Nineteen

254 4 0
                                    

Chapter Nineteen

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mailibing si Mommy at walang awang barilin sa loob pa mismo ng mall. At sa loob ng mga araw na iyon para akong lutang at wala sa sarili. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog. May mga pulis na nagimbestiga at nagpunta sa burol ni mommy pero hindi ko sila kinausap. Laman ng bawat balita sa telebisyon ang nangyari kay mommy pero ano? Wala silang makuhang lead kung sino ang may gawa! Kasi maimpluwensiya ang pamilya ni Lindsay! Tinapalan na ng pera nila ang hustisya! Kaya what for para makipagtulungan pa ako sa kanila? I'm sure binayaran na rin sila tss.

Hanggang sa mailibing si Mommy ay tahimik pa din ako. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Galit. Galit para sa impaktang Lindsay Hunter na iyon. Hayup siya! Huwag lang niyang tatangkaing magpakita sakin dahil buhay ang kinuha niya? Buhay niya din ang kukunin ko! Dumalaw din sila Nathan at Donna pero pinagtabuyan ko sila. Tanging si Jane lang ang nandoon pero hindi ko din siya kinakausap. Nakiramay din ang mga magulang ni Nathan kasama si Lola Agueda pero maging sila ay hindi ko kinausap.

Hindi pa rin ako pumapasok sa school. Nawalan na akong ganang pumasok o mas tamang sabihing wala na akong ganang mabuhay pa. Ang sakit! Sobrang sakit! Ito ba ang kapalit ng pagmamahal ko para kay Nathan? Kung alam ko lang na buhay ni Mommy ang magiging kapalit noon pa ako tumigil sa katangahan kong ito.

I still love him at naiinis ako sa sarili ko dahil kahit galit ako sa kanya ay namimiss ko siya! Maraming beses na nilang tinangkang magpaliwanag sakin pero ewan ko ba? Lagi ko silang pinagtatabuyan. Siguro dahil sa galit o sa posibilidad na baka aminin nilang tama ang hinala kong pinagtaksilan nila ako. Shit. I cried again. Wala na bang lubay ang pagiyak ko?

Hanggang kailan ba ako luluha? Tsaka bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa! Kung kailan wala na si Mommy tsaka sila magpapaliwanag? No. Hindi na lang. Save all their lies! Tanging si Jane at ang pamilya niya lang ang nakakausap ko dahil napalapit ako sa kanila noong pinatuloy nila ako nung mabugbog ako nila Lindsay. Speaking of that Bitch. Hayup siya! Walang awa niyang pinapatay ang Mommy ko. Humanda talaga siya dahil hindi ako titigil hanggat di ako nakakaganti sa kanya. Huwag lang siyang magkakamaling magpakita dahil hindi ako mangingiming gilitan siya ng leeg! Tama na ang bait-baitan ko. Nakakasawa na rin! Wala naman ng kwenta ang buhay ko ee. Wala na si Mommy. Iniwan kami ni Daddy.

Si Nathan? Mukhang ipinagpalit na ako. Wala ng nagmamahal sakin. Yung black box? Tinago ko yun. Wala akong pinagsabihan ng tungkol doon kahit pa si Jane o ang mga pulis. Bakit pa? Wala naman silang magagawa hindi ba? Kontrolado sila ng koneksyon ng mga Hunter! Humanda ka Lindsay Hunter. Ingatan mo ang buhay mo dahil sa muli nating pagkikita? Hindi ka na sisikatan ng araw.

MANIEGO HIGH.

Fuck ano bang problema ng mga estudyante? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda. Pssh. Well hindi ko sila masisisi. Sino bang hindi magugulat at mapapanganga sa itsura ko ngayon. Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa isang sikat na salon. Pina-blonde ko yung buhok ko at pinaiklian. Nagpaturo rin ako kung paano magmake-up at tinernuhan ng red lipstick! Nagpatahi rin ako ng bagong uniform well mas maikli kaysa dati. Above the knee lang naman na tinernuhan ko pa ng sandals na six inches. I just smirk at the bitches. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad pero labis na akong nairita. The hell pero kung magbubulungan sila siguraduhin nilang hindi ko maririnig!

"What? Anong tinitingin-tingin niyo?" Halatang nagulat sila pero pake ko? Mind their own bussiness! Iba na ako ngayon! Tama na yung Sky na talunan. Yung Sky na mabait! Yung Sky na tanga! Pinatapang ako ng mga pangyayari sa buhay ko! Ako na ngayon si Blue at ang sino mang tatawag saking Sky ay magtago na!

"Kala mo kung sino hindi ba yan si Sky yung pinatay yung nanay? Karma siguro ang landi kasi." I composed myself and breath so hard. What did she say? Karma? Karma para saan? Ano bang ginawa ko? Malandi? Sinong nilandi ko? May inakit ba ako? As far as I know niligawana ko at wala akong nilandi! I turn around and slapped the bitch.

My Kissing Monster | Completed | As PUBLISHED UNDER LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon