Chapter 31
( You’re mine!! )
Ang gulo gulo na ng buhay ko, may finace ako na ayaw ko naman talagang pakasalan, may boyfriend ako na hindi ko mahal pero mahal daw ako.
Things are getting more complicated each day.
Kaya naman eto ako ngayon dindalaw si Kent.
“Kent, I miss you..” bulong ko, umupo ako at nilinis ang puntod niya, nilagay ko na din ang dala kong bulaklak sa tabi ng lapida niya.
Tinakasan ko lang si Butler Jang pati na din ang mga taong nagpapakomplikado sa buhay ko.
Nagpunta ako dito para makapag-isip isip ng matino, klung papayag na lang ba ako na pakasalan si Robert o kung tatakas na lang ako.
Gusto kong makausap si Kent dahil parang mababaliw na ako sa mga nangyayari, alam ko mababaw na dahilan lang ito para sa iba, pero kasi... haaaayyy.
“Kung andito ka lang sana... Sana hindi ganito kagulo ang lahat..” bulong ko ksabay noon ay ang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko.
Kung andito lang sana si Kent, kami ang magpapakasal, kami ang bubuo ng masayang pamilya, walang problema at kung magkaroon man alam kong malalampasan namin lahat ‘yun.
“Ano ng gagawin ko?” tanong ko.
Di ko alam kung tinatanong ko ba si Kent o ang sarili ko, siguro nga konting tulak na lang ay kailangan na akong dahil sa mental hospital.
Napabutong hininga na lang ako.
Tumingin ako sa langit baka sakaling makita ko si Kent at inaabangan na ako para magpunta doon.
Nasilaw ako sa sinag ng araw na dumapi sa mga mata ko.
Senyales na hindi pa ako makakasunod sa langit papunta kay Kent.
Ang saklap naman ng buhay ko, nabubuhay nga ako pero matagal ng patay ang puso ko.
“Pakasalan mo ako.” O_____O
May biglang nagsalita? Baka naman hallucination ko na ‘yun.
Nag-uumpisa na talaga ang pagkabaliw ko, dapat na siguro akong dumeretso sa psychiatrist mamaya o di kaya naman ay sa mental hospital na.
Imposible naman kasi na may magsalita dito dahil wala naman tao pero O________O baka naman mumu ang nagsalita? May multo waaaaaaaahh! =3=
Nagulat na lang ako ng may humila sa akin patayo, dahil nga nakaupo ako sa damuhan kanina ay nasaktan ako sa biglang paghila sa akin nino man.
“Araaaaayyy!!” reklamo ko
Pagtingin ko isang impakto pala ang humila sa akin.
Isang lamang lupa na sugo ni satanas na masarap ibaon 100 feet under the ground para makasama na niya si Santanas at sana isama na din niya ang kapatid niyang impakta na si Johanne.
“What the freaking hell are you doing here?!!” singhal ko sakanya.
Tinignan niya lang ako at tumingin a puntod ni Kent at...
“HAHAHAHAHAHAHA! Alam mo kung ako sayo kalimutan muna ang Kent ng buhay mo dahil matagal na siyang patay.” Sabi niya habang tumatawa ng wagas.
-______-+++
Oo patay na siya, pero ni minsan hindi pumasok sa kokote ko ang kalimutan siya.
“Mamatay ka sana sa kakatawa.” Sabi ko at kinuha na ang bag ko, akmang aalis na ako ng bigla niya akong hilahin.
BINABASA MO ANG
My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!
RomanceWhat if your knight in shining armor died? Wala ng magtatanggol sayo, wala ka ng aasahang iba kung hindi ang sarili mo. Makakaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong mananakit sayo? And will you able to find your new KNIGHT IN SHIMMERING A...