Chapter 23
( Life or death )
--Clarissa’s Point of view--
“Kent!! Miss na miss na kita!”
Lumapit si Kent at niyakap ako ng mahigpit.
[a/n: si Kent ang nasa multimedia sa right side --------> ]
“Miss na miss na din kita Clarissa Chace ng buhay ko.”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, lumayo siya ng kaunti sa pagkakaakap sa akin.
“Mahal na mahal talaga kita Kent, kaya wag ka ulit aalis ahh? Wag mo na ulit akong iiwan.”
Ngumiti lang siya at hinalikan ako ng marahan. Ang halik niya na puno ng pagmamahal, ang halik na kailanman hindi ko malilimutan.
“Gusto muna ba talaga na makasama ako?” tanong niya.
“Gusto ko na dito, kasama ka at wala ng makakapaghiwalay sa atin diba?”
Ngumiti lang siya bilang sagot.
Umupo kami sa ilalim ng puno at sumandal ako sakanya.
“Paano na si Kakky kung andito ka?” biglang tanong ni Kent.
[A/n: Si kakky yung alaga niyang tiger na bigay ni Kent at tinuring na nilang anak ]
“Aalagaan siya nila Mommy, daddy at pati na din ni butler Jang.”
“Paano si Mommy at Daddy mo? Pati na din ang mga iba pang nagmamahal sayo? Gusto muna ba silang iwan?”
Nalungkot ako dahil sa sinabi niya.. Paano na nga ba sila?
Pero ayos l;ang din naman kung wala ako doon.
“Ayaw mo ba akong kasama?” Naiiyak na tanong ko.
“Mahal na mahal kita at gustong gusto kitang makasama alam mo yan.”
Umiyak na lang ako.
Mahal na mahal namin ang isa’t-isa pero bakit hindi ata pwedeng maging masaya na lang kami? Hindi ba pwedeng makasama ko siya habang buhay?
Bakit ang unfair ng buhay? Mabait naman kami at lalong hindi kami masamang tao, pero bakit parang pinaparusahan kami na hindi kami pwedeng magkasama, Bakit hindi kami pwedeng maging masaya?
“Kent hindi ba talaga pwede? Gusto ko dito! Gusto ko dito sa piling mo.”
“Pero paano ang mga taong nagmamahal sayo? Iiwan mo na ba sila?”
Umiyak lang ako ng umiyak, hindi ko din alam ang sagot.
“May darating na isang taong mamahalin mo tulad ng pagmamahal mo sa akin.”
Napatingin ako kay Kent, nakangiti siya..
“Hindi mangyayari ‘yun! Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay.”
“Alam ko yan, pero sana wag mong isara ang puso mo para sa ibang taong handang mahalin ka higit pa sa pagmamahal mo sakanila.”
“Pinamimigay mo na ba ako?” tanong ko tapos nagpout ako.
Agad naman niya akong hinalikan ng mariin sa mga labi ko.
“Hindi kita pinamimigay, gusto ko lang na sumaya ka kahit hindi ako ang kasama mo.”
“Pero Kent....”
“Wala ng pero pero.. Mahal na mahal kita Clarissa! Tandaan mo yan.”
----
Bigla na lang akong naubo dahil sa sobrang dami ata ng tubig na nainom ko.
Pagmulat ko ng mata ko hindi ko inaasahan na isang unggoy ang makikita ko..
Asan na si Kent?
Panaginip na naman ba?
Sa panaginip ko lang ba siya makakasama? Sa panaginip lang ba ako sasaya? Kung ganun, sana habang buhay na lang akong tulog para maging masaya ako palagi.
Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Liam.
“Pinag-alala mo ako.” Sabi niya.
Tinulak ko naman agad siya.
“Hey monkey!! Chansing na yan ah!!” sigaw ko
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nasaan kami? Bakit nandito kami sa beach?
“Teka! Nasaan ba tayo?”
“Hindi ko din alam”
“Huh? What the hell are we doing here?”
Napakamot naman siya ng ulo, at napansin ko din na nakahubad siya at nakapantalon lang, may mga galos sa katawan.
“Kyaaaahhhh!! Manyak ka!! Magdamit ka nga bastos!”
“oy!! Manahimik ka nga ang ingay mo, at paano ako magdadamit kung nakasuot sayo ang polo ko?”
Tinignan ko naman ang suot ko, nakasuot nga ako ng isang longsleeve na polo..
Don’t tell me!! Aaaaaaaaaaaahhh!!
“Kyaaaaaaaaahhh!! Nirape mo ako!! Bastos ka talagang unggoy ka!! Walang hiya ka!”
*Wapak*
“Ouccchhh!” reklamo ko at hinimas ang ulo ko na sinapak niya.
“Niligtas na nga kita sa pagkalunod, pinagbintangan mo pa ako na nirape kita!! Tss. At isa pa hindi ako rapist, baka ikaw pa nga ang mangrape sa akin.”
Niligtas? Naalala ko bigla, nahulog nga pala ako sa barko dahil tinulak ako ni Johanne..
Kaya pala napadpad kami sa islang ‘to.. Gusto ko ng umuwi.
“Thank you for saving me! Pero sana hindi mo na lang ako iniligtas.” Bulong ko
“ANO?!!” sigaw ni Liam.
“Makakasama ko na sana si Kent, pero bumalik na naman ako dito.”
Hinawakan naman ni Liam ang kamay ko na ikinabigla ko naman.
“You really love that man huh?” tanong niya
Tumango lang ako kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.
Agad naman niyang pinunasan ito gamit ng kamay niya.
“I know how’s the pain is killing you right now.... I almost died when she died... She also sacrificed her own life just to save me.” Malungkot na sabi niya.
Nagyon ko lang siya nakitang ganito, usually kasi nakasigaw, galit at nakasimangot siya.
Hindi ko alam basta ko na lang siya niyakap pakiramdam ko kasi parehas na parehas kami ng nararamdaman..
Ramdam ko kung gaano din siya nagdurusa..
Na hindi na namin makakasama ang mga taong mahal na mahal namin..
“Happy birthday Liam.”
“Thank you Clarissa.”
------------
Later
------------
BINABASA MO ANG
My Knight in Shimmering Armor is a GANGSTER!
RomanceWhat if your knight in shining armor died? Wala ng magtatanggol sayo, wala ka ng aasahang iba kung hindi ang sarili mo. Makakaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong mananakit sayo? And will you able to find your new KNIGHT IN SHIMMERING A...
