Twenty-Two

265 5 0
                                    

Chapter Twenty Two

"Ako magseselos? Ee paa ko lang yung mokong na yun ee. Pssh." Ah hindi pala ah. Kaya pala nanlalaki yung butas ng ilong niya. He's cute when pissed off.

"Sus gwapo din si Christoff noh! Good kisser din siya."

"ANO?" Ang lakas ng boses niya. Napatingin na tuloy samin yung ibang mga tao dito. I pout at hinila siya paalis kung nasaan kami. Baka akala nagaaway kami.

"Wala. Sabi ko mas gwapo ka. Tara na gutom na ako."

"Hindi yun! Anong good kisser? Nagpahalik ka sa tukmol na yun?" Ang daldal ko kasi! Aist I'm do dead. Inis na talaga siya. Ang seryoso niya.

"Nathan tara muna sa World's of Fun?" Aya ko sa kanya atleast doon magsisigaw man siya hindi pansin. Maingay dun ee. Habang abala ako sa pagbili ng token.

"Sky huwag mo akong libangin!"

"Hindi naman ah? Laro muna tayo baby. Badtrip ka agad ee." Nginitian ko siya ng ubod ng tamis kahit nanginginig na ako sa kaba. Ni hindi ko nga maishoot yung token kainis. Ngayon ko lang din siya tinawag na Baby at hindi ako mapakali. Ang cheesy kasi at nakakailang hehe. Mas gusto ko yung Nathan o Kissing Monster. Sweet naman kaso hindi talaga ako sanay.

"SKY!" Shit nakakatakot naman ito. Mabuti pa nung parang anghel siya at ako yung badgirl. I giggled on my mind.

"Bhui ang ganda nung chix oh?"

"Sino diyan?"

"Yung blonde yung buhok? Shit. Otso ang katawan. Para siyang manika." Napalunok ako ng tingnan niya ng masama yung dalawang estudyante na nakatingin sa akin. Grabe ganun ba nagbago ang itsura ko para mapansin ng ibang lalaki?

"Bitawan mo ako Sky. Bibigwasan ko yung mga bastos na yun! Damn. Bakit ba kasi nagpa-blonde ka ng buhok?!"

"Calm down okay?"

"Kakalma lang ako kung sasabihin mo kung bakit ka nagpahalik sa mokong na lalaking kausap mo kanina. I can kill him I swear. Hindi ko maisip na may ibang lalaking humalik sayo peste!" I sighed. Hindi niya talaga ako titigilan. Aist. Kaya mo yan Sky. Isa pa hindi ako yung humalik kay Christoff. Si Blue yun!

"Alam mo namang naging bitch ako nung si Blue pa ako hindi ba? Laman ako ng mga Bars. Gabi-gabi akong umiinom para makalimutan yung mapapait na pangyayari sa buhay ko. Nagyoyosi at nakikipagsayaw sa lalaki. I kissed and flirt with other guys pero Nathan..." I gasp when he cupped my face and smirk at me before kissing me. Aist pasaway talaga siya! Bakit naman dito pa? Ang daming tao! I closed my eyes para hindi makita ang mga taong ngayon ay nakapalibot na samin. Kainis but I can't help it,I kissed him back. I wrapped my arms on his neck ang kiss him passionately. One minute? Three minutes? Ten? I dont know kung gaano na kami katagal sa ganitong ayos. May mga sumisigaw at pumapalkpak pero sa lakas ng music dito sa WOF halos hindi din sila madidinig. I punch his chest when he stop.

"Burado na ba yung halik ng mga lalaking nakasayaw mo? Shit! Kung alam ko lang sana minu-minuto kita binantayan! Malaman ko lang kung sino-sino nakatikim sa labi mo, sasapakin ko. Lalamugin ko sila damn it!" Kinikilig ako kaya niyakap ko siya.

"Huwag kang mag-alala ikaw lang naman ang kissing monster ko. Isa pa bumalik na ako sa dating ako. Tsaka hindi naman ako ang humalik sa kanila si Blue kaya yun." I giggle when he pout. I kiss him pero smack lang. "Huwag ka ng magpacute kasi cute ka na. Tara dun sa karaoke kantahan mo ako bilis!"

"Hell no! Nakakahiya."

"Pssh ee hindi mo naman pala ako mahal ee, kinakahiya mo ako."

"Tss. Oo na! Pssh Sky. Don't use that puppy eyes again! Halika na! Malubay ka lang!"

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon