Chapter 41
(You’re not mine but I wish you were...)
“Young Lady, nandito po si Blake, gusto kayo makausap.” Sabi ni Butler Renz
Bumangon ako sa kama, tinignan ko ang oras 7:38 in the morning, ang aga pa... bakit siya andito? Ano kayang sasabihin niya?
“Papasukin mo na lang.” Sabi ko.
Nagpunta ako sa banyo para ayusin ang itsura ko.
Paglabas ko nakaupoo na si Blake sa may sofa sa loob ng kwarto ko kaya naman lumapit ako sakanya.
“Good morning Blake.” Bati ko at humalik sa pisngi niya, umupo na din ako sa tabi niya.
“Good morning din.” Sabi niya ng nakangiti.
Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.
“Can I have this day?” tanong niya.
“Huh?” Clueless na naman ako sa mga sinasabi niya, hindi lang siya dahil parehas sila ni Liam. Nabobobo na ata ako ng dahil sakanila.
“Just give me this day.... One whole day to be with you.”
Bigla akong kinabahan feeling ko kasi may hindi magandang mangyayari at the end of this day.
“Please?” he hissed
“sure.” Sabi ko.
Ngumiti siya at lumabas na ng kwarto para daw makapagbihis at ayos na ako.
--------
“Where are you going to take me?” tanong ko habang naglalakad kami palabas ng mansion patungo sa ferrari niya.
“Peaceful place where we can have peacef of mind.” Sagot niya.
Hindi na ako nagtanong pa.
Tahimik lang kami sa buong byahe. Palabas ng Manila ang tinatahak naming daan bandang South... saan niya kaya ako dadalhin?
“Meron apple pie at chocolate drink sa likod, abutin mo na lang.. alam kong hindi ka pa kumakain.” Sabi niya. Inabot ko naman ang basket na nasa likod at kumuha ng pagkain.
Kumain ako ng tahimik habang si Blake ay nangingiti na lang dahil hindi siya makakain.
“Ohhh... alam kong gutom ka na din.” Sinubuan ko siya ng apple pie at pinainom ng chocolate drink.
“Indirect kiss...” sabi niya
Natawa ako ng dahil doon.
“Duh!! What are we? Teenager?” sabi ko.
Nagtawanan lang kaming dalawa, ilang sandali lang ay natahimik na din kami.
Napalingon ako sakanya ng hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa may lap ko.
“I’ve honestly tried to let my feelings go.... alam kong si Liam na ang matimbang ngayon.. di ko alam kung paano pero ramdam ko.”
“.............”
Speechless na ako, dahil sa sinabi niya, di ko din alam kung ano ba talaga ang tinutukoy niya.
*SCCCRREEEEEETTTTTCCCCCCCCCCHHH*
“Araaaayyyy!!” reklamo ko
“Sorry, may aso kasing tumawid..” paghingi niya ng dispensa... napahawak na lang ako sa batok ko ang sakit kasi.
BINABASA MO ANG
My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!
RomanceWhat if your knight in shining armor died? Wala ng magtatanggol sayo, wala ka ng aasahang iba kung hindi ang sarili mo. Makakaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong mananakit sayo? And will you able to find your new KNIGHT IN SHIMMERING A...