Ika-siyam na Kabanata

1 0 0
                                    

Ngumiti ito na tila isang anghel. "May mga dilag na pakiramdam nila mayaman sila kahit hindi naman talaga, binibini. May mga dilag na walang ginawa kundi mag-ayos ng sarili kahit kausap ako na tila nasa likod ng entablado ng isang palabas. May mga klase ng dilag na sasama sa 'yo para magpunta sa langit kapag lango na sa alak. Pero noong nakilala kita... Hindi kita, niloloko? Alam kong nasa 'baguhang' kategorya ka pa lang." Binigyang-diin pa nito ang salitang "baguhan".

" Ganoon po ba, senyorito? " Umurong yata ang dila niya sa narinig.

" May itatanong ako sa iyo, binibini? Iyong totoo."

Tumango siya.

" Alam kung medyo may katandaan ka na sa isang dalaga pero dalisay at inosente ka pa, di ba, binibini? "

Blangko ang mukha niya.

" Sagot mo, binibini, " utos pa nito.

" O-oo, senyorito, " pag-amin niya na ikinatawa nito. Nainis naman siya sa reaksiyon nito. " Alam kong hindi na normal na iyon sa panahon ngayon. Kahit nasa dalawampu't-lima na ako, ito ay aking pinili. Ibibigay ko lang iyon sa lalaking makakasama ko hanggang sa pagtanda ko, senyorito."

Tumigil ito sa pagtawa at tinitigan ang kanyang mukha. " Hindi ako tumatawa dahil kakaiba 'yong pinili mo, binibini. Tumatawa ako dahil hindi ako makapaniwala na hinayaan ako ng Tiān na makilala ang isang tulad mo, kahit pa naging tarantado ako noon. Ako talaga ay mapalad na natagpuan kita, " seryosong sabi nito.

Nang marinig niya iyon ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. Si Julio lang ang nagsabi ng ganoon sa kanya. Bahagi ba iyon ng istilo nito para makuha ang isang dilag?

"Ano iyon, senyorito, biro?" komento niya.

Umiling ito. "Hindi ko kailangan iyon pagdating sa iyo dahil gusto kong makilala mo ang totoong ako, binibini. Handa akong buksan ang totoong pagkatao ko para sa iyo dahil..." Tila nahiya pa itong ituloy ang sasabihin.

Naghintay siyang ituloy nito ang sasabihin nito kahit imposible naman. Kakaiba ang pakiramdam ngunit nasasabik siyang marinig ang nais nitong sabihin kahit hahadlang na naman ang tadhana. 

"Alam kong mabuti ang puso mo at iyon ang pumipigil sa akin na magpigil, binibini. Hindi ka dapat saktan, kahit hindi kita maintindihan minsan at sa tingin ko naligaw ka lang sa Maynilad."

Hindi naman romantiko ang kapaligiran ng kinaroroonan nila pero tila nagkaroon bigla ng paruparo sa paligid nila. Bigla tuloy siyang nahiya sa kanyang naisip. Mula sa pagkakayuko ay iniangat niya ang kanyang mukha at tiningnan ang mukha nito.

"Ipagpaumanhin po ninyo sandali, punta lang ako sandali sa  palikuran, senyorito." Napangiti siya. Gusto muna niyang takasan ang eksenang iyon kahit sandali lang.

Tumango lang ito at ngumiti na tila nababasa ang iniisip niya.

Pagpasaok sa palikuran ay mabilis siyang nag-retoke sa buhok at tinitigan ang sarili. Namumula siya kahit hindi naman siya umiinom ng alak. Si Julio talaga? Minsan, ang pagiging totoo nito ay nakapagpapatameme sa kanya, pero nagustuhan niya ang pagiging ganoon nito.

Hindi Inaasahan Pero Naging SadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon