Chapter Seventeen
Lumipas ng matulin ang mga araw at hindi ko namalayang bukas na pala ang uwi ni Mommy. Paano naman kasi si Nathan kung saan-saan ako inaaayang mag-date. Yeah, tumawag kasi sakin si Mom last week at sinabing magkakasama kami for two months! Isn't that amazing? I really miss my mom. Hindi ko alam kung paano ko siya yayakapin pero talaga miss ko na siya. Excited na ako, sabi ko nga susunduin ko siya bukas sa airport pero huwag na daw at mapapagod pa ako. It's friday today. Half day lang kami ngayon. I look at my watch shit alas onse na? Kinuha ko yung mga gamit ko at nilock yung pinto. Sabi ni Nathan may surprise daw siya sakin. Ewan ko ba dun laging may gimmick! Pero ako na kinikilig. I always feel so special. Sabagay wala naman atang oras minuto o segundo na hindi ako kinikilig sa mga simple gestures niya. Minus the fact na bipolar pa din siya.
After ko masecure na nakalock na yung pinto at mga bintana ay lumakad na ako. Maaga pa din naman dahil 1:00 P.M. pa yung first subject namin sa hapon kaya okay lang na hindi ko bilisan. Hindi kasi ako nasundo ni Nathan dahil may inutos daw kasi si Tita Cathalina sa kanya. Grabe namimiss ko na si Tita, lately madalas kami sa house nila kaya nakilala ko na din si Tito Jayson. Kaya naman pala ang gandang lalaki ni Nathan, ee bukod sa mukhang manika ang mommy niya yung daddy naman niya ay half foreigner pala. Promise kung gwapo si Nathan gwapo din yung daddy niya. I'm sure maraming pinaiyak na babae yung nung kabataan niya. Nakakapagtaka pero bakit ganun? Ang babait ng parents niya well mabait naman din si Nathan kaso kung minsan hindi talaga mapigilan yung kayabangan niya. Moody din siya. Papalit-palit ng behavior. Minsan tahimik. Minsan sibangot. Minsan sweet madalas hambog hehe. Tapos yung temper niya hindi rin mapigilan. Pero dahil mahal ko siya keri nalang. Sumusunod din naman siya sa mga sinasabi ko ee.Malayo na ako sa bahay namin ng mapansin kong may sumusunod sa akin. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. I feel my chest, kinakabahan talaga ako. Binilisan ko yung lakad ko. Takbo na nga ata pero bigla nalang may tumigil na motor sa harap ko at may hinagis na black box sa dibdib ko. Ni hindi ako nakagalaw dahil baka masamang tao sila. Dalawang taong nakabonet ang nasa harapan ko ngayon at baka may dalang baril. Kung ano-ano ng tumatakbo sa isip ko. Hindi naman siguro sila riding in tandem? O holdapper? Aist huwag naman po. Nakahinga lang ako ng humarurot sila palayo kung saan ako nakatayo. Grabe yung kabog ng puso ko. Ano naman kaya ang laman nitong box na ito? Pinulot ko yung kahon at inalog? Tss. Baka naman napagkamalan lang ako? Ang dami na talagang masasamang loob ngayon. Binuksan ko yung kahon but to my surprise.
"Aaahh!" sa takot ko ay naihagis ko ng bahagya yung kahon. My knees we're shaking. Nagsimula na rin akong matakot at umiyak. Yung laman ng box, picture ni Mommy at m-may mga dugo at may pugot na ulo ng manika na kasama. "M-mommy." Bumalik ako sa bahay at nilock lahat ng pinto. No! Not my mom! Bukas na ang uwi niya. W-wala naman sigurong masamang mangyayari? Tinawagan ko agad si Mommy pero ring lang ng ring. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon lang kumabog ng ganito ang puso ko. Tinawagan ko pa rin si Mommy pero wala talaga. Bigla kong naalala si Lindsay. Hindi! Hindi naman siguro siya ang nagpadala nito. Nasa ganyan akong pagiisip ng marinig kong may tumatawag sakin. Akala ko si Mommy na pero si Nathan pala.
