Twenty-Four

260 3 0
                                    

Chapter Twenty Four

"Anak patawarin mo ako. Hindi ko gustong mahiwalay sayo. Pero maniwala ka naman sana na hindi kita kahit kailan nakalimutan." Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya. I wipe my tears. Namiss ko si Daddy pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko na iniwan niya ako.

"Pero iniwan mo ako daddy. Iniwan mo kami ni Mommy! Pinabayaan mo ako! Alam mo bang grade five palang ako natuto na akong mamuhay mag-isa dahil nangibang bansa si Mommy para matustusan ang pag-aaral at pangangailangan ko! Tapos kung kailan kauuwi lang niya bigla-biglang binawi na agad yung pagkakataon na magkasama kami! Hindi ko na siya kahit kailan makakasama dahil wala na siya. Patay na siya daddy. Pinatay siya ni Lindsay!" Ayoko mang manumbat pero bumalik na naman lahat ng sakit.

"I'm sorry about your mom. And i'm sorry that you suffer. Pero pwede bang makinig ka muna sa akin? Pakinggan mo muna ang paliwanag ko anak." Tumango nalang ako habang pinipigil ang mga luhang gusto na namang mag-unahan sa pagpatak. Hindi ako nagsalita. I don't think makakapagsalita din ako dahil nanginginig na talaga ako.

"Hindi kita iniwan anak. Inilayo ka ng mommy mo. Kung nagtataka ka kung bakit mas matanda sayo ng isang taon si Lindsay yun ay dahil sila ang totoo kong pamilya. Masakit man para sayo na malaman ito pero naanakan ko si Stella noong manilbihan siya sa mansion ng mga Hunter."

"No! Hindi yan totoo."

"Maniwala ka anak nagsasabi ako ng totoo. Alam ng mommy mo na hindi ako nagsisinungaling."

"Ibig sabihin. S-si mommy. Si mommy siya ang kabit dito?"

"I'm sorry Sky." No! Hindi! Pero bakit hindi man lang naikwento ni mommy? Bakit pinaniwala niya akong iniwan kami ni Daddy para sa kabit niya?

"Pero bakit pinaniwala niya ako na iniwan mo kami para sa kabit mo?"

"Anak, nung malaman kong buntis ang mommy mo ay ibinahay ko siya at ibinigay ang pangangailangan niyo. Walang nakaalam na nagkaanak kami. Lagi akong maingat na huwag malaman ni Michelle, ng mommy ni Lindsay na may anak ako sa labas dahil kapag nagkataon ipapapatay niya kayo. Pero pinaimbestigahan niya ako, nalaman niya rin ang tungkol sa inyo ni Stella at nagbantang papatayin kayo kung hindi ko kayo iiwan." Totoo ba lahat ng sinasabi ni Daddy? Pero patay na si Mommy para patunayan na totoo lahat ng sinasabi niya! "Dahil doon kahit masakit iniwan ko kayo pero inilayo ka ng mommy mo sa pag-aakalang pinabayaan ko kayo dahil bigla nalang akong nawala. Hindi ko kayo hinanap dahil natakot ako sa kayang gawin ni Michelle, anak siya ng pinakamataas na lider ng mafia. At alam kong kapag sinuway ko siya ikaw ang mapapahamak." Hindi ako makapaniwala! So all this time anak ako ng kasapi ng mafia? At kung totoo nga lahat ng sinasabi ni Daddy isa akong anak sa labas? Sampid lang pala ako. Bunga ng pagkakamali ng mga magulang ko.

"Pero bakit magkaiba kami ng apelyido ni Lindsay?"

"Enrique Fonacier Hunter ang totoo kong pangalan. Isinunod ka namin ng mommy mo sa apelyido ng lola mo, para hindi ka matunton ni Michelle." Kaya pala magkaiba kami ng apelyido. Pero hindi ko pa din maabsorb. Kapatid ko ang pumatay sa mommy ko aist ang sakit ng ulo ko.

"Ang pagkamatay ni Mommy? Paano na? Sabi ni Lindsay pinaimbestigahan mo ako. Alam mong ako ang anak mo sa labas pero bakit hindi mo ako pinuntahan? Tell me Dad. Minahal mo ba si Mommy? Ako? Mahal mo ba ako?" Ayoko ng umiyak. Pagod na ako pero heto. Wala pa ring tigil ang mga luha ko kainis.

"Minahal ko si Stella anak maniwala ka. Bunga ka ng pagmamahalan namin at hindi ako nagsisisi na ipinanganak ka. Mahal kita. Mahal na mahal. Walang magulang na hindi kayang mahalin ang anak na kagaya mo. Hindi kita mapuntahan bantay sarado ako ng mommy ni Lindsay. Pero anak hindi si Lindsay ang kriminal. Hindi ko siya pinagtatakpan lang. Hindi ko siya itinago sa batas para makatakas sa kasalanang hindi niya ginawa dahil maniwala ka hindi siya ang nasa likod ng lahat ng ito." Shit! Kalokohan na ito! Mas mahal niya ba ang Lindsay na yun para pagtakpan pa talaga ang kasalanan niya? Kahit kapatid ko siya kung mamamatay tao siya hindi ko siya mapapatawad!

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon