Chapter 28
( Playing Innocent?)
~Sander’s POV~
“SANDER!!!” sigaw na naman ng babaeng pinalihi sa megaphone.
“Alam mo pwedeng hindi sumigaw, magkalapit lang tayo, para kang taga-bundok at ang kausap mo nasa kabilang bundok kung makasigaw ka diyan!”
“Andami mong sinabi tinawag lang naman kita.” Sabi niya at nag-pout pa.
“Wag ka nga magpacute, hindi ka cute, nakakasuka ka nga eh, panget!” sabi ko
“Mas panget ka!!” sigaw niya ulit, bwisit na babae ‘to napakaingay!!
“Ano ba kasi sasabihin mo?” tanong ko kasi malamang sa hindi ay baka hindi na niya masabi dahil makakalimutan na niya ‘yun dahil sa kakadakdak niya.
“Ay oo nga pala, Tignan mo si Clarissa at Blake naghahalikan.” Napalingon naman ako sa tinuro niya..
O_____O
Lintek na Blake yan, ang galing niya nahalikan niya agad si Baby Cc at sa harapan pa ng magulang ni Baby Cc tsk! Tsk!
“Crush ko pa naman si Blake, haayy di bale na nga lang.” Sabi ng daldakina sa tabi ko.
Ahh, ibang klase din si Baby Cc mag-isip para lang mapigilan ang engangement niya, pshh.. yung isa naman gustong gusto na nahalikan si Baby Cc, hindi lang basta halik, torrid yun..
Bigla naman akong napalingon sa kabilang banda..
Agad kong napansin ang familiar ng itim na aura..
Si Liam nakatingin ng masama kina Clarissa at Blake na patuloy pa din sa paghahalikan..
Magsisimula na naman ata ang digmaan sa pagitan ni Blake at Liam.. >.<
Nakakatakot pa naman ang dalawang ‘yun kung mag-away.. psh sana naman mapigilan sila bago magkasakitan na naman ng husto.
Agad din umalis si Liam, siguro uuwi na.. malamang nabadtrip na ‘yun dail sa nakita niya.
“Hoy!! Sander kanina pa kita kinakausap diyan!” sabi ng babaeng maingay..
Sarap talagang tahiin ng bunganga ng babaeng ‘to -____-+++
“Tara punta tayo dun..” sabi niya sabay hila sa akin.
“May balak ka bang magswimming?” tanong ko.
*O* < --- itsura niya ng makalapit kami sa pool.
Ngayon lang ba siya nakakita ng ganitong kagandang swimming pool kagaya ng kina Clarissa?
Inosente at ignorante talaga ang babaeng ‘to -____-
“Oy!! Mahuhulog ka diyan!” saway ko sakayan, pero huli na, natapilok siya at...
..
..
“SANDER!!” agad ko naman nahawakan ang kamay niya.
*SPPLLLLLAAAAAAASSSSHHHH*
Pota!! Nakakahiya talaga ang babaeng ‘to!! nadamay pa ako sa katangahan niya..
Nahulog din ako sa pool, sh!t pinagtitinginan na kami ng mga bisita..
“Hahahaha what the hell?!! Jasmine and Sander? Ngayon niyo pa talaga napiling magswimming diyan?” sabi ni Megan habang tawa ng tawa..
BINABASA MO ANG
My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!
RomanceWhat if your knight in shining armor died? Wala ng magtatanggol sayo, wala ka ng aasahang iba kung hindi ang sarili mo. Makakaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong mananakit sayo? And will you able to find your new KNIGHT IN SHIMMERING A...