Chapter Fourteen

363 3 2
                                    

Chapter Fourteen

Matapos akong kaladkarin este ihatid ni Nathan sa room namin, sobrang laki pa din ng ngiti ko. Lahat nga ata ng tanong sa recitation namin nasagot ko. Inspired! Hindi pa din ako makapaniwala. Kinikilig pa din ako kainis.

"Okay class dismissed." I smiled. Kung dati nagmamadali ako sa pagligpit ng gamit ko para pumunta sa corridor at silayan si Nathan ngayon naman siya na ang lumalapit para makita ako. Kyaah. Kailangan na bang putulan ng buhok ko?

"Hoy Sky magkwento ka nga late ako kanina ano yung usap-usapang eksena ninyo kanina ni Nathan?"

"Jane nililigawan na kasi ako ni Nathan. Ayun mga pakulo niya nakakainis. Kinantahan niya ako sa stage kanina tapos ang daming roses sa paligid." Grabe para akong kinakagat ng hantik. Di ako mapakali sa upuan ko.

"Kung naiihi ka huwag ka dito magkalat!" I glared at Donna. Kontrabida pa din siya. I pout.

"Psssh panira ka! Kinikilig ako hindi naiihi!"

"Totoo ba? Kyaah ang haba ng buhok mo sa kili-kili! Ang sweet naman pala ni Nathan?! Teka ano bang nangyari matapos ninyong mawala kahapon ni Nathan? Donna told me he confess his feelings for you. Lakas ng kamandag mo girl para kang si Nads! Charismatic!"

"He told me what really happened. Kung bakit natiis niya akong hindi dalawin. Kung bakit naging sila ulit ni Lindsay. And guess what? Siya talaga yung nagligtas sakin noon sa rooftop! Ibinilin niya lang ako kay John. Kagagawan lahat ito ni Lindsay. Binlackmail niya si Nathan. Pinagtangkaan niya pa yung buhay ko."

"Alam ko." Si Donna.

"Alam mo?" Sabay pa kami ni Jane.

"Oo sinabi ni Nathan sakin na pinagtangkaan kang patayin ng baliw na yun! Kaya nga pina-blatter ko na siya sa pulis. And good thing sinundan kita kahapon at nairecord ko ang usapan niyo. Pero Sky hindi pa tayo nakasisiguro na lulubayan ka na ng baliw na yun! Mapera sila at maraming koneksyon kaya ingat pa rin, don't worry hindi ko ito sinabi sa mama mo ayoko namang magalala pa siya." Bigla nalang akong kinabahan. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko ng nasa panganib pa pala ako hanggat may Lindsay Hunter sa paligid. Bakit kasi hindi nalang niya tanggapin na wala na sila? Paano kung saktan niya talaga si Mommy? Paano kung idamay niya nga ang nanay ko? Si Mommy nalang ang meron ako. Ngayon lang ako natakot ng ganito.

Pero poprotektahan naman ako ni Nathan di ba? Malayo si Mommy dito kaya safe siya, ako ang kailangan mag-ingat.

"Wait nga naguguluhan ako! Kwento ninyo nga ng buo!" Si Jane.

"Ako man naguguluhan kung alam mo pala bakit hindi mo sinabi sakin na may dahilan si Nathan kung bakit hindi niya ako dinalaw? Galing mong umarte Donna kainis ka!"

"Wala lang. Gusto ko lang malaman kung mahal niyo talaga ang isat-isa. Best actress ba?"

"Aarrggh naguguluhan na talaga ko!"

"Jane ako nalang magpaliwanag sayo mamaya. Ikaw Sky! Punta ka na sa Canteen at inaantay ka ni Nathan." Si Nathan? Hala ano na naman pakulo niya?

"Donna? Kasabwat ka ba ni Nathan all this time?"

"Slight?"

"Akala ko ba ayaw mo sa kanya ee bakit tinutulungan mo siya ngayon?"

"Wala lang mukha namang mahal ka talaga ni gagu ee. Ayaw mo non? Hindi na ako against sa kabaliwan mo."

"Donna magkwento ka na ngayon. Kainis kayo OP na ako sa inyo ni Sky!" After ko mag-thank you kay Donna. Tumakbo agad ako papuntang Canteen. Hingal na hingal ako pero hinanap ko pa din siya. Pero shit. NATHAN! You're impossible!

CANTEEN

My heart races too fast. Believe me I can feel this butterfly in my stomach. Kinikilig? Overwhelm? Happy? Surprised? Lahat ng pwedeng maramdaman ng taong masaya nasa akin na ata? Kainis ka Nathan! Kinikilig ako! Kakaumpisa mo pa lang manligaw pero parang ayoko ng pahirapan ka pa. You deserve a yes and i'm willing to give it to you. Hindi ko lang alam kung kailan pero sasagutin din kita. Konting push pa. I look at him. Syempre dahil siya si Nathan he just smirk.

"Akala niya ba kinaganda niya yan? Tara na nga sakit sa mata niyang Sky na yan! Feelingera!"

"Nakakainggit. Bakit ba ang swerte niya? Kanina kinantahan siya tapos ngayon aist nakakainis!"

Believe me. Pinapatay na ako ngayon ng mga fan girl ni Nathan. I'm sure kung wala lang si Nathan dito may sumabunot na sa buhok ko. Lumakad ako papunta sa kanya. Parang nag-slow motion ang lahat. Kyaah yung puso ko nalaglag na ata! He has this effect on me. Nakakapanlambot ng tuhod yung tingin niya. Here he is. Standing in front of me wit a bouquet of roses. Never pa akong nakatanggap ng bulaklak. Kung sakali ngayon pa lang at naiiyak talaga ako. Malapit na ako sa kanya ng bigla nalang naglabasan yung mga member ng Basketball team.

"Hi. Sky right? Sagutin mo na si Nathan. Mahal ka niya promise. Here." Oh my. Si Joemer! Yung captain ball ng Varsity Team! Tapos binigyan pa ako ng rose! Naging crush ko din kaya siya dati but i saw Nathan kaya nawala agad yung paghanga ko sa kanya.

"Say Yes. Hindi halata pero seryoso siya sayo." Si Teddy. One of the heartthrob ng team. Isa siya sa pinakasikat na myembro ng team. I gasp when he wink at me. Hindi ako nagtataksil Nathan promise. Inienjoy ko lang itong pakulo mo hehe. Minsan lang maglakad aa harap ko lahat ng gwapo sa school. I'm super blessed. Halos lahat ng member ng varsity team binigyan ako ng rose at lahat sinasabing sagutin ko na si Nathan. Effort ka talaga Nathan ah? My heart jump nung siya na yung lalapit sa akin.

"Psssh. I hate it when you blushed and it's not because of me. I'm fucking jealous here pero kinikilig ka pa dyan! Oh! Isaksak mo sa baga mo!" Grabe kabod nalang hinagis sa dibdib ko yung bulaklak. Pero ano daw? Nagseselos siya? Aist. Nagseselos siya at natutuwa ako! Sorry naman. Naguilty naman ako pero teka maasar nga.

"Kinikilig kasi ako kay Joemer. Nathan ang pogi niya!" Haha yung mukha niya hindi na maipinta!

"Ah ganun?" Shit. Nainis na ata. Ang cute niya talaga mainis. I laugh and kiss him. Baka kasi mauwi pa sa away. Nageffort na nga aawayin ko pa. Ang bad ko naman di ba?

"Mwah! Huwag ka na magalit Kissing Monster. Thank you, you made my day. Sweet ka naman pala ee."

"A-Akala ko ba b-bawal muna kiss?" Nautal ba talaga siya?

"Oo nga. Sayo bawal. Sakin hindi." I winked at him dahilan para mamula ng sobra yung mukha niya. Grabe ang pula niya talaga! Para siyang nakakain ng sili! "Pfffhh hahahaha Nathan! Yung mukha mo! Ahahahaha! Kasing pula ka na nitong rose!"

"Pssh." I gasp when he kissed me. Shit! Nasa canteen kami! Public place ito at bawal ang PDA! My eyes are wide open and tried to push him pero lalo niyang lang akong niyakap palapit sa kanya! Madami ng tao at lahat sumisigaw may ibang kumumuha ng litrato. May ibang maraming bad comments pero ang nakakahiya, may mga teachers! Ano ba itong si Nathan?  Matatanggihan ko ba kasi yung kissable lips niya. Darn it but I kissed him back.

"Bwisit naman Nathan ee! Bakit ba ang hilig mong manghalik sa public places?"

"Pssh. So? I love you and that's how I express my love for you." Kyaah. Kainis kang Kissing Monster ka! Bakit ba bumabanat ka dyan! Kinikilig ako kahit naiinis sayo! I look around at ang daming nakataas ang kilay. Sorry naman addict kasi sa lips ko itong lalaking ito. Pssh.

"Alam mo sasagutin na sana kita ee. Kaso huwag muna. Sabi ko bawal muna kiss tapos PDA ka pa diyan. Tsk."

"Sky naman ee!"

"Pagbutihan mo pa Tan-Tan! Konting pilit pa! Malalate na ako sa next class ko! Bye kissing monster!"  Malayo na ako pero ang lapad pa din ng ngiti ko. I touch my lips. I missed that. Masama ba? Masyado na kasi akong attached sa kanya..

"SKY BLUE FONACIER! I LOVE YOU AT HINDI AKO SUSUKO! TANDAAN MO YAN!" Napangiti nalang ako! Shemay baka sa next time na kiligin ako sagutin ko na siya kainis.

To be continued...

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon