Nasa sala ito kanina kasama ang lola niya, si Julio, at si Monica, samantalang siya ay mas pinili na lang na ligpitin ang kanilang pinagkainan kaysa makipagkuwentuhan kina Ignacio at Monica. Kakaiba na kung kakaiba pero hindi niya ramdam makipaghuntahan sa mga ito.
"Naku, wala iyon, senyorito. Si lola naman po ang nagluto n'on. Salamat din po sa pagpunta, " nakangiting sagot niya kay Ignacio.
Tumango ito at tumingin sa kanya na tila may nais pang sabihin. Ilang segundo ang lumipas bago nito napagpasyahang magsalita. "Paano kayo nagkaroon ng komunikasyon ni Julio, binibini?" tanong nito.
"Nagkita po kami sa Palengke, 'ayun. Tapos n'on minsan niya po akong pinadalhan ng sulat. Bakit po?" Siya naman ang tila hindi mapakali sa tanong nito.
Nagkibit-balikat si Ignacio at tinitigan ang kanyang mga mata. "Dapat kang mag-ingat, mabait si Julio. Siya ay isang tagabantay, pero may-pagka-malikot. Ayaw kong masaktan ka dahil alam kong lampa ka, binibini. " Pilit na nginitian siya nito.
Tinapik niya ito sa braso. "Senyorito, ang layo na po ng narating ninyo. Bago pa lang po kami magkakilala, " salag niya rito.
"Dapat nakita mo ang sarili mo kanina, binibini, " itinuro ni Ignacio.
" Para ano, po? " Patuloy siya sa pagpupunas ng nahugasan niyang plato habang kausap ito.
"May kakaiba sa iyo ngayon. Ikaw ang dapat makaalam n'on, pero ayaw kong masaktan ka, binibini? " paalala na naman nito.
Isang mahinang ubo ang nagpalingon sa kanila. Nakita nila si Julio na nasa pintuan. Naglakad ito papalapit sa kanila ni Ignacio.
" Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo," singit nito.
Nagkibit-balikat sila ni Ignacio.
Ilang sandali pa ang lumipas ay pilit na ngumiti si Ignacio sa kanila ni Julio at saka nagpaalam na uuwi na ito at si Monica.
Inihatid nila ni Julio sina Ignacio sa labas. Ang lola naman niya ay sumaglit sa pagpunta sa isang kaibigan na kapitbahay rin nila para ipagdala ito ng pagkaing handa nila. Kaya naiwan silang dalawa ni Julio sa labas ng bahay nang makaalis na sina Ignacio at Monica.
" May itatanong ako, binibini," untag ni Julio sa kanya.
Hindi siya nagsalita, bagkus ay hinintay lang niya itong magsalita uli.
" May gusto ka kay Ignacio, binibini," walang prenong sabi nito sa kanya.
Pagak siyang natawa sa sinabi nito.
" Hindi naman po tanong iyon, senyor," naiilang na sagot niya rito.
" Hindi ba, binibini?" Natawa ito.
Lumakad siya papasok sa kanilang bahay at umupo sa bangkong kawayan, nakaramdam siya ng antok dahil sa sobrang pagod.
" Kaya, may gusto ka nga sa kanya?" ulit nito.
" Ano po ako, dalagita? Gusto po talaga ang terminong ginamit ninyo, senyor. " Inihilig niya ang ulo sa upuan. Panatag ang loob niya na hindi siya gagawan nang masama ni Julio kung sakaling makatulog siya sa kanilang upuan.
"Mukha ka namang isip-bata pa, binibini," tudyo nito.
"Ah, ganoon po ba? Sige po senyor, maaari na po kayong umalis sa bahay namin at baka mahawahan ko pa po kayo ng pagkaisip-bata ko," pagsakay niya sa panunudyo nito.
"Iniiwasan mo ang tanong ko, binibini. Kaya, totoo ngang gusto mo si Ignacio," paniniyak pa nito. "Sige lang kahit gusto mo iyong kaibigan ko, binibini. Mayamaya makakalimutan mo siya," seryosong sabi nito.
BINABASA MO ANG
Hindi Inaasahan Pero Naging Sadya
RomansaSi Ignacio ang perpektong lalaki sa mga mata ni Danica, ang kanyang matalik na kaibigan. Kaya tahimik lang siyang humahanga sa binata para sa kanilang pagkakaibigan. Pero, pumasok si Julio sa larawan --- ang kaibigan ni Ignacio na mapaglaro pagdatin...