Chapter 9
( She’s one of a kind )
---Clarissa’s POV---
“Kakky!!” tawag ko sa alaga ko.
“rawwwr!” at dinamba niya ako.
“hahaha I miss you Kakky.” Diniladilaan naman niya ako sa mukha. At hinimas himas ko naman ang balahibo niya.
“waaaahh!! Anlaki-laki muna talaga Kakky.” Masayang sabi ko umupo ako at inihiga siya sa lap ko.
“Kakky namimis mo din ba si Daddy Kent? Kasi alam mo ako miss na miss ko na siya.” Haaayy, dati palagi namin kasama si Kent, kapag mga ganitong oras. Andito lang kami sa malawak na garden nakikipaglaro kay Kakky..mahal na mahal ko si Kakky kasi gift siya sa akin ni Kent, at itinuring na din namin na anak si Kakky.
“Alam mo ba Kakky, may umaaway sa akin. Wala na nagtatanggol kasi wala si Kent.. Pwede ba ikaw nalang magtanggol sa akin? Gusto ko lapain mo siya.” Kinakausap ko na naman si Kakky, ganito na lang palagi kong ginagawa mula ng nawala si Kent.. sana hanggang ngayon kapiling ko pa rin siya.. kaso lang imposible ng mangyari yun.. Napakaimposible na.. *sigh*
“Cc!!! Magbar tayo!!” sigaw ni Megan na tumatakbo papalapit samin.
“raaaaawwwwrrrr.” Dinamba ni Kakky si Megan.
“Oh my god!! Cc help me ang bigat ni Kakky.” Natawa na lang ako.
Tinawag ko na din si Kakky.
“Tara na para maalis pagka-stress mo.” Pangungulit ni Megan.
“Pano si Kakky? At ayaw ko magpunta sa bar kasama si Butler Jang.” Sabi ko
Tumawa lang siya.
“At sino ang nagsabi na isasama natin ang magiting mong Butler na sobrang yummy.”
-___- sabi na nga ba eh, type niya si Butler Jang, hala naku baka isang araw malaman ko na lang na hinalay niya ang Butler ko..
*sigh*
“Ano kaba Clarissa, dali na tara tatakas tayo.” Sabi niya na nakangisi pa.
“eh si Kakky?”
Nag-isip muna siya.
“Aha!! Isasama natin si Kakky, iwan mo na lang sa kotse.”
Puro kalokohan talaga ang naiisip nito. Pano na lang kung makita ng ibang tao si Kakky, malaking problema yun.
Wait, si Kakky? Ughh sinakay na siya ni Meagan sa kotse.
At kotse ko yun ah, kotse ko na hindi ko dinadrive dahil ko pa kaya magdrive ulit.
“Hindi ka ba sasama? Sige mauna na ka---“
“FINE!!” sabi ko sabay takbo at sumakay sa passenger seat.
Malapit na kami sa bar. Tinignan ko ulit si Kakky. Pano na kaya siya kung may makakita sakanya dito? Baka magkagulo pa..
“Pano si Kakky?” tanong ko
Tumingin naman sa akin saglit si Megan..
“Ewan ko din hehehe ^___^v”
“ugh! Kainis ka talaga!”

BINABASA MO ANG
My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!
RomanceWhat if your knight in shining armor died? Wala ng magtatanggol sayo, wala ka ng aasahang iba kung hindi ang sarili mo. Makakaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong mananakit sayo? And will you able to find your new KNIGHT IN SHIMMERING A...