"Hello."
"Where the hell are you? Kanina pa kita hinahanap dito sa campus! Fuck it Sky mukha na akong tanga dito!"
"Huh? B-bakit?"
"Tss. It's out first month being a couple and you forgot about it? You're impossible. Oh! Happy Monthsarry Baby. Thank you ah? Salamat talaga!" He said sarcastically before ending the call. Shit. It's our first month at nakalimutan ko! Kaya pala sabi niya may surpresa siya sakin. Pero nawala na sa isip ko dahil kay Mommy. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung black box pero si Nathan. He's mad at me at nagui-guilty ako. What should I do?
"Nathan.." Arggh! Ang tanga ko! Bakit sa lahat naman ng araw ngayon ko pa nakalimutan? I feel so bad. Sa halip na ako ang makaalala ako pa ang nakalimot! Nakakainis nagui-guilty ako. Siya na laging nageefort siya na laging may surprises para mapasaya ako pero lagi ko nalang nate-take for granted. Agad akong kinuha yung bag ko at nilock ulit yung mga pinto. Pupuntahan ko si Nathan kahit alam kong huli na. Wala naman sigurong masamang mangyayari kay Mommy. Please huwag niyo pong hayaang may masamang mangyari sa Mommy ko. Nagtaxi na ako papuntang Maniego. Kinakabahan ako tapos traffic pa! Iba kasi magtampo si Nathan. Nasubukan ko na yun nung minsang may date kami at naghintay siya ng three hours sa park and take note umuulan nung araw na yun at ako? Nakalimutan kong may date kami. Two days niya akong hindi pinansin noon at parang wala lang ako sa kanya. After that nagpromise ako na hinding-hindi na ako makakalimot sa mga lakad o events na mangyayari samin. Noon ko lang din nalaman na may pagka-childish pala itong si Nathan. Akala ko mayabang lang siya pero hindi unti-unti malalaman mo yung magagandang side niya. Hingal-kabayo na ata ako ng makarating sa Maniego. Nakita ko si Donna kaya nilapitan ko siya.
"Donna nasaan si Nathan?"
"Wala na."
"Anong wala na? Saan nagpunta? Donna tell me!" Medyo nasigawan ko pa siya pero kasi kinakabahan ako. Iba talagang magtampo yung kissing monster na yun. Ayokong magkatampuhan pa kami sa mismong monthsarry pa namin. I know it's my fault pero kasi papunta naman na talaga ako hindi ba? Nagkataon lang na may naghagis sa akin ng black box na yun. Shit. Is that a threat? No. Hindi naman siguro.
"Umalis na siya. Sira ka kasi. Didn't he tell you na may surprise siya sayo? And of all people ikaw pa talaga ang nakalimot sa monthsarry niyo." I sighed. I really need air right now dahil pakiramdam ko may nakabara talaga sa dibdib ko. "Alam mo namang hindi sanay magpaka-sweet yung tao pero dahil sayo nagbago siya! Saksi ako don alam mo yan. Against pa nga ako sa inyo pero dahil pinatunayan niyang iba siya na mahal ka niya? Sinuportahan ko kayo." I cried. I feel so guilty. "Kaya hindi ka niya sinundo kanina kasi maaga siyang pumasok para i-surprise ka. Nagpatulong pa sakin si gago pero nakalimutan mo! Akala niya late ka lang pero kinalimutan mo talaga yung araw niyo! Nagwala siya tapos sinira lahat nung hinanda niya para sayo. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero galit talaga siya."
"Donna magpapaliwanag ako.."
"Huwag sakin. Sa kanya." Dahil sa sinabi ni Donna lalo lang akong naiyak. Iniwan niya pa ako dito. Inis din siguro siya sakin at naiintindihan ko naman kaso sana pinagpaliwanag niya muna ako. My death threat sa buhay ng mommy ko kaya hindi ako tumuloy dito kaya nakalimutan ko yung surprise ni Nathan. Siguro nga ang sama ko dahil nakalimutan ko yung big day namin. Palabas na sana ako ng Maniego para hanapin si Nathan pero nagulat ako sa sumalubong sakin..
"Kamusta ka na Sky?" Si Lindsay. Bigla kong naalala yung black box.
"Anong kailangan mo?"
"Matapang ka na talaga huh? By the way happy monthsarry! Poor bitch. Kawawa ka naman mukhang galit na galit sayo ni Nate. Tsk. Sa lahat naman kasi ng kakalimutan yung araw ninyo pa? Stupid bitch." I glared at her. Bwisit siya kung nandito siya para manginis leshe siya nagtagumpay siya dahil inis na inis na ako! "Mag-ingat ka Sky. Pinagbigyan lang kita ng isang buwan. Okay na siguro yun? Magiging akin ulit si Nathan at pinapangako ko yan! How's my gift? Nagustuhan mo ba ang laman?" Siya nga? Siya ang nagpadala ng? Shit sa inis ko sa kanya bigla ko nalang siyang nasampal. Dahil sa kanya kaya hindi ako nakarating ng mas maaga dito. Kaya nagalit si Nathan at kaya umiiyak ako ngayon, nasasaktan! Kaya sobrang laki ng takot at pagaalala ko sa mommy ko. Damn her and her crazy mind!"Baliw ka na ba talaga? Anong karapatan mong magbiro ng ganun! Anong karapatan mong takutin ako! Sino ka ba sa akala mo? Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin na tapos na kayo ni Nathan! Tanggapin mo na hindi na siya babalik pa sayo! Pathetic! Nakakaawa ka Lindsay. Alam mo kasing wala ng magmamahal sayo! Sa ugali mong yan? Huwag ka ng magtaka kung magising ka isang araw na nagiisa ka nalang!" I breath so hard. Sobra talaga yung inis at galit ko.
"How dare you slutty bitch! Iniipon mo talaga ang mga utang mo sakin ah? Huwag kang magalala palalampasin ngayon na sinampal mo ako. Pero tandaan mo mahal akong maningil! Buhay. Buhay ang kapalit ng utang mo sakin. At hindi ako nagbibiro. Kung akala mong hindi ko kayang gawin? Just see. Try me bitch." Ang totoo kinilabutan ako. Alam kong mayaman siya pero kaya niya ba talagang pumatay ng tao? She's crazy! She's only seventeen! Bakit ganyan siya magisip?
"Poor you. You look like a scared little kitten!"
"Huwag na huwag mong idadamay ang mommy ko!"
"Bukas na ang uwi niya right? Sulitin niyo na ang araw niyong magkasama anong malay mo? Baka huli na yan." Hindi ako makagalaw. Nakaalis na si Lindsay pero hindi pa rin ako umaalis sa kinakatayuan ko. Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak pero wala akong maiiyak. Heto ako tulala at takot. Bakit kung kailan kailangan ko si Nathan tsaka pa nangyari ito? Nung makabawi ako sa pagkabigla ay agad kong idinial ang number ni Mommy."Sky hello? Bakit napatawag ka? Ang dami mong miscall kanina?"
"Mommy. Mommy."
"Oh bakit umiiyak ka? Miss mo na si Mommy? Don't worry bukas nandyan na si Mommy. I miss you. I love you see you tomorrow baby."
"Mom." Hindi ko alam pero puro mommy lang ang nasasabi ko. Nanginginig na rin ako. I'm afraid of losing her. Siya nalang ang pamilya ko."Sige na anak huwag kang masyadong excited! Bye Sky. Take care." Si Mommy. Huwag naman sana. No! Kailangan kong maging possitive. Magkikita na kami.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/196236391-288-k997550.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Teen FictionPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...