CHAPTER FIVE

539 11 0
                                    

Chapter Five

Malapit na ako sa room namin. Believe me parang may mga daga sa dibdib ko! Kinakabahan ako dahil first time kong ma-late. Ayokong mapagalitan. Takot ako sa atensiyon. Tapos yung tingin pa ng mga babaeng fans nitong kasama ko feeling ko sasakmalin na ako any minute. Sabi nga nila kung nakamamatay lang yung tingin baka kanina pa ako walang buhay.

"Ano bang pinakain niya kay Nathan?"

"She's a famewhore!"

"Sarap kalbuhin!"

"Halata namang ginagamit lang siya ni Nathan para magselos si Lindsay."

"Lindsay must see this. Nakakasuka!"
I look down. Grabe ngayon pa lang ang dami na nilang nasasabi sakin. Paano pa sa susunod na mga araw? Dapat ba akong kabahan? But I need to trust Nathan. Alam kong hindi niya ko pababayaan dahil kung hindi sasapakin ko talaga siya! Hindi ko pa gustong makalbo at lalong hindi ko gustong mabugbog ng mga babaeng ito noh! Naging fan girl din naman ako pero never akong nagisip ng ganyan sa kapwa ko. Napansin ko din na walang hiyawan at tilian na nangyari ngayong araw nung pumasok kami Nathan. Kung noon ay puro sigawan kapag paparating na si Nathan ngayon ay napakatahimik. Walang gustong kumibo o magtanong. Sabagay sino bang magrereact kung makikita mo ang isang Nathan Wright na may kaakbay na ibang babae maliban kay Lindsay? Parang lahat nakikiramdam at gustong malaman ang buong detalye sa drama nila ni Lindsay kahapon at sa pagiging extra ko.

"Oh paano? Papasok na ako. Salamat sa paghatid. Kung hindi mo ako sinundo baka wala na akong buhok ngayon. Ikaw din pumasok kana graduating ka pa naman." I turn around. Binuksan ko yung pinto. Papasok na sana ko pero bigla niya nalang akong hinila. He wrapped his arm on my waist and smirk at me. Freaking heartbeat. Gosh! My heart was pounding! He kissed me. Again! Hala ano bang nangyayari sa lalaking ito? Ganito rin ba siya kay Lindsay? Bigla nalang nanghahalik? I gasp when he suck my lower lip. Pero imbis na itulak siya o sigawan siya bakit nagrespond agad ako? I enjoy it too! I respond that easily. Aminin ko man o hindi. I'm under his spell. Nawawala ako sa sarili ko everytime he's near yun pa kayang halikan niya ako? Oh no! I don't want to fall for him kung panakip-butas lang ang drama ko dahil alam kong sa huli ako ang talo. Paano pala kung isang araw sila na ulit? Na magkabalikan sila ni Lindsay at ako namang si Tanga ay hulog na hulog na? No. Hindi pwede. I need to control my feelings. Crush ko palang naman siya di ba? Hindi pa ako inlove sa kanya kaya maiiwasan ko pa! Itutulak ko ba siya? Shit! Parang may sariling isip ang mga kamay ko. The hell but I wrapped my hands on his neck! Kahit pa nagsisigawan pa sa paligid namin wala na akong pakialam. Hala?! Nagsisigawan? Agad kong itinulak si Nathan. Bwisit ano ba ang nangyari? Live show? Putek pati pala classroom namin bukas na rin ibig sabihin nakita yun ng mga kaklase ko? Ng teacher ko? Pati nila Donna at Jane? Hala feeling ko sasabog na ang pisngi ko sa sobrang pula. He whispered at me na lalong nagpakabog ng puso ko!

"Tss you're blushing Sky. Kanina pa kita gustong halikan nung nasa bahay mo palang tayo kaso bagong gising ka e." Tapos ngumiti pa ng nakakaloko at tumalikod na. Naiwan akong nakanganga literally at hiyang-hiya. Nung makapasok ako sa room namin hindi ko alam kung paano ako uupo. Diyos ko ano ba namang boyfriend yun? Nanghahalik kahit saan? At ano daw? Gusto niya kong halikan kanina sa bahay? He's totally a pervert! Bwisit ka Nathan! Hays. Itinuon ko nalang ang mata ko sa teacher namin. Nagulat nga ako at hindi man lang kami binawal kanina pati pagiging late ko hindi rin sinita? Crush din ba ni Teacher si Nathan? Ay grabe di naman siguro. Ramdam ko naman yung mga makahulugang tingin nila Jane at Donna. Lalo na ng mga kaklase ko! Aist parang napakahaba ng araw ko ngayon!!!

"Okay goodbye class tapusin niyo sa bahay ang pagbabasa. May pagsusulit tayo bukas." I look at Jane tapos kay Donna. Kinakabahan ako. Ang totoo kanina ko pa pinagdarasal na habaan pa ni Teacher yung klase. Parang ngayon lang nangyari na ayoko munang matapos ang klase.

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon