Chapter 12
( Babysitter )
---Clarisse Chace's POV---
Antok na antok pa ako pero kailangan ko na talagang bumangon.
Andito na kasi mga kasama namin, ako pala ang last na sinundo >___<
Paglabas ng mansion.. ughhh!!
Aga-aga makikita ko na naman si Liam Monkey..
"Good morning!!" bati nila sa akin.
"Naku cousin, nakapikit ka pa naglalakad ka na." Pang-aasar ni Megan..
Minulat ko naman mga mata ko.
Silang lahat nakatingin sa akin, naglalakad kasi ako nakapikit talaga, inaalalayan lang ako ni butler Jang.
Naligo naman ako pero antok na antok pa din ako..
"Halika dito Baby Cc." Sabi ni Blake at pinaupo ako sa pagitan nilang dalawa ni Sander.
"Ohh... alam ko hindi ka pa kumakain." Inabutan ako ng chocolate drink ni Blake.
"Thanks ^__^" sabi ko
"Apple mo oh." Sabi ni Sander at may inabot na mansanas sa akin.
Natawa na lang akong dalawa sa kanila.
"Bakit ka natawa?" tanong ni Blake
"Kasi naman hindi niyo pa din pala nakakalimutan yung mga favorite ko."
Tapos ginulo ko parehas ang buhok nila.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong van na sinasakyan namin. Tulog silang lahat at buti na lang malayo ako sa unggoy na si Liam..
At baka ihulog ko lang siya sa daan kapag nagkataong katabi ko siya.
O___O
Oh my God!! Si Megan at Kyle na nga talaga. Paano naman kasi sobra kung makayakap sila sa isa't- isa.
Si Jasmine naman nakasandal lang sa bintana at natutulog din.
Si Zayn naiinvade na naman niya ang utak ko, Bakit ba kasi kamukhang-kamukha niya si Kent T___T
Nagulat na lang din ako ng sumandal si Sander sa balikat ko. Natulog na din siya.
Napatingin naman ako kay Blake na pinaglalaruan ang buhok ko.
Seriously? Ano ako dito baby sitter ng dalawang 'to!! -___-
"Blake may itatanong ako." sabi ko
"Ano yun?" Bulong niya sa akin
"Bakit nakakainis yung unggoy na yun?" tanong ko at tinuro si Liam monkey.
He chuckled. "Tss. Just don't mind him, bugnutin talaga yun."
"Baka naman ipinaglihi siya sa sama ng loob?" sabi ko
"HAHAHAHAHA!!" tawa ni Blake..
Tinakpan ko yung bibig niya, pano ba naman kung makatawa wagas ang lakas pa eh natutulog mga kasama namin.
"sshhhhh!! Wag ka maingay." Bulong ko
"You know what baby Cc, I really miss you. Almost 15 years din tayo hindi nagkita." Sabi niya at pinaglaruan nya ang kamay ko na hawak niya.
Tinignan ko siya ng mabuti. Di pa din siya nagbabago, malambing at gwapo pa din siya.
"Hey baby Cc, don't look at me like that, I know sobrang gwapo ako." Pagbibiro niya.
Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Araaaayy!! Ayan kana naman sa pangungurot mo." Sabi niya tapos ng pout pa.
"Oo na ikaw na ang gwapo, siguro andami mong girlfriend no?"
Tinignan niya lang ako ng seryoso at ngumiti din agad.
"Meron?" tanong ko
"Yes, of course ^___^"
"Pakilala mo sa akin.." sabi ko
Hindi siya agad nakasagot. Kinuha niya ang bag ko at kinalkal niya at naglabas ng salamin.
"Oh aanhin mo yan?" takang tanong ko.
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at hinarap sa akin yung mirror.
He cleared his throat. "Baby Cc meet my girlfriend Clarissa Chace Hatori."
Natawa na lang ako ang baliw kasi niya eh..
"Bakit ka tumatawa.. I'm dead serious." Sabi niya na may seryosong tono
"I'm not your girlfriend baby B kulit mo talaga." Sabi ko habang natatawa tawa pa. Tapos tumawa na rin siya.
"Ang ingay niyo naman." Sabi ni Kyle na halatang naiinis, hinalikan pa niya ang tulog na si Megan.
"Inggit ka noh? Halika dito kiss din kita." Sabi ni Blake.
Inirapan ko lang sitya at humarap kay sander at...
..
..
..
*tsup*
>////<
"Thank you sa kiss." Sabi ni Sander. Paglingon ko kasi saktong nahalikan niya ako sa pisngi.
^____^v < -- Sander
"Ang bad mo talaga." Sabi ko at lumingon naman sa side ni Blake.
*tsup*
>////<
"1 point." Sabi ni Blake, pano nahalikan niya din ako sa pisngi.
^____^v < -- Blake
"Tigilan niyo nga ako!!" nakakainis sila. Nagdukmo na lang ako sa unan na nasa lap ko.
"Uyy sorry na." Sabi ni Sander habang kinukulbit ako sa braso.
"Baby Cc sorry na din." Sabi naman ni Blake at ganun din kinukulbit niya ako sa braso.
Umayos ako ng upo at tumingin kay Sander
"Buksan mo nga ang bintana." -____-+++
"teka bakit?" takang tanong ni Sander
"Ilalabas ko kayong dalawa para walang magulo dito." -___-+++++ at sinamaan ko sila ng tingin.
Itinaas nila ang dalawang kamay nila, sinyales ng pagsuko nila.
"Tulog muna ako ah?" sabi ni Blake atsaka isinandal ang ulo niya sa braso ko.
"ako din matutulog ^___^" sabi ni Sander at sumandal din sa akin.
-___-++
Nakakainis, nakakastress silang dalawa ang kulit pa.
Baby sitter nga ang peg ko dito.
Matutulog na nga din ako.
"GISING NA!!! ANDITO NA TAYO!!" masiglang anunsyo ni Jasmine dahilan para magising kaing lahat.
"Ang ingay talaga ng babaeng yan" Sander -____-+++
"Kawawa naman ang eardrums ko." Blake -____-+++
---later---
BINABASA MO ANG
My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!
RomanceWhat if your knight in shining armor died? Wala ng magtatanggol sayo, wala ka ng aasahang iba kung hindi ang sarili mo. Makakaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong mananakit sayo? And will you able to find your new KNIGHT IN SHIMMERING A...