Chapter 17: Liam's birthday? And so?

1K 19 3
                                    

Chapter 17

( Liam’s birthday? And so? )

Nakabalik na kami ng Manila, back to normal madami na ulit akong gagawin..

Andito ako sa tapat ng elevator papunta na ako sa office ko dito sa University kasama ko si butler Jang na tahimik naman palagi.

*ding* tunog ng bumukas na elevator.

O____O

What the...

Si Zayn..

..

..

..

May kahalikang babae sa loob ng elevator at hindi pa din sila tumigil sa paghahalikan hindi ata nila kami napansin.

Bakit ganun?! Nakaramdama ako ng inis at galit.

Clarissa Chace Hatori!! Mali yan!!

Mali.. mali..mali..

Wala kang karapatang magalit o ni mainis man lang dahil wala kayong kaugnayan sa isa’t isa.. isang malaking WALA!

Tumalikod na ako at dumiretso sa hagdan.

Tama gagamitin ko na lang ang hagdan at parang ayaw ko ng gamitin ang elevator na yun kahit kailang..

Kung papalitan ko na lang or ipasara ko na lang yun..

Awww.. sumakit ang ulo ko kaya naman napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan.

Umupo ako sa gilid kaya naman napatigil din si Butler Jang.

“Young lady okay lang po ba kayo?” tanong niya, umupo siya sa harap ko na mas mababa ng two steps at sumandal siya sa pader, bale nakaside siya sa akin.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, kaya naman ngumiti din ako.

“Magkaibigan naman tayo diba Renz?”

Oo, Renz ang pangalan ni Butlet Jang.

8years ko na siyang butler.

12 years old pa lang ako nung una ko siyang maging butler, siya naman ay 18 pa lang noon. Parang kuya at bestfriend ko na din siya maliban sa pagiging butler niya sa akin. Sa loob ng 8 years siya ang palagi kong kasama at nag-aalaga sa akin. Naging kaibigan din siya ni Kent.

Napakabait niyang butler kahit palagi ko siyang tinatakasan.

“Miss Clarissa?”

“Bakit ganun Renz? Hindi naman siya si Kent diba?”

Alam ko pakikinggan niya ako, bukod kasi kay Kakky ay si Renz ang napagsasabihan ko ng mga problema ko.

“Alam mo ba, naiinis ako dun sa nakita ko kanina. Mali na mainis at magalit ako kasi wala akong karapatan at higit sa lahat hindi naman siya si Kent.. Magkaibang tao sila. At ang dahilan lang kung bakit sila magkamukha ay kambal sila. Pinadala na ni Zayn kahapon yung mga resulta ng paghahanap niya ng kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa aming dalawa.” Sabi ko at ngumiti..

Isang ngiting mapakla.

Umasa kasi ako na siya si Kent kahit sa umpisa pa lang alam kong hindi siya si Kent at hindi magiging kailanman si Kent..

Iisa lang ang mukha nila pero magkaibang tao sila.

“Clarissa alisin mo lang sa isip mo na siya si Kent para hindi ka masaktan. Si kent ay nasa langit na diba? At ayaw mo naman siguro na magselos siya sa kakambal niya..” sabi ni Renz.

My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon