Chapter Nine
"Look what we have here. The perfect slut of our school! Girls hawakan niyo yan. Make sure hindi makakatakas yang malanding yan!"
"Bitawan niyo ako!" Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga fans ni Nathan. Pagkahablot kasi sakin nung Tabatina bigla nila akong piniringan at binusalan yung bibig ko. At dahil nag umpisa na ang klase mabilis nila kong nakidnap at ni wala man lang nakapansin dahil nga abala ang lahat sa klase. Ni hindi ako napalaban dahil nanlalambot talaga ako. At ano naman ang laban ko sa kanila? Nagiisa lang ako! Pumanik kami sa hagdan. Saan ba talaga nila ko dadalin? Hindi naman ako makasigaw dahil nga may tapal ang bibig ko. Naramdaman kong iniupo nila ko sa isang upuan tapos ay iginapos. Holo? Kinidnap na ba talaga nila ko? Hindi ba nila alam na pwede silang maexpel dahil sa gagawin nila sakin? Bwisit ka Nathan! Kasalan mo ito eh. Nasaan ka na ba? Akala ko ba walang pwedeng manakit sakin? Pero bakit nakidnap na ako wala ka pa din?! Bakit kasi pumayag pa kong maging girlfriend mo eh! Kinakalag na nila yung piring ko. Nung masanay na ulit ako sa liwanag-- bigla akong kinabahan. "Hmmm! Hmmm!" Bwisit bakit ba kasi hindi nila tinanggal pati itong nasa bibig ko? Pero waaaah! Katapusan ko na ba? Bakit ang dami nila? Wala ba silang balak pumasok sa klase? Teka nataandaan ko yung ilan sa kanila? Sila yung halos saksakin na ako at patayin kung makatingin ng mangyari yung kissing scene namin ni Nathan sa Corridor!
"Nandito na pala ang mangaagaw." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Lindsay. Siya ang mastermind? Siya ang may pakana ng lahat ng ito? Bakit ba parang naging pelikula ang buhay ko ng pasukin ko ang buhay ni Nathan?
"Yes Lindsay that bitch! Ni wala sa lebel ng ganda mo o ng ganda namin tapos nakuha niyang makipaghalikan kay Nathan?" Sabi nung blonde yung buhok na may malaking hikaw. Grabe sobrang ganda mo. Nite the sarcasm pwe!
"Alam mo kung anong bagay sayo?" Tanong sakin nung tabatina na humila ng uniform ko kanina. *Paaaaaaak!!!!*
"Hmmm! hmmm! hmmmm!" galit na galit kong ungol! Ang ibig kong sabihin ay HAYOP KA! TABA! PAGNAKAWALA AKO DITO IBABALIK KO SAYO YANG SAMPAL MO! Semento ba yung kamay niya? Grabe pakiramdam ko namanhid yung buong pisngi na sinampal niya. Yung mommy ko nga ni hindi ako makurot tapos siya sinampal ako?
"Enough! Yung iba pumasok na kayo sa klase niyo! Baka may makahalata pero ikaw Sheena! Katrin and Lauren maiwan kayo at may tatapusin tayo!" Saway at taboy ni Lindsay. Hala ano bang balak nila sakin? Tatapusin? Ako ba? Katapusan ko na ba? Ngayon ko lang napansin nasa rooftop kami pero saang parte ito ng campus?
"Kilala mo ba kami?" Natural hindi pero alam kong baliw kayo!
"Let us introduced ourselves bitch! I'm Sheena ang President ng NathanForever." Pakilala nung blonde ang buhok. Psssh pakialam ko sa kanya?
"I'm Lauren. President ng Fans Club ni Nathan na NathanFever." Hala? Parang lagnat lang? So siya yung Tabatina? Lauren pala name niya? Humanda talaga ito kapag nakawala ako dito.
"And i'm Katrin. The one and only President of NathanLovers." Pakilala naman nung isang sobrang pula ng nguso. So silang tatlo pala ang president ng mga Fans Club ni Nathan. Grabe para na akong babalatan ng buhay ng mga ito. Nasaan ka na ba Nathan? Sabi mo hindi nila ako masasaktan? Na hindi nila ako pwedeng saktan? Sabi mo walang pwedeng manakit sakin? Ee nasampal na nga ako ngayon eh!
"Kilala mo naman siguro ako? Lindsay Hunter. Yung inagawan mong malandi ka!? And you know what? Ito lang ang masasabi ko-- you messed up with me? Then i'll give you war! Alam ko namang nagawa ka lang halikan ni Nathan in front of all the students para gumanti sakin at pagselosin ako but damn you little fucking bitch. Babalik sakin si Nathan. Back off! Mahal ako ni Nathan, babalik at babalik siya kung saan siya nararapat!"
"Hmmmp! Hmmmp!" Gaga! Ikaw ang nanloko kay Nathan. Masyado ka kasing clingy kaya iniwan ka niya. Huwag mo akong sisihin!
"Oww i'm sorry bitch paano ka makakasagot eh may tapal ang bibig mo?" Inalis niya yung nakabusal sakin at di ko na napigilan ang inis ko!
"Ano bang problema niyo? Nababaliw na ba kayo? Pwede ko kayong ireport sa principal's office kapag nakaalis ako dito!" *Paaaaak!!!!*
"Bakit mo ako sinampal?" Shit.
"You deserve it! Napaka-ilusyunada mo! Layuan mo si Nathan!" Parang baliw na sabi ni Lindsay.
"Bakit hindi mo sa kanya yan sabihin? Mahal ka pala eh bakit kailangang kidnappin niyo pa ako? FYI lang Lindsay hindi ako ang lapit ng lapit kung hindi siya. It's not my fvcking problem kung bakit nababaliw ka ngayon!" Matatag kong sabi kahit gusto ko ng umiyak sa sakit ng sampal nila ni Tabatina. *Paaaaakk!!!!* Sampal sakin nung Katrin. *Paaaaakk!!!!* Sampal din nung Sheena.
"Ano ba talagang gusto niyo? At talagang tigi-tigisa pa kayo ng sampal? Bakit hindi niyo ba matanggap na ako na ang girlfriend ni Nathan at hindi kayo?" Inis na inis na kasi ako pero pinagtulungan nila akong apat!
"Matapang ka huh?" Sinabunutan, sinuntok, tinadyakan!
"Tama na please." Pagmamakaawa ko pero wala ata silang balak na tumigil. Ang masaklap pa ay nakagapos ako at walang laban. Bukod sa wala akong tulog buhat kagabi ay talaga masama na ang pakiramdam ko. Hindi ko na ata kaya. Feeling ko katapusan ko na. Ang saklap naman ng buhay ko. Naramdaman kong tumigil na sila.
"Lindsay paano kung magsumbong yan?"
"Ee di magsumbong siya! Kayang ayusin yan ng daddy ko." Matapang na sagot ng impaktang ex ni Nathan. Matapang ka lang dahil nakagapos ako. Tama nga si Nathan mukhang baliw na nga ata itong si Lindsay. Hindi na ako magtataka ngayon kung bakit nasasakal siya dito sa babaeng ito. Kung ganito naman pala talaga ugali niya hindi ako papayag na bumalik pa sa kanya si Nathan.
"Sabi mo yan ah?""Tara alis na tayo malapit ng mag-break time nagutom ako dahil sa babaeng yan! Libre ko kayong tatlo dahil sa tulong niyo." Seriously iiwan nila ako rito? Nang nakagapos? Pero wala na akong lakas. Pakiramdam ko nalamog ng husto ang katawan ko. Nanlalabo na rin yung paningin ko. Umiyak ako ng tahimik. Ang sakit na talaga ng katawan ko.
"Sinungaling ka Nathan sabi mo di nila ako pwedeng saktan!" Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa nawalan na ako ng malay.
To be continued...
BINABASA MO ANG
My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS
Teen FictionPaano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster? Sa campus. Sa kwarto. Sa kusina. Sa garahe. Sa kalye. Sa mall at kahit pa sa Banyo! Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster. He's my one and only Kissing Monster. Nathan Wright. Pero sa halip na...