Ikalawang Kabanata

13 0 0
                                    

Nakakainis isipin na hindi na bagay bilang isang binibini na magpapakita ng motibo sa isang ginoo. Pero binabalik lang naman niya ang pagmamalasakit rito.

Natanaw agad niya si Ignacio nang malapit na siya sa hacienda.

"Magandang araw sa iyo binibini. Anong sadya mo at naparito ka, di ba wala kayong pasok ni manang Agata ngayon?" masiglang tanong nito sa kanya nang makalapit na siya rito. Naglakad ito papasok sa hacienda kasama siya.

Napakagandang pakinggan ang pagtawag nito sa kanya ng binibini, dahil hindi niya nararamdaman na malayo ang agwat nila sa isa't isa.

Naisip niyang simulan muna sa biro ang kanilang pag-uusap, at ayos lang naman ito sa kanya sapagkat naging malapit na rin silang magkaibigan. "Bibili sana ako ng turnilyo dyan kina Mang Alberto, senyorito" nakangiting sagot niya rito.

"Para  saan naman binibini?" usisa nito habang sumusulyap sa kanyang mukha.

Pilyang ngumiti siya. "Nawawala kasi 'yong isang turnilyo sa utak ko, senyorito."

Tumawa ito nang malakas bilang sagot sa biro niya.

Napangiti siya. Tila musika sa pandinig niya ang tawa nito.

Pinaupo siya nito sa madalasang tambayan nito sa loob nang hacienda, ang malaking ugat ng puno ng Acacia.

"Lumalabas na naman ang pagiging pilya mo sa araw na ito, ah, " umiiling-iling na sabi nito.

" Pilya naman talaga ako pagdating sa'yo, " wala sa loob na sabi niya.

Napatingin bigla ito sa kanyang mukha.

Nag-init ang magkabilang pisngi niya. Mabilis siyang nag-isip ng palusot. " A-ano, a-ang ibig kong sabihin senyorito, pilya naman po talaga basta sa babae habang pilyo naman ang tawag kapag sa lalaki, 'd-di ba po, senyorito? " Napangiwi siya.

Ngumiti ito at pabirong ginulo ang kanyang buhok."Pumunta ka lang ba dito para guluhin at kulitin sa mga biro mo, binibini, " sabi nito." Hindi ka ba hinahanap ni Manang Agata? "

Napakamot siya sa kanyang ulo. Nahiya tuloy siya sa pagpunta niya rito sa Hacienda sapagkat palabas pa naman ito at mukhang may lalakarin pero ng makita siya ay pumasok ulit ito sa loob at inimbitahan pa siya. Naisip niya kung iyon ba ang tamang oras para yayain ito sa kanilang kapitbahayan. Agad din niyang sinagot sa isip ang sariling tanong. Baka magahol siya sa oras kung ipagpapaliban pa niya iyon.

"Hindi naman, nagtatahi kasi si lola sa bahay at nababagot ako kaya napagdesisyonan kong maglakad-lakad muna, senyorito. Ikaw po ba, mukhang may lakad po kayo ah," biro ulit niya rito.

" Ah, oo, may pupuntahan lang sana ako sa munisipyo tungkol sa negosyo, " sagot nito.

" Nakababahala po ba ako sa inyo senyorito? Pagpasensyahan niyo po at aalis na ako."

" Hindi, walang problema sa akin iyon, binibini. Makapaghihintay rin naman 'yon."

" Ay, siyanga po pala, may dala po ako para sa inyo, senyorito. "

Inabot niya rito ang supot na pinaglagyan niya ng isang mangkok ng pansit.

" Ang bango naman, may rasyon pa talaga ako, ah. Salamat, binibini." Kinuha nito ang supot, at mangkok na naglalaman ng pansit at inamoy ang aroma niyon.

" Mukhang masarap ito, ah, binibini," dagdag pa nito.

Napangiti siya sa narinig.

" Sigurado po, dahil ako ang nagluto, senyorito," pagmamalaki niya.

" Siyang tunay, magaling ka pala sa lahat ng gawaing bahay, binibini," natatawang pang-aalaska nito sa kanya.

Sabay silang natawa nito. Napansin niya ang ginagawang maliit na bodega sa loob ng Hacienda.

Hindi Inaasahan Pero Naging SadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon