Twenty-Seven

326 6 0
                                    

Chapter Twenty Seven

Masaya ang lahat. Congrats. Congratulations. Lahat bumati sa amin. Niyakap ako ni Donna at Jane. Pare-pareho kaming umiiyak.

"Sky congrats ha? Akalain mo yun kasal ka na sa crush mo. Hindi ka na mahihirapang sumilay tuwing break time dahil asawa mo na siya!" Umiiyak na sabi sakin ni Jane.

"Sky. Kahit tutol ako nung una sa inyo, alam mo naman hindi ba? Ang yabang kaya ni Nathan dati! Tapos basagulero! Masungit! Antipatiko! Pero alam mo namang labs kita. Bff tayo ee kaya inaalala lang kita. Sana maging masaya kayo, kahit na..." Napangiti nalang ako. Alam ko namang concern lang sila sakin.

"Sshh okay lang yan. Malakas si Nathan hindi niya pa ako iiwan. Gagawa pa kami ng soccer team!" Pagbibiro ko pero ang totoo natatakot talaga ako. Nilapitan din kami ni Lindsay.

"Sis sorry ah? Alam kong pinatawad mo na ako sa mga kabaliwan ko pero sorry talaga sa lahat congrats! Alagaan mo yang ex ko!" Ito talagang si Lindsay. I hugged her too.

"Naman asawa ko na ex mo ee haha."

"Asawa ko panik na tayo sa kwarto natin?" Medyo nag-alala ako sa boses ni Nathan parang tumamlay. Parang nanghihina?

"Ah sige pagod ka na siguro. Saglit lang at magpapaalam lang ako sa mga bisita at sa mga parents natin." Pero pinigilan niya ako.

"H-Huwag na, tara na."

"Pero baka hanapin nila tayo?"

"Please?" Pumayag na rin ako. Paakyat na kami sa kwarto niya ng bigla niya akong halikan sa pisngi. Ni hindi ko naramdaman yung mga labi niya dahil parang hindi naman talaga umabot sa pisngi ko. "Sky? Yung promise mo huh?"

"Alin don? Yung ikaw lang?"

"No. Na ipagpapatuloy mo yung buhay mo, magtatapos ka ng pag-aaral ikaw nalang ang tumupad ng pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral." Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. My heart was beating way too fast. Sobrang hindi ako makahinga.

"Nathan ano ka ba? Kakakasal lang natin kung ano-ano pinagsasasabi mo? Tara na sa kwarto. I'm sure pagod ka na." Nakakainis ka naman Nathan ee. Kasal natin ito pero pinapaiyak mo ako. Bakit ganyan ka magsalita? Parang iiwan mo na ako. Biglang lumungkot yung mukha niya. Inaalalayan ko siya sa kama. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sky. Mahal kita. Kahit wala na ako, tumingin ka lang sa langit isa ako sa mga stars n-na nagbabantay sayo." Ramdam kong nahihirapan na siyang huminga.

"Nathan ano bang sinasabi mo! Matagal ka pang mabubuhay! Nakakainis ka naman ee."

"Hindi ba sabi ko sayo maging handa ka sa mga posibilidad? Hindi ko na hawak ang buhay ko at napapagod na rin ako." No! Hindi ko pa kaya! Lord hindi pa ako handa! Hindi ba sabi ko naman sasabihin ko kapag kaya ko na? Huwag naman ngayon. Kasal natin ngayon ee.

"Nathan? Hindi mo na ba kaya? Lumaban ka pa please. Para sa akin. Sige ka! Mamimiss mo yung kiss ko. Nathan..." I  hold his hand and kiss him. Nakita kong ngumiti siya pero matamlay na.

"Sky patawad. Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita pwede bang ganito lang tayo magpapahinga lang ako.." Ramdam kong nahihirapan na siyang huminga kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Nathan huwag kang matutulog!" Naramdaman kong tumango siya. Lord please. Huwag naman ngayon. Hindi ko kakayanin. Alam kong pagod na siya pero konting sandali pa. Gusto ko pa siyang makasama.

"Sky mahal mo ba ako?"

"Ano bang tanong yan? Mahal kita kahit noong mayabang ka pa mahal kita kahit bad boy ka! Mahal kita kahit lagi mo akong inaasar! Mahal kita kahit masungit ka. Mahal kita kahit payatot ka na. Kahit maputla ka na! Mahal kita dahil ikaw si Nathan Wright ang KISSING MONSTER ko. Masaya ako dahil nakasama kita kahit papaano. Kahit kaunting panahon lang tayo nagkasama masaya ako, I love you. I love you! Mahal na mahal kita Nathan kaya please lumaban ka pa." Naramdaman kong basa yung balikat ko, umiiyak siya at hinigpitan ang yakap sakin. "Hintayin mo ako. Kahit anong mangyari hintayin mo ako, Nathan! Kahit matagal hintayin mo ako." Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako sa mga mata.

"Hihintayin kita Sky, kahit matagal hihintayin kita. Sky ka--hit ano--ng mang--y-ari ako lang ha? Ako lang? Asa--wa na kita kaya ako lang ha?" Then he kissed me. Pero hindi gaya ng dati, parang wala na siyang lakas. I bit my lips. Hindi ko kaya. Without him my life would suck! Paano na ako kapag iniwan niya?

"Promise ikaw lang Nathan."

"Pwede na ba akong magpahinga?" Nathan naman ee. Huwag naman  ngayon.

"Pwede bang mamaya nalang? Ten minutes?"

"Hi--hindi ko na kasi talaga kay--a pagod na ak--o." Ito na ba talaga? Ayokong makita niyang umiiyak ako kaya sinandal ko yung ulo niya sa balikat ko habang tahimik na umiiyak. Nathan. Nathan. Nathan. Puro yan ang sinasabi ko sa isip ko habang kagat ko ang labi ko. "I love you Sky. Mahal kita." Then biglang bumigat yung ulo niya at bumitaw sa pagkakakawit sa bewang ko ang braso niya. NO!

"Nathan! Mahal din kita! Mahal na mahal kita hintayin mo ako! Please hintayin mo ako!" Tuloy-tuloy parin yung pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong iiyak habang buhay pa ako. Hindi ko alam kung paano pa akong mabubuhay ngayong iniwan mo na ako.

To be continued....

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon