Chapter 2:
( He's alive!! )
---------Blake's POV-------
Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Miss Beautiful. Galit na galit na si Liam sa ginawa nito sakanya, ikaw ba naman tapunan ng cake sa mukha.
Nangangamoy malaking trouble na naman ang mangyayari.
Andito kami ngayon sa penthouse sa 5th floor ng school main building. Nababalutan na naman ng itim na aura si Liam.
"Sander you know what to do." sabi ni Liam tinanguan lang siya ni Sander.
After 5 minutes.
"Liam walang details sa kanya sa website ng University."
"WHAT?!" galit na sigaw ni Liam
"She's not just an ordinary students." dagdag pa ni Sander
"Then do something about it, kailangan malaman lahat hindi ko hahayaan ng basta na lang ganun yun ng hindi ko siya napapahirapan."
We all know Liam he wants revenge to that girl, wala pa kasing gumawa nun sa kanya, ni ang labanan at sagut-sagutin siya ng pabalang walang gumagawa sa kanya dahil masama talaga siyang magalit. Magagawa din niya na ipapatay ka.
Nagkibit balikat na lang kami sa sinabi niya.
------Clarissa Chace's POV------
After that incident dumiretso ako sa dean's office, andoon na kasi si miss Danica assistant ni mommy.
"miss Clarissa I heard about what happened at the cafeteria."
"Sino ba yung limang yun?" takang tanong ko
"William Villaluz, 21 years old. He is the so-called-prince of this university. Siya ang tinapunan mo ng cake sa mukha. Sa kanila lahat ng airline dito sa Pilipinas, Villalus empire, isa sila sa pinakamayaman sa buong asia.." ah siya pala yung Monkey na nakakainis... tsss
"Blake James, 21 yrs. old 395 malls and 600 restaurant all around the world."
"Zayn Bermudez, 20 yrs. old sila ang may-ari ng pinakasikat at pinakamalaking car manufacturing company here at Asia."
"Sander Ramires, 20 yrs. old halos lahat ng resort dito sa Pinas ay kanila and the other resorts in south east Asia."
"Kyle Viniel, 21 yrs. old. The biggest telecommunication company pati na din ang pinakasikat na brand ng gadgets pagmamay-ari nila." mahabang paliwanag ni miss Danica.
"ahh, kaya pala ang angas nila eh." walang ganang sabi ko.
Napailing na lang si ms. Danica. "Kung maaari sana ms. Clarissa iwasan mo na lang para iwas gulo din."
Natawa ako at nag-nod na lang.
"Anyways ms. Clarissa magpunta na po kayo sa penthouse sa main building dun ang magiging office niyo, katabi ng penthouse ng Royal Hunks."
"okay." at nagtungo na nga ako dun.
Habang naglalakad pinag-uusapan na naman ako ng mga echuserang estudyante.. tsk!
Ibang klase din pala ang University namin may penthouse pa parang hotel lang ang peg.. ^_^v
ay oo nga pala hindi lang basta basta ang University namin. Hindi kung sino-sino lang ang mga nakakapasok dito. Usually galing sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya ang mga nag-aaral dito. FOR ELITES ONLY sabi nga nila.
BINABASA MO ANG
My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!
RomansaWhat if your knight in shining armor died? Wala ng magtatanggol sayo, wala ka ng aasahang iba kung hindi ang sarili mo. Makakaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong mananakit sayo? And will you able to find your new KNIGHT IN SHIMMERING A...