Hindi pa nagtatagal nang isang segundo nang hamunin niya ito ay magkalapat na nga ang kanilang mga labi. Iba ang paraan ng paghalik nito ngayon. May kinalaman kaya iyon dahil silang dalawa lang ang nasa bahay nila? Tila may puwersang nagsasabi sa kanya na kailangan niyang iparamdam dito na gusto rin niya ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Ikinawit niya ang kanyang mga braso sa leeg nito.
Lalo pang lumalim ang halik nito. Naglumikot ang mga kamay nito sa maliit na upuan. Dumilat siya nang tumigil ito sa paghaplos sa baywang niya. Handang-handa na siya sa maaaring mangyari. Mahal na niya ito. Handa na niyang baliin ang ipinangako niya sa sarili at ang nararapat na hindi niya ibibigay rito ang kanyang sarili hangga't hindi pa sila kasal nito. Kumunot ang noo niya nang tumingin siya rito. Nakaibabaw pa rin ito sa kanya pero hindi na uli ito kumilos.
"Ano? May problema ba?" usisa niya.
Doon lang tila natauhan si Julio. Alanganin itong ngumiti sa kanya. "Patawad." Hinalikan siya nito sa noo at mga labi. Mabilis na tumayo ito at umupo sa upuan.
Ganoon din ang ginawa niya. Hinaplos niya ang braso nito kahit naiinis at naguguluhan siya sa ikinikilos nito.
"May problema ba?" pangungulit niya rito.
"Wala," matamlay na sagot nito.
Gusto niyang maintindihan ang nangyari kaya minabuti niyang daanin sa biro ang pagtatanong.
"Kaya, tatanggapin mo na lang ang pagkatalo mo? Ang talunan na kagaya mo ay hindi naman talaga magaling humalik?" Hinalikan niya ang leeg nito bilang paglalambing niya rito. Biro lang ang sinabi niya, dahil si Julio na yata ang pinakamagaling na humalik sa buong mundo para sa kanya. May pasyon at pagmamahal ang halik nito.
"Oo, parang ganoon na nga." Tumayo ito na tila napaso sa kanya.
Lalo siyang nainis dito. Hindi naman sila naglalaro ng hulaan para gawin nito iyon sa kanya. Kailangan niya ng sagot.
"May problema ka ba? Pangatlong tanong ko na ito sa iyo."
"Wala. Sumakit lang ang ulo ko," katwiran nito.
Tinitigan niya ang mukha nito. Namumutla ito pero hindi pa rin nawawala ang inis niya dahil sa tila pagtanggi nito sa kanya.
"Sige, mukhang ganoon nga ang pakiramdam mo." Iyon lang at humalukipkip siya at umupo sa upuan.
Nakita yata nito na tila nasaktan siya sa ikinilos nito, kaya tumabi uli ito sa kanya. Hindi kasi niya maisip kung bakit kailangan pa nitong tunayo at lumayo sa kanya, na para bang may nakakahawa siyang sakit.
"Patawad, binibini. Talagang sumakit lang ang ulo ko."
Nagkibit-balikat siya.
Hinawakan nito ang mukha niya. "Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, binibini."
Nalilito man at nagtatampo ay hindi niya maiwasang hindi mapansin ang emosyon na nakapaloob sa mga salita nito. "Magbihis ka. Tapos kakain tayo sa panciteria. Payag ka ba roon? " masiglang sabi nito.
"S-sige, " maikling sagot nito.
Mabilis na tumalima siya na tila ba natatakot na magbago pa ang isip niya at makagawa sila ng bagay na labag sa ipinangako niya sa sarili at Diyos kaya napangiti na lang siya.
Limang minuto na yata siyang nagpapalit-palit ng biglang tinawag si Julio ng kanyang kutsero. Napadako ang tingin niya roon. Nagdalawang-isip siya kung aalamin niya kung ano ang mayroon doon. Wala naman kasi sa personalidad niya ang makialam ng buhay ng iba lalo na kung personal iyon.
Muling tinawag ng kutsero si Julio.
Humugot siya ng malalim na hininga at inabot iyon. Nanginginig ang kamay niya na tila natatakot sa gagawin pero biglang sumingit sa kanyang isip ang kapilyahan.
Ngayon lang naman, dahil sa kuryusidad malaman mo lang kung ano'ng mayroon, udyok ng maliit na tinig sa isip niya.
Napadiin ang hawak niya sa pintuan nang marinig niya ang pangalang "Berna." Mabilis na umalis si Danica ng tumingin si Julio sa bahay.
"Handa na po ba daw kayo sa paglalakbay, senyorito?"
Nanginginig ang mga kamay niya pero naisip niyang huwag munang gumanti, kaya bumalik agad siya sa kanyang silid.
Saan? Saan kaya sila pupunta? Iyon ang gusto niyang itanong kay Julio.
Sino si Berna at saan pupunta ang kasintahan niya kasama ito?
Narinig niya ulit ang tinig ng kutsero ni Julio.
"Handa na po daw ang tiket niyo sa barko papuntang Estados Unidos, senyorito. "
Pakiramdam niya ay hiniwa ang kanyang dibdib at saka pinigaan ng limon kaya ang hapdi-hapdi.
Aalis si Julio. Papunta ito sa Estados Unidos? Bakit? At paano nagawa nitong ilihim iyon sa kanya?
Gusto niyang tumakbo paalis pero nagpigil siya. Nasaktan na siya kaya lulubusin na niya ang paghihirap ng kalooban niya.
Ang sakit, hindi niya alam ang gagawin.
At narinig ulit niya ang boses ng kutsero.
"Opo senyorito, gusto niya rin po kayo makausao ng personal. "
Gusto na niyang umiyak pero hindi niya magawa. Ano ang ibig sabihin ng mensahe ng kutsero? At si Julio, hindi pa rin ba ito nagbabago pagdating sa mga babae? Hindi pa ba sapat na masaya sila dahil akala niya ay nagmamahalan sila?
Halos mapalundag siya sa gulat nang bumalik si Julio sa loob ng bahay nila. Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan ng kanyang silid.
Maaaring wala nga siyang ugali dahil nakikinig siya sa usapan ng may usapan, pero hindi ba patas lang sila dahil kung hindi niya iyon ginawa malalaman ba niyang may nangyayaring ganoon?
Kung may kinalaman sa negosyo lang ang usapang iyon, bakit kailangang sa personal pa sila mag-usap tulad ng mensahe ng Berna na iyon? Ano nga ba ang kahulugan ng lalaking kaharap niya ngayon at ng babaeng iyon sa "personal"?
"Patawad, ha binibini, may ipinarating lang si Mang Canor." Ngumiti ito sa kanya.
Sa pangkaraniwang araw ay lulundag marahil ang puso niya sa kaguwapuhan ni Julio pero hindi ngayon. Namumutla siya dahil sa inis. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Tumayo siya.
"Bakit ka pa pinuntahan ni Mang Canor?" sabi niya.
Napakamot ito sa batok. "May sakit na yata ako sa pagiging malilimutin. " Mukhang hindi nito napansin ang pagkaasiwa niya rito.
Hindi na niya kayang magpanggap pa kaya padabog na sinampal niya ang dibdib nito. "Baka nga! Kasi, kasasabi mo lang kanina na mahal na mahal mo ko. Sa tingin ko hindi mo talaga ako iniirog. " Mariin ang bawat salitang binitiwan niya.
Nagulat ito, " Ano ang sinasabi mo, Danica? " tila nalilitong tanong nito.
Napaismid siya dahil sa hinanakit dito. " Sino si Berna? " walang paligoy-ligoy na tanong niya. Dapat na nitong itigil ang paglalaro nito sa kanyang damdamin.
BINABASA MO ANG
Hindi Inaasahan Pero Naging Sadya
Roman d'amourSi Ignacio ang perpektong lalaki sa mga mata ni Danica, ang kanyang matalik na kaibigan. Kaya tahimik lang siyang humahanga sa binata para sa kanilang pagkakaibigan. Pero, pumasok si Julio sa larawan --- ang kaibigan ni Ignacio na mapaglaro pagdatin...