Chapter Eighteen
KINABUKASAN...
"Uhhhmmm." Aist ang sarap ng tulog ko ee. Sino ba kasi yung nangangalabit? Alas kwatro na kasi ako nakatulog kakaiyak dahil galit pa rin sakin si Nathan. I tried to call him pero hindi niya sinasagot. Pinagpatayan pa niya ako ng phone. Tapos si Mommy pa. Inaalala ko pa rin yung threath sakin ni Lindsay.
"Anak. Gising na. Ang kawawa kong anak mukhang pagod. " Anak? Teka boses ni Mommy.
"Mommy!" Tinalon ko agad si Mommy. "Mom I miss you! Mommy. Sobrang miss po kita. Mommy." Para akong bata na iyak lang ng iyak habang yakap ko siya."Hala anak? Ganyan mo ba ako namiss?" Tumango nalang ako habang nakasiksik pa rin ako sa leeg niya.
"Mom huwag mo na akong iiwan please. Huwag mo akong iiwan! Hindi ba pwedeng dito ka nalang magtrabaho?"
"Anak hindi naman kita iiwan kaso hindi naman pwedeng hindi ako bumalik sa Dubai. Paano nalang ang pagaaral mo sa college? Teka bakit ba puyat na puyat ka? Alas dos na ng hapon tulog ka pa rin? Ang mabuti pa ay maligo ka na at ambaho mo na anak. Magpapahinga lang ako tapos mall tayo. Kahit nakakasawa na itsura mo sa skype namiss kita."
"Mommy naman ee."
"Sige na mukhang may ikukwento ka sakin. Itsura palang ng mata mo halatang umiyak ka! Sige na punta lang ako sa kwarto ko. After nating magmall buksan natin yung mga pasalubong ko sayo."
"Mommy."
"Bakit?"
"W-wala po. I love you mom!"
"Mahal din kita anak." Bago ako naligo ay tinawagan ko muna ulit si Nathan pero nakapatay pa din yung phone niya. Ganun ba siya kagalit sakin? Paano ko siya ipapakilala kay Mommy kung hindi kami okay? Alam ko namang kasalanan ko pero alam naman niyang ngayon ang uwi ni mommy. Sana naman pagpaliwanagin niya muna ako. I sighed. Hayaan ko na nga muna siya. I missed my mom si much at ayoko namang maging unfair kay mommy. Kailangan masaya ako ngayon! Four years kaming hindi nagkasama tapos ipapakita kong malungkot ako. Tinext ko sila Donna at Jane. Sinabi kong nakauwi na si Mom galing Dubai..
Sky sori. Ksma ko si mom. Pnta kmng hospital. Naconfine kc si Tita. Bukas ko na dalawin si mom mo okay? Text ni Jane. I said okay.
Sky senxa na! Si Nathan kasi, tinwagan aq.
Nangunot yung noo ko sa text ni Donna. Whats going on? Bakit naman siya itetext ni Nathan? Samantalang ako? Pinagpapatayan pa ng phone! Si Jane naiintindihan ko pero si Donna? Tinawagan ni Nathan? Samantalang halos sumabog na ang inbox niya at call register niya sa pag contact ko sa kanya? Donna's with him and i'm really confuse right now. Alam kong kaibigan kita Donna. But i'm jealous! Bakit ikaw tinawagan niya? Bakit ako? May tinatago ba sila sakin? Lately hindi ko nalang pinapansin yung closeness nila pero imposible. Mahal ako ni Nathan! Alam kong mahal niya ako pero bakit lagi silang magkasamam ni Donna? Minsan nahuli ko din silang lihim na naguusap pero inisip ko nalang na baka may surpresa sakin si Nathan at kakuntsaba niya si Donna pero ngayon nagdududa na ako. Niloloko ba nila akong dalawa? Bakit nga ba lagi nalang niyang timutulungan si Nathan? My motibo ba siya? Arrgh! No! Ano bang totoo? Ayokong magisip ng hindi maganda pero nagsisimula na akong magduda! Ganun ba sila ka-close? Na magkikita sila kahit wala ako!?
Nandito na kami ni Mommy sa Pacific Mall. Grabe miss na miss ko talaga si Mommy. Lagi akong nakakapit sa braso niya. Kinalimutan ko muna si Nathan pati na si Donna. May oras para magusap-usap kami pero hindi ngayon. I want to spend my time with my mom.
"Sky? Alam kong may problema ka. Care to share it with your mom?" Nagulat ako nung magtanong si Mommy. Alam naman na ni Mommy na kami na ni Nathan. Tumawag agad ako nung araw na sinagot ko si Nathan. Pero tama bang sabihin ko ngayon sa kanya yung problema ko? Dapat magenjoy kami ngayon. Ayokong masira yung araw naming magkasama.
