Ikasampong Kabanata

0 0 0
                                    

Sundan mo ang iyong puso. Pero isama mo na rin ang utak mo, kaibigan, payo ng kanyang konsiyensiya.

"Alam kong kalokohan itong sasabihin ko, pero kung hindi ka talaga naglalaro at seryoso ka sa mga sinasabi mo, sige, subukan natin. Pero kapag nararamdaman mong mali pala ang nararamdaman mo para sa akin, huminto ka agad, Julio." sagot niya sa pagtatapat nito. Gusto niyang siguruhin at ipaunawa rito kung hanggang saan lang ang hangganan nila.

"Pakinggan mo ako, Danica. Hindi ko gagamitin ang pangalan ng Tián para mapalakas lang ang pagmamalaki ko, pero inilalagay ko Siya ngayon sa mga oras na ito sa pagitan natin. Magiging totoo ako sayo. Hanggang mapasagot kita," determinating Sabi nito.

"Bakit nga ba ako ang pinag-aaksayahan mo ng oras?" Kanina pa niya iyon gustong itanong.