Chapter 37
( I need you )
“Mom!! What is this? Are you really serious? Hindi ka man lang ba naaawa sa akin? Bakit si Robert pa kasi?” sunod sunod na tanong ko pero hindi ma lang ako sinagot ni Mommy kaya naman tinignan ko na lang si Dad, nilapitan ko siya at niyakap.
“Dad! What will I do? Mamaya na ang wedding ko with that Robert.”
Pinat ni Dad ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
“Don’t worry he will find a way to stop your wedding.”
He? Sino naman kaya ‘yun? Si Blake lang naman ang inaasahan ko pero 4days na siyang nawawala, as in pinahanap ko na siya sa lahat ng butlers ko pero hindi siya mahanap. Nag-aalala na din ako kasi kahit sina Kyle hindi alam kung nasaan siya, huling kita raw sakanya ay ‘yuing nagbugbugan sila ni Robert.
Si Butler Jang naman ay sinundan kami nung kidnapin ako ni Liam nung araw na ‘yun kaya hindi niya din alam kung saan nagpunta si Blake.,
Sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari sa loob ng halos dalawang araw kasama si Liam, may isang parte ko ang sumasaya.
Parang nabubuhay bigla ang puso ko, hindi ko maintindihan pero ang alam ko lang ay masaya ako tuwing kasama ko siya.
*******
“Huwag mong subukan tumakas sa kasal natin dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa Blake mo.” Bulong ni Robert sa akin.
Pumasok siya dito sa hotel room ko para lang sabihin ‘yun? Sa tingin ba niya maniniwala ako agad sa mga sinabi niya? -____-
May inabot siyang mga pictures sa akin.
0_______0
B-blake? Hawak nga niya si Blake, and anytime pwede niyang ipapatay ‘to kung tatakas nga ako.
“Aasahan kita mamaya sa harap ng altar.. Bye sweetheart!!” sabi niya sabay alis.
Napakasama talaga ni Robert!!!
Napatingin ako sa wedding gown na puti na nakasuot sa mannequin.
Paano na si Blake kung tumakas ako, sigurado akong papatayin nga nila si Blake. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, napatingin ako sa gunting sa may side table, saksakin ko nalang kaya ang sarili ko, sa ganung paraan papakawalan nila si Blake ng hindi ko na kailangan pang pakasalan si Robert.
Kainis!! Masakit naman ‘yung naisip ko =____=
Kaya naman lumapit nalang ako sa wedding gown ko at ginupit ko ito, dahil sa sobrang inis ko.
“Young lady!”
“Wag niyo pong sirain ang weedding gown niyo.” Inawat nila ako pero huli na sila nasira ko na.
“Ayoko na niyan! Sira na! I want a black wedding gown.” Utos ko.
Nanlaki naman ang mga mata nila at sabay sabay na nagsabi ng “BLACK?”
*****
Gabi na ilang minuto na lang mag-uumpisa na ang seremonyas ng kasal namin.
Hindi ito ang kasal na pinangarap ko, hindi ko mahal ang taong pakakasalan ko at alam kong kahit matuloy ang kasal namin hinding hindi ko siya magagawang mahalin kailanman.
Pagkatapos ng gabing ito sakanya na ako, ang buong pagkatao ko maliban sa puso.
Naglalakad na ako papunta sa altar lahat ng tao dito sa simbahan nasa akin ang atensyon, narinig ko din ang mga bulong bulungan kung bakit daw black ang wedding gown ko.
Lalo kong binagalan ang paglalakad dahil hinihintay ko pa din na may darating para kidnapin na naman ako para hindi matuloy ang kasal na ‘to na puro kalokohan lang.
Oo, umaasa ako na sana dumating si Kent at isigaw ang ‘ITIGIL ANG KASAL!!’ pero hindi na ‘yun mangyayari, siguro sa panaginip pwede pa pero ngayon? Napakaimposible na.
Hindi ko din maitatanggi na may hinihintay pa akong isang tao na maaaring makapagpatigil ng kasal na ito.
Sinabi niya na mahal niya ako at sana dumating siya para pigilan o di kaya naman ay kidnapin niya ulit ko na palagi niyang ginagawa. Yung bang hihilahin niya ako o bubuhatin na naman niya ako ng parang sako ng bigas para mailayo sa mga tao dito, mailayo kay Robert.
Sa ngayon siya lang ang pag-asa ko, si Liam..
Pero nagkamali ako, siguro nga hindi na siya darating pa, andito na ako ngayon sa harap ni Robert na nakangiti ng sobrang nakakaasar, hinawakan niya ako ng maigpit sa braso.
Nagsimula na ang seremonyas na hindi ko naman naiinitidihan dahil sa pag-iisip kung may magliligtas sa akin sa kasal na ‘to.
Nasaan ka na My Knight in Shimmering Armor?
Napapikit ako ng mariin..
“I need you..... Liam...” ito na lang ang naibulong ko sa hangin.
---------------
to be continued....
---------------
BINABASA MO ANG
My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!
RomantikWhat if your knight in shining armor died? Wala ng magtatanggol sayo, wala ka ng aasahang iba kung hindi ang sarili mo. Makakaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong mananakit sayo? And will you able to find your new KNIGHT IN SHIMMERING A...
