan kung ganito palang bibigay na ako? Baka wala sa oras sagutin ko na siya. Pero hindi aba paghirapan niya muna yung oo ko. Magpapaka-maria clara muna ako.
"Gosh kinikilig ako! Ang sweet ni Nathan!"
"I'm gonna die. Nakakainggit!"
"Ang gwapo ni Nathan sayang wala siyang taste sa babae."
"Nathan! Waah akin ka na lang!"
Ang daming comments sa paligid pero all eyes na ako sa kanya. Bahala sila kung ano man ang tingin nila sakin. Si Nathan lang naman ang mahalaga. Wala akong pakialam sa sasabihin nila.
"Sky. Shit nakakahiya pero para sayo ito." What the? Kakanta siya? Kakantahan ako ni Nathan? Oh my Oxygen nga! Hindi na ako makahinga sa sobrang kilig!
Bangin ka ba? Kasi.
Nahuhulog na ako sa'yo, naman kasi
Unggoy ka ba? Kasi.
Sumasabit ka sa puso ko, naman kasi
Pustiso ka ba? Kasi.
You know I can't smile without you.Pagod na pagod na ako
Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko.
Kasi naman kasi
Mahal kita ahaha
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga.Seryoso? Yan talaga yung kanta niya? Haha. Hindi ko mapigilang takpan yung bibig ko. Natatawa ako na kinikilig. Shit. Talagang yung kantang may pick-up line ah? Aist Nathan bakit ganyan ka!
Papupulis kita, kasi
Ninakaw mo ang puso ko, naman kasi
Kuto ka ba? Kasi
Palagi ka sa ulo ko naman kasiApoy ka ba? Kasi
Alab-alab I love youMag salbabida ka nga
Kasi baka malunod ka sa pag-ibig ko
Kasi naman kasi
Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga.
Pustiso ka ba, kasi
I really really can't smile without you.After niyang kumanta? Lahat hindi makapaniwala. Shit. Priceless yung mukha nung mga estudyante. Sino ba kasing magaakalang yun ang kakantahin niya? Pwede namang All of me? O kaya Fallin? O kahit anong sweet song? Haha laugh trip! Pero shit kinilig ako talaga!
"F*ck! Bakit ganyan mga mukha niyo?" He's talking to the crowd. Lahat nagpipigil ng tawa. "Shit. Stop staring! Sky mahal kita naririnig mo ba?" Reaksyon ko?"Ptff ahahaha! Shit. Sorry hahahaha sorry talaga. Wait hihinga lang ako." sorry hindi ko na talaga mapigilan.
"Sky." *gulp* Bwisit bakit naman ang husky nung boses niya kinikilabutan akong bigla..
"Bakit?"
"Gusto mo bang malaman ang meaning ng Love?"
"Huh?"
"Sige mahalin mo lang ako may meaning ka na may demonstration ka pa!" Siya with a serious tone yan. Parang nalunok ko yung dila ko i'm sure sobrang pula ng pisngi ko.
"Ayieee Nathan kinikilig ako! Kainis!"
"Kainis ang sweet ni Nathan. Nakakainggit!"
"Sky? Ang ganda mo sa lahat ng view. Pero isang view lang naman ang gusto ko mula sayo. I LO-view." Shit hindi ako makahinga! Oh my oo na! Kinikilig ako! Sino bang hindi kikiligin! Si Nathan yan. Yung supladong hindi marunong ngumiti tapos heto pinapakilig ako. Pumipickup-line sa harap ng marami para lang ligawan ako. Effort talaga. Grabe! Halos mabingi ako nung bumaba siya at pumunta sa harap ko. Kinaladkad na naman niya ako. Daily routine na ata namin ang kaladkaran tss. "Tss makangiti wagas! Kinilig ka noh?" Hindi ko na siya sinagot kasi naman kinikilig talaga ako.
To be continued...
BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Fiksi RemajaPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...