Ipaglalaban niya ng husto si Danica at para sa kanilang kinabukasan.Hindi niya hahayaang mawala ito sa kanya.
Hindi siya magpapatalo sa mga problemang darating sa kanyang buhay tulad na lang ng problemang kinakaharap niya ngayon na noong nakaraang buwan lang niya nalaman. Walang katiyakan na sa kanyang pag-alis ay makakabalik pa siya.
At kung may babalikan ka pa, dugtong ng isip niya.
Mabilis na pinuntahan niya si Berna. "Berna," katok niya sa inuupahang silid nito.
"Salamat sa Diyos at nagpakita ka rin sa wakas---"
"Nalaman niya," putol niya sa sasabihin pa nito.
Natahimik ito. Alam niyang nag-iisip ito ng sasabihin.
"O, paano?" tila nakikiramay na sabi nito sa kanyang kabiguan.
Bumuntong-hininga siya. Ayaw niyang mahalata nito na naiinis siya rito pero tinulungan siya ni Berna sa ilang paraan.
"Nabasa niya siguro ang sulat mo kanina. Mabuti na lang wala ka ng iba pang sinabi."
"J-Julio, patawarin mo ako. Alam ko humahanap ka pa ng tiyempo pero nag-aalala lang talaga ako sa iyo. Lahat kami ay nag-alala sa iyo. Alam mo naman siguro iyon," malungkot na sabi nito.
Tumango siya sa sinabi nito. "Huwag kang mag-alala, tanggap ko na ang nangyaring ito sa akin. Alam kung nasakton ko siya, mas doble pa nga ang sakit na nararamdaman ko ng gawin ko iyon pero iyon lang ang tanging alam kong paraan para layuan niya ako. May aayusin lang ako sa mga tindahan namin, pagkatapos babiyahe na tayo paountang Estados Unidos," imporma niya rito.
"Sigurado ka ba kaya mo pang asikasuhin ang negosyo mo, hindi ba dapat ipagkatiwala mo muna iyan sa mga kapatid mo?" tutol ni Berna.
"Huwag ka ngang magmadali riyan," tudyo niya rito para gumaan ang usapan.
Bahagya itong natawa. "Sana maintindihan ka ni Danica. Lalo kang naging mabuti dahil sa kanya."
"Huwag na natin siyang pag-usapan. Maging handa ka sa pag-alis natin. Ikaw ang may kasalanan nito." Dinaan niya sa biro ang sitwasyon niya.
Pero ang totoo hinahanap-hanap na agad niya ang kakulitan ni Danica, ang pagka-isip bata nito. Ang paraan ng pagsasabi nito ng "Mahal Kita" na tila nahihiya pa ito sa kanya. Minahal niya ang lahat tungkol rito.
Pati nga ang Lola Paz niya ay nabiktima ng pagkagandang-babae nito.
"Berna."
"Oo?" sagot nito.
"Ipaglalaban ko siya.Mahal na mahal ko siya." Buo ang desisyon niya kahit pareho nilang alam ni Berna na walang katiyakan ang magiging sitwasyon niya.
"Tutulungan kita, Julio.Kaya nga nandito ako ngayon."
"Salamat, Biǎo gē (pinsan)."
Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis siya.
Sa likod ng kanyang isip, umaasa siyang gagawa ng paraan ang tadhana para magkabalikan sila ni Danica. Gawing payapa at puno ng pagmamahalan ang kanilang buhay sa piling ng isa't isa, tulad ng kanyang naisip.
Alam ng lahat ng santo kung paano niya pinigilan ang sarili na makipag-isang kaluluwa at ipadama rito ang buong pagmamahal niya. Ayaw niyang sirain ang kinabukasan nito kung hindi rin lang naman siya isandaang porsiyentong sigurado na sa mga bisig niya ito babagsak sa pagtatapos ng araw.
Oras na para harapin niya ang pinakadakilang biro sa buhay.
Para sa kanyang pamilya at para sa kanyang sarili.
At lalong-lalo na para kay Danica.
TUWING naiisip ni Danica ang nangyari sa kanila ni Julio ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot at masaktan. Masama pa rin ang loob niya kay Julio. May bahagi sa kanya na may hinanakit pa rin sa lalaki.
Si Julio na masayahin, malambing, at sobrang kulit na tulad niya. Na naging bahagi ng buhay niya sa loob ng apat na buwan pero tila kay tagal na niyang kasama sa buhay. Naaalala pa niya nang hawakan nito nang buong lambing ang kamay niya dahil kinakabahan siya na makaharap ang pamilya nito. Pero natapos ang lahat ng masasayang araw nila nang malaman niyang niloloko lang pala siya nito.
Saan ba ako nagkulang? tanong ng isip niya.
"Danica," narinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan.
Kasalukuyan siyang nasa simbahan. Kapag masama ang loob niya, malungkot, at gusto niyang mapag-isa ay sa lugar na iyon siya nagpupunta para magmuni-muni at makausap na rin ang Diyos.
Naiilang na nginitian niya ang tumawag sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo rito, binibini?" tanong ni Ignacio nang tumabi ito sa inuupuan niya sa labas ng simbahan.
"Gusto ko lang, senyorito."
"Mapag-isa, binibini?" tanong nito.
Yumuko siya. Tatlong buwan na ang nakalipas pero hindi man lang nagparamdam si Julio sa kanya, ni hindi man lang ito nag-abalang magpaliwanag. Tila pinatunayan na talaga nito na pinaglaruan lang siya nito.
"Kayo po, matagal na po tayong hindi nagkikita. Apat na buwan na yata tayong hindi nagkakausap, senyorito," pag-iiba niya sa usapan nila.
Ginulo ni Ignacio ang ulo niya, sabay tinitigan ang mukha niya. Alam niyang batid ng kanyang matalik na kaibigan ang problema niya. "Abala ka kasi kay Julio, binibini," pabirong sabi nito.
Inirapan niya ito. " Huwag nanatin siyang pag-usapan. "
" Sino'ng pag-uusapan natin? Kaming dalawa ni Monica, binibini? " pangungulit pa nito.
Nginitian niya ito kahit nalulungkot pa rin siya.
" Sige na nga, sasabihin ko na sa iyo. Para maiba ang paksa. Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Monica, binibini. "
Agad-agad siyang napatingin sa mukha ni Ignacio nang marinig iyon.
Tumawa ito nang pagak.
" Tingnan mo? Iyon ang sinasabi ko sa iyong abala ka kay Julio kaya nagulat ka sa balita ko, ano binibini? "
Tinitigan niya ito. May punto naman ito. Wala nga naman siyang kaalam-alam sa nangyayari dito.
" Patawad. Anong nangyari, senyorito? " usisa niya.
Nagkibit-balikat ito. " Ayaw ko nang alalahanin kung bakit kami naghiwalay. Basta isang araw. Nakahanap si Monica ng mas mabuti sa akin. "
" Nahuli mo sila? Ganoon ba, senyorito? " patuloy niya sa pag-usisa nito.
Nagkibit-balikat ito. Hanggang sa namalayan na lang nila na pareho nilang pinagtatawanan ang kanilang mga kabiguan.
" Ayos ka lang, kaibigan? " Nalungkot siya para dito. Karapat-dapat ni Ignacio ng mas magaling kay Monica. Ang akala niya dati, siya na iyon pero hindi pala. Tama si Julio nang sabihin nito na pagsinta lang ang nararamdaman niya para kay Ignacio.
BINABASA MO ANG
Hindi Inaasahan Pero Naging Sadya
RomantizmSi Ignacio ang perpektong lalaki sa mga mata ni Danica, ang kanyang matalik na kaibigan. Kaya tahimik lang siyang humahanga sa binata para sa kanilang pagkakaibigan. Pero, pumasok si Julio sa larawan --- ang kaibigan ni Ignacio na mapaglaro pagdatin...