Chapter Twenty Six
"Nathan thank God gising ka na! Wait tatawag ako ng doctor." Pero piniga niya ng mahina ang kamay ko at umiling. Shit don't cry Nathan! Sabi mo gusto mong makita akong masaya?! Paano akong ngingiti kung ganyan ka? "Shhhh Nathan please huwag kang umiyak."
"So--sorr--y." Paulit-ulit niyang sinasabi yan habang umiiyak. Shit kahit anong pigil kong humikbi wala na akong magawa.
"Nathan ang unfair mo naman ee, bakit ikaw? Nung kailangan ko ng tulong nandyan ka pero ikaw? Nung kailangan mo ako inilihim mo ito sakin. Bakit kapag mag kasama tayo masigla ka! Masaya! Mayabang! Maangas! Mapangasar! Kissing Monster kita hindi ba? Paano mo na akong hahalikan niyan? Miss na miss kita Nathan! Bakit hindi mo pinagtapat ito sakin? All this time akala ko okay ka." He smiled at me weakly. It really breaks my heart into pieces seeing him like this. "Bakit mo ito inilihim? Sabi mo one week kang mawawala tapos pinaghintay mo ako sa prom! Nagbutas ako ng bangko alam mo ba yun?! Tapos malalaman ko, nandito ka at any minute..." Hindi ko na kaya! Kung mamamatay lang din si Nathan. Mas mainam na mamatay nalang din ako. "Bakit mo naman tinupad yung vows natin sa simbahan? Sabi natin kamatayan lang ang makapaghihiwalay satin! Tapos heto ka! Nakikipaglaban kay kamatayan! Gusto mo na ba talaga akong iwan? Please Nathan huwag mo akong iiwan hindi ko kaya."
"So--rry. Sk--y. Sorr--y." Iyak lang ako ng iyak. Nakita kong nahihirapan siyang huminga kaya tinawag ko na yung doctor. God! Please not now! Huwag muna ngayon! Hindi ko pa kaya! Ayoko pa siyang mawala.
"Doc kamusta ang anak ko?" Kinakabahan ako sa sagot ng doktor kaya nanahimik lang ako.
"I'm sorry pero mas mainam sigurong iuwi niyo na siya para makasama niyo siya hanggat kaya pa niya. I don't think tatagal pa siya." Bwisit! Anong karapatan niyang taningan si Nathan!
"Sino ka para sabihin ang mga yan? Diyos ka ba? Ikaw ba si kamatayan kaya alam mo kung kailan siya mawawala? Sabihin mo! Sumagot ka!"
"Sky tama na huminahon ka."
"Tita? Huminahon? Paano? That fucking doctor said na maaaring hindi na magtagal si Nathan! Hindi yun pwede! Sabi niya magtatapos pa siya ng pag-aaral! Aantayin pa niya ang araw na pwede na akong maging Mrs. Wright! Tapos ano?" Alam kong mali na sisihin ko ang doktor pero ang sakit! Tapos ipamumukha pa niya? Wala siyang karapatan para sabihin lahat ng ito. "Kaya narito si Nathan ay para gumaling hindi para mamatay! Anong klaseng ospital ba ito? Sa halip na bigyan niyo kami ng pagasa lalo niyo pa kaming tinatakot. Damn it! Fuck!" Nakita kong paparating sila Donna at Jane kaya lalo akong nagwala. Gusto kong magsumbong! Gusto kong isiping panaginip lang ito. Pero hindi. Totoo ang lahat. Nathan was dying at wala akong magawa.
"Sky please. Huminahon ka!" sabi sakin ni Jane. Huminahon? Sa ganitong pangyayari?
"Kaibigan ba kayo ni Sky? Pwede bang pakalmahin niyo muna siya?" Hinging pabor ni Tita Cathalina. Nung makalayo kami sa room ni Nathan.
"Ikaw Donna? Alam mo rin ba ito? Alam mo ba ang tungkol sa karamdaman ni Nathan? Close kayo hindi ba? Naglihim ka din ba sakin?"
"Sky kahit ako hindi ko alam, sorry Sky. Please. Magpakatatag ka. Para kay Nathan." Niyakap nila ako ni Jane pero parang manhid na ang katawan ko. After ayusin ang mga bills at mga iba pang kailangan. Kinabukasan inuwi na namin si Nathan. Nakiusap ako kay Daddy na sa bahay muna nila Tita Cathalina ako tumira at pinayagan naman nila ako ni Lindsay. Nagstop na rin muna ako sa pagaaral para matutukan si Nathan. Awang-awa sila sakin pero hindi. Gagawin ko ang lahat para mabuhay si Nathan. Gusto kong ako mismo ang magalaga sa kanya. Gusto kong makasama siya sa lahat ng pagkakataon. Ayokong pagsisihan na hindi ko naiparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya! Lumipas ang mga araw at medyo lumakas na si Nathan. Nakakapagsalita na siya ng maayos at nakakatayo na rin kahit paano.

BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Teen FictionPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...