"Mom sa bahay nalang po. Magenjoy muna tayo ngayon. Ayoko namang sirain yung mood. Masyado kitang namiss mommy para pagusapan yung problema ko." Pero sa lahat naman ng makikita at makakasalubong bakit sila pa? It's Nathan and Donna. They talking seriously. Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo? Bakit ang sakit. It really breaks my heart right now. My heart parang pinipiga. Parang tinutusok ng malaking katayom. Hindi ako makahinga. Kung titingnan sila para silang nagde-date. Oo nga at medyo boyish si Donna pero hindi hamak na mas maganda siya sakin! Aminado naman akong average lang ang itsura ko. I breath so hard para pigilan sa pagpatak yung mga luha ko.
"Sky okay ka lang anak? Bakit ka umiiyak?" Huh? Umiiyak? Sinalat ko yung pisngi ko at umiiyak nga ako. I thought napigil ko. I wipe my tears from falling. Kainis nakita pa ako ni Mommy.
"Wala mom, namiss ko lang ito. Yung magkasama tayo! Yung nandito ka sa tabi ko." Palusot ko ayoko namang magalala pa si mommy. Pero pagminamalas ka nga naman. Umiiwas ka na ngang makita nila, tapos heto makakasalubong mo pa. I look at them at parehas silang natigilan ng makita ako. Halata sa mukha nilang dalawa ang gulat at hindi ko na mapigilan yung mga luha ko. Parang sinabi na rin nilang nahuli ko sila sa akto. "Mom mag-CR lang ako." Narinig ko yung boses ni Donna at Nathan na tinatawag ang pangalan ko. Alam kong sinusundan nila ako pero parang wala akong naririnig, tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng mall kaya natigilan ako. Nagkagulo na ang lahat pero hindi pa din ako makagalaw. Si mommy. God no! Bakit iniwan ko siya? Tumakbo ako pabalik at nakasalubong ko si Nathan.
"Sky kung ano man ang iniisip mo hindi yan totoo!"
"Hindi pa man nageexplain ka na. Not now Nathan." Medyo nanginginig na yung boses ko. Nakita kong nagkakagulo na yung mga tao. Nakisiksik ako. No! Hindi si Mom yun hindi ba? Hindi! Magbo-bonding pa kami. Nung nasa harap na ako parang binawi na rin yung buhay ko. Nawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko said na said yung lakas ko. Si mommy. Yung mommy ko. Nakahiga at walang malay habang duguan. Yung puso ko sobrang lakas ng tibok. Nanginginig ako. Natatakot. Hindi ito totoo.
"Mom. Mommy! Mommy naman bumangon ka dyan! Hindi. Hindi ito totoo! Mommy! Mommy i'm sorry hindi kita dapat iniwan! Kasalanan ko ito! Mom huwag mo akong iwan!" Si mommy may tama ng baril sa ulo. Niyakap ko siya ng mahigpit. Wala na akong pakialam sa mga taong naguusyoso. Wala akong pakialam kahit duguan na din ako. Bakit? Bakit mommy? Ngayon pa lang tayo nagkasama. "Bakit nakalusot ang baril sa isang mall na gaya nito?! Anong klaseng seguridad ba ang meron kayo?! Mga hayup kayo! Ano bang tinatanga niyo! Tumawag kayo ng ambulansiya!" Nagwawala na talaga ako! Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin.
"Sky." narinig ko si Donna sa likuran ko at hinawakan ako sa likuran.
"Lumayo ka sakin! Dahil sa inyo! Dahil sa inyo kaya iniwan ko si mommy! Kung hindi niyo ako niloko! Sana magkasama pa kami ni mommy! Wala kang kwentang kaibigan Donna!"
"Sky mali ang iniisip mo!" I glared at Nathan.
"Mali? Ano pang tama ngayon huh? Ang namatay ang mommy ko? Mga bwisit kayo! Ano ba? Tumawag kayo ng pulis! Tumawag kayo ng ambulansiya! Wala kayong mga kwenta!" Sinigawan ko na lahat ng mga security guard na sa halip na tumulong nakikiusyoso pa! Bigla kong naalala yung threath ni Lindsay. Tinotoo niya yung banta niya. Hayup siya. Humanda ka sakin Lindsay.
"LINDSAY HUNTER! ALAM KONG IKAW ANG NASA LIKOD NITO! DUWAG KA! MAGPAKITA KA NGAYON! NAPAKAWALANGHIYA MO! BAKIT MOMMY KO PA? BAKIT MO PINAPATAY ANG MOMMY KO! DAHIL SA LALAKI NAGKAKAGANYAN KA? BALIW KA NA! GAGANTI AKO. HAYUP KA!" Para na akong sira na humihiyaw dito sa loob ng mall habang kandong ko ang wala ng buhay na katawan ni mommy. Sila Nathan alam kong nasa likod ko lang pero wala na kong pakialam sa kanila! Kung alam ko lang na ito na ang huling beses na magkakasama s-sana, sana hindi nalang siya umuwi. Sana hindi na niya ako inuwian. Doon nalang sana siya sa Dubai. Sana ngayon buhay pa siya! Ayoko na! Si mommy nalang ang meron ako pero wala na. Dahil siguro sa labis na pagiyak nawalan na ako ng malay.To be continued...
BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Fiksi RemajaPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...