Chapter 24: I'll fight for my Love

958 18 2
                                    

Chapter 24

( I’ll fight for my Love )

--Renz Jang’s POV--  

*BLAAAGGGG*

Bigla na lang akong napaupo dahil sa lakas ng suntok ni Blake sa akin, pinunasan ko ang labi ko gamit likod ng kamay ko nalasahan ko na din ang dugo..

Susugurin pa sana ako ni Blake pero pinigilan siya ni Miss Megan.

“What the hell Blake?!! Why you’re so angry with Renz?!! Hindi niya ginusto ang nangyari!!” sigaw ni Miss Megan kay Blake.

 [a/n: Blake's picture on the right side ----------> ]

“Kung binantayan sana niya ng mabuti si Clarissa hindi sana siya nawawala ngayon dito sa dagat at pati na din si Liam!!!” nanggagalaiting sigaw ni Blake.

Natahimik na lang ako, dahil alam ko naman na ako ang may kasalanan, kung hindi ko sana iniwan ang Young Lady hindi sana siya nahulog sa dagat at hindi sana siya nawawala ngayon.

Mag-uumaga na pero hindi pa din namin sila nahahanap.

*Booooggggsssshhh*

Napatingin kaming lahat kay Blake dahil sinuntok niya ang poste. Hindi ko alam kung bakit ganyan na lang siya kagalit..

“Blake please stop this!” umiiyak na pakiusap ni Miss Megan.

Susuntukin pa sana ni Blake ang poste pero pinigilan na siya ni Kyle, Sander at Zayn, dinala nila iton sa kwarto.

Nagulat na lang din ako ng pinunasan ni Miss Megan ang labi ko gamit ng panyo niya.

“Kasalanan ko ‘to.” wala sa sariling sabi ko.

Umiling lang siya at tumingin ng seryoso sa mga mata ko.

“No one wants this to happen, walang mangyayari kung magsisisihan tayo. I called tita Clara about what happened to Clarissa magpapadala na daw sila ng mas madami pang costguard to search Clarissa and Liam..” sabi niya at tinulungan akong tumayo.

--Blake’s POV-- 

“Pare ano bang problema mo at galit na galit ka?” tanong ni Kyle

Anong problema ko??

Hindi ba halata na gusto kong pumatay ng tao sa sobrang pag-aalala kay Clarissa?

Minabuti ko na lang na hindi sagutin ang tanong ni Kyle baka sakanya ko pa maibunton ang galit ko.

Inabutan naman ako ng kape ni Sander.

“Inumin mo para magising ang natutulog mong utak.” – Sander

Hindi ko na din magawang mainis sa pang-aasar ni Sander ngayon dahil sa pag-iisip ko kung paano ko hahanapin at gagalugarin ang karagatan matagpuan lang ang babaeng mula pagkabata namin at pinangarap ko ng pakasalan.

“Nag-aalala ka ba dahil di pa nakikita si Clarissa? O dahil mas malaki ang  posibilidad na magkasama sila ni Liam sa mga oras na ‘to?” biglang tanong ni Zayn

Natahimik ako pati na din si Sander at si Kyle.

Ano nga ba ang dapat kong isagot?

“Parehas.”

“Gusto mo din ba si Clarissa?” tanong ulit ni Zayn.

Gusto ko nga ba talaga si Clarissa?

Hindi ko na alam ang sagot diyan..

Siguro dati gusto ko siya dahil bata pa lang sinabi ko na sakanya na papakasalan ko siya paglaki namin pero ngayon.........

“Gusto din siya ni Liam.” Sabi ulit ni Zayn..

Alam ko naman na may gusto si Liam kay Clarissa.. ramdam ko yun at nakikita ko sa mga kilos ni Liam.

Hindi ko alam kung anong gustong ipahiwatig ni Zayn sa mga tanong niyang ‘to.

Baka ayaw niyang maulit na naman ang mga pangyayari sa nakaraan....

...Na nagkagusto at minahal namin ang isang babae pero sa huli parehas din siyang nawala at hindi napasaamin..

Hindi ko naman hahayaang mangyari kay Clarissa ang nangyari noon kay Angel.. dahil...

“Hindi ko siya gusto....Mahal ko na siya.” seryosong sambit ko

Tumingin lang din silang tatlo sa akin ng seryoso.

“Pagsisimulan na naman ng away niyo ni Liam ang isang babae.” Sabi ni Zayn.

“Pare anong balak mo?” tanong ni Kyle

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Kyle..

Pinag-iisipan ko kung dapat ko bang ipaglalaban ang nararamdaman ko para kay Clarissa..

Minsan na akong nagparaya pero ng dahil doon nawala lang siya parehas sa amin dahil hindi siya nagawang ingatan ni Liam.. kaya namatay siya..

At ayaw kong mangyari kay Clarissa ang nangyari kay Angel dahil sa kapabayaan ni Liam.

“I’ll fight for my LOVE....

...I’ll fight for Clarissa!”

-------- 

Later

------- 

VOTE and COMMENT

My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon