Chapter 39: Your killing me

900 18 9
                                    

Chapter 39

( Your killing me )

Andito kami sa mansion ni Liam, andito na din ang lahat pati na din si Blake na wala pa din malay.

“I’m sorry Blake.” Sabi ko for the nth time, kasi kasalan ko naman talaga ang lahat ng ito, nadamay lang siya sa kagagahan ko.

“Claris magpahinga kana.” Utos ni Zayn, close na kami ni Zayn hindi lang halata at saka siya lang ang tumatawag na Claris sa akin, sabi din niya aalagaan din daw niya ako para sa kambal niya.

Umiling lang. “No, dito lang ako.” sabi ko.

At sa tingin ko nag-give up na sila sa pamimilit sa akin magpahinga ako, kaya naman lumabas na sila, naiwan ako at si Blake na walang malay.

Pagtingin ko sa kabilang banda, napangiti ako nandito pa pala si Liam.

Lumapit siya sa akin dala ang isang monoblock na upuan.

“He will be fine soon, don’t worry.” Sabi niya at iniharap ang mukha ko sakanya.

Inipit niya sa tenga ko ang ilang hibla ng buhok kong nasa mukha ko.

Niyakap ko lang siya, I really need this, his warmth.

Natatakot kasi ako na baka hindi na gumising si Blake.

Natatakot ako na baka mamatay siya ng dahil sa akin.

Natatakot akong may mamatay na naman para sa akin, at kapag nangyari ‘yun di ko na talaga mapapatawad ang sarili ko.

Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak ng sobra dahil sa mga naiisip ko, hinagod naman ni Liam ang likod ko. He’s trying to calm me by his touches.

‘Liam sana hindi ka magsawa sa pag-aalaga at pagliligtas sa akin.’ Bulong ko bago ako tulungang makatulog.

---

Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa mata ko.

Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga.

Naalala ko ang nangayari kagabi, nakatulog pala ako sa bisig ni Liam habang umiiyak at binabantayan si Blake.

BLAKE!!! Uwaaaahhh!! Gising na kaya siya?!!

Dali dali akong bumangon at nagpunta sa banyo, di ko alam kung kanino kwarto ito, pero sure naman akong hindi ito kwarto ni Liam, isa siguro sa mga guset room nila.

Naligo ako at naghanap ng masusuot dito sa walk in closet may mga tag price pa kaya sigurado akong bago lahat ng mga dress na ito. Siguro pinahanda na naman niya sa mga maids niya lahat ng ito =_____=

Bossy talaga ang prinsepe.

Pumili ako ng pinakasimple at iyon na lang ang sinuot  ko.

Lumabas ako sa kwarto at nagpunta sa kwarto kung nasaan si Blake, pagdating ko tulog pa din siya at walang tao.

Napatingin ako sa wall clock, 7:36 am pa lang.

Lumapit ako kay Blake.

“Gising na baby B.” Bulong ko at hinalikan ko siya sa noo, napagpasyahan kong lamabas muna ng kwarto na ‘yun.

Sakto naman nakasalubong ko ang isang butler at pinapatawag na daw ako para magbreakfast.

------

“Blake... kainin mo ‘to.” sabi ko sabay taapt ng kutsarang may porriage.

Nagising na kasi siya at kasalukuyan ko siyang pinapakain. Andito din ang lahat, I mean ang buong barkada.

My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon