Chapter Eleven

373 6 0
                                    

Chapter Eleven

Lumipas ang isang Linggo at medyo maayos na ang pakiramdam ko. Medyo hindi pa nawawala yung mga pasa sa katawan ko pero kaya ko ng makapasok. Simula nung umuwi ako galing hospital ay dito na ako kila Jane tumutuloy. Nakiusap kasi ang Mommy ko na bantayan daw muna ako. Alalang-alala si Mommy sakin. Gusto niya na ding umuwi pero sinabing kong okay na ako. Gusto ko na din siyang makasama pero iniisip ko naman yung gastos kapag bumili siya ng ticket. Siya na naman ang mahihirapan para mapalitan yung pinambili niya ng ticket kaya huwag na lang. Makakasama ko nga siya pero pagbalik niya sa trabaho papagurin naman niya ang sarili niya.
I sigh. Miss ko na si Nathan. I smiled bitterly. Ayoko mang maramdaman ito pero namimiss ko na talaga siya. I miss him terribly lalo na yung pagiging kissing monster niya. Arrrrghh! Galit ako sa kanya dahil simula ng may mangyari sakin ay hindi niya man lang ako sinilip o nadalaw man lang pero bakit ganun? Mahal ko parin siya! Pero ano bang aasahan ko sa isang mayabang, bastos, antipatiko at sinungaling na katulad niya? Malinaw ko pang naalala yung sinabi niya noon sa mall. I just wanted to protect you! I don't know but after we kissed at the corridor, all I want is to be near by you, all I want is to kiss you. Protect-protect! Nabugbog na nga ako ni hindi niya man lang ako dinalaw! Naiinis ako pero gusto ko pading paniwalain ang sarili ko na may dahilan siya. Pero ramdam kong totoo lahat ng sinabi niya. Lahat ng pinakita niya. May dahilan nga kaya siya? Ayoko mang umasa pero ayoko munang sumuko hanggat hindi siya mismo ang nakakausap ko.

"Ano Sky okay ka na ba? Kaya mo na bang pumasok?"

"Oo Jane salamat. Nga pala Jane pakisabi kila Tita kaya ko naman na-- uuwi na ako mamaya sa bahay medyo naho-homesick na din kasi ako?" Ang totoo medyo nahihiya na kasi ako sa pamilya ni Jane. Ayoko ng nagiging pabigat kahit na nga itinuring nila akong parang miyembro ng pamilya. Ngayon ko nga napatunayan na hindi lahat ng mayaman ay matapobre dahil isa ang pamilya ni Jane sa mga yun.

"Huh? Sigurado ka ba? Sky binilin ka samin ni Tita, dito ka muna hanggat maging maayos ka na talaga."

"Ano ka ba Jane. Sobra na yung pagaalaga niyo sakin nung mauwi ako dito pero kaya ko na talaga."

"Oh sige sasabihin ko. Nakakainis ka ang kulit mo ano? Pero tandaan mo huh? Welcome ka dito. Tara na baka malate pa tayo."

MANIEGO HIGH

"Jane anong nangyayari? Bakit lahat nakatingin sakin ng ganyan?" Paano kasi pagpasok ko palang sa gate ng school titingin sakin ang mga estudyante tapos magbubulungan. Hello? Masyadong halata!

"Ah Sky, sorry ah ayoko kasing masaktan ka kaya hindi ko sinabi."

"Sinabi ang alin?" Biglang dumating si Donna.

"Si Lindsay at Nathan na ulit kaya nga hindi ka niya nakuhang dalawin eh. Kapal di ba?" So sila na ulit? Sila na? Sila na. SILA NA!!!!!!!
       
"O-okay lang yun almost two weeks naman ng nangyari ang lahat ng yun, kinalimutan ko na!" Sige pa Sky magsinungaling ka pa! Saktan mo pa lalo yung sarili mo tsk. Pero akala ko ba matagal na niyang gustong hiwalayan si Lindsay? Sabi pa niya nasasakal na siya. At blessing indisguise pa na nahuli niya itong nakikipaghalikan sa classmate nila? Ano ba talaga ang totoo Nathan? May mali sa mga nangyayari. Ano bang dahilan mo Nathan?

"Tama yan Sky. Andito lang kami ni Jane para sayo. Nga pala nandito na rin si Lindsay at yung tatlong bitches na president ng Fans Club niyang Nathan na yan. Pero huwag kang magalala dahil pina-blatter ko na yan sa pulis kaya kung may mangyari ulit sayo mananagot na talaga sila!"

"Thanks Donna. Wait lang, CR lang ako. Sige na mauna na kayo sa room saglit lang ako promise." Aisst! Kapag sinuswerte ka nga naman! Bakit naman sa lahat ng makakasalubong ko siya pa?

"Look who's here. So okay ka na pala? That's what you get when you messed up with Lindsay Hunter! Tandaan mo kahit kami na ulit ni Nathan layuan mo siya! Kayang-kaya kitang ipapatay kaya huwag mo akong kalabanin." Hala? Ipapatay? Baliw na nga ata itong si Lindsay gaya ng sabi ni Nathan. Lalagpasan ko na sana siya pero nagulat ako ng dumating si Nathan. He pulled me to him. Itinago niya pa ako sa likuran niya. My heart was beating so fast. Shit I miss him so much! Namiss ko yung amoy niya. Namiss ko lahat sa kanya! Pero ano bang nangyayari? Bakit ako ang nilapitan niya. Di ba sila na ulit? Ngayon ako labis na naguguluhan.

"Ano na naman ba ito Lindsay? Tayo na ulit hindi ba bakit ayaw mo pa ding lubayan si Sky?" Galit na galit si Nathan kaya nakakuha na naman kami ng atensyon sa mga papasok na estudyante.

"Oo tayo na nga pero hanggat nandyan yang malanding babae na yan! Hindi ako matatahimik knowing that you care for that ugly bitch!" Slut? Bitch? Is she pertaining for herself? Ee kung upakan ko na kaya ito baka akala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya sakin.

"Please Lindsay ginawa ko naman na lahat hindi ba? Tayo na ulit. Hindi na ako nakipagkita sa kanya. Ni hindi ko siya nadalaw nung oras na kailangan niya ko. So please leave her alone! Lubayan mo na siya." Is he really crying? Shit. Natukop ko yung bibig ko. Umiiyak si Nathan? Totoo? Bakit? At anong ibig niyang sabihin? Kagagawan ba lahat ng Lindsay na ito ang lahat kaya hindi na ako binalikan pa ni Nathan?

"Lubayan? Pssh. Ngayon pang nakita kitang nagkakaganyan sa tingin mo mananahimik ako? Iniiyakan mo yang dating nerd na yan?" Wait hala paano naman niyang nalaman na nerd ako dati? "Ano? Nagtataka ka kung bakit alam kong nerd ka before? Alam ko rin na may mommy kang nasa Dubai Bitch! Marami akong connection at kaya ko kayong ipapatay."  Nababaliw na siya. Pati mommy ko idadamay niya? Dahil doon para akong bulkang sumabog. Hindi ako makakapayag na pati si Mommy idamay niya! Inalis ko ang pagkakahawak ni Nathan sa kamay ko at lumapit kay Lindsay! I slap her. Rinig ko ang pigil na pagsinghap ng mga lintek naming audience. Dami talagang chismosa dito sa Maniego.

"That's for hurting me! Physically and emotionally! Akala mo ba nakalimutan ko na yung mga sampal mo sakin?" I slap her again. Mas malakas ngayon ang sampal ko. "Para naman yan sa mga bugbog at pasang hanggang ngayon ay nakamarka pa sa katawan ko!" I slap her really hard. "That slap suits you! Baliw kana! Subukan mo lang na saktan at idamay ang Mommy ko sa kabaliwan mo?! Ako mismo ang gigilit sa leeg mo!" Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob at tapang para masabi lahat ng yan pero siguro dahil na rin sa galit at sakit na nararamdaman ko. At dahil na rin involve ang magulang ko. Sino ba siya sa akala niya? Paglingon ko sa paligid hala ang dami na palang estudyante. I look at Lindsay na halatang gusto na akong patayin. Hindi ako natatakot sayo. Ngayon pa?

"How dare you Damn! Papatayin kita!" Sasampalin niya sana ako pero pinigilan siya ni Nathan.

"Stop it Lindsay."

"Shit Nathan sinampal niya ako! Dapat ako ang pinagtatanggol mom! I'm your fucking girlfriend!" Nagwawala na siya.

"We should stop this game Lindsay. Accept the fact na hindi na kita mahal." Shit umiiyak na naman ba to? Ano bang nangyari sa dating Nathan?

"No! May kasunduan tayo Nate! Once na iwan mo ako, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko. Papatayin ko siya. Pati ang nanay ng haliparot na yan!" Kinilabutan akong bigla. Baliw na nga ata si Lindsay pero shete kinabahan ako sa inaakto niya. Hindi na normal. Pero anong kasunduan? Kaya ba hindi ako dinadalaw ni Nathan? Kaya ba di man lang siya nagpakita?

"Tama na Lindsay. Itigil mo na ito, si Sky ang mahal ko." What the-! Mahal? Mahal niya ako? Dahil nakanganga pa rin ako. Hindi ko napansing nakalapit na samin si Donna at may hawak siyang recorder?

"Ayos Lindsay. Buti nalang at matabil ang dila mo. Sakto may ibedensiya na ako. Kaya once may mangyari ulit kay Sky o sa nanay niya? Tandaan mo sa kulungan ka na titira!"

"Arrrggghhh! Hindi pa tayo tapos!" Nung makaalis si Lindsay agad akong niyakap ni Nathan.

"Nathan." Napansin ata niyang nakapalibot na samin yung mga estudyante at kinaladkad na naman ako. Pero bago kami tuluyang umalis. Lumingon siya sa gawi ni Donna.
       
"Donna right? Tinaasan lang naman siya ng kilay ni Donna. Ang sungit talaga niya. Salamat." Tapos kinaladkad na naman ako! Leshe namiss kong kaladkarin. Namiss ko lahat kapag kasama ko siya! Namiss kong magwala ang puso ko ngayong hawak niya ako.

To be continued...

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon