Chapter 22: Please don't die!

952 17 2
                                    

Chapter 22

( Please don’t die! )

--Blake’s POV-- 

Kanina ko pa hinahanap si Clarissa, dahil nakita ko sila ng buntot niyang butler na lumabas na sa kwarto..

Saan ba kasi nagpunta si Clarissa?

Tsk!! Naasar na ako pinagtataguan ata ako nun.

Nakita kong tumaktakbo ang butler niya na parang natataranta na may hinahanap.

“HOY!! Butler ni Clarissa.. Nasaan si Clarissa?” tanong ko

Istura naman ng butler ni Clarissa parang natatae na ewan -___-

“Nawawala nga ehh.” Sagot niya

“ANO??!!!”

“Nawawala si Young Lady, kung pwede tulungan niyo akong maghanap sakanya.”

Hindi ko na siya sinagot at hinanap na lang din si Clarissa.

Napakawalang kwentang butler, hindi kasi binabantayan ng mabuti..

Gugulpihin ko talaga yun kapag may nangyaring masama kay Clarissa.

May nakasalubong naman akong isang waitress na may kakaibang ngiti, at parang nakita ko na siya dati.

“Sir may hinahanap po ba kayo?” tanong niya, bedroom voice pa.

Mas lumapit siya sa akin at hinaplos haplos pa ang dibdib ko.

Chansing naman ang babaeng ‘to sa abs ko.

Type ako nito, no one can resist my charms talaga.

“Meron!! Kaya itigil mo yang ginagawa mo.” Utos ko sakanya.

Inalis naman niya agad ang kamay niya sa dibdib ko.

Ngumiti lang siya ng nakakaakit, sira ulo ata ang babaeng ‘to, para namang maaakit niya ako. Ni hindi ko nga siya type, wala siya sa kagandahan ni Clarissa *u*

Nilagpasan ko lang yung babaeng sira ata ang ulo.

Napahinto ako ng marinig ko ang sinabi niya.

“Hindi niyo na siya makikita ng buhay.”

Lumingon ako pero wala na yung babae.

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap kay Clarissa.

Bakit ba palaging nawawala ang babaeng ‘yun?

Kapag ako nainis, itatali ko na siya sa sarili ko, para kahit kelan hindi na siya mawawala, makakasama at madidikit pa siya sa katawan kong kabigha bighani.

Ang katawan kong kasing katawan ni MACHETA.. *o*

Nawala ang pag-iisip ko ng kalokohan ng makita ko si Megan na umiiyak kasama yung iba pa.

Magpinsan talaga sila ni Clarissa, parehas na iyakin...

Lahi nila ang iyakin.

Nagulat naman ako ng tumalon sa dagat ang butler ni Clarissa.

Aba’t may balak pa atang magpakamatay ang walang kwentang butler. -__-

“Nakita niyo ba si ----“ hindi ko na naituloy ang itatanong ko ng mas lalong humagulhol sa iyak si Megan.

“Oh bakit ka umiiyak?” takang tanong ko.

Hindi naman sumagot si Megan, napatingin ako sa katabi niyang si Jasmine aba’t himala ata at tahimik siya, nag-iwas lang ng tingin sa akin.

My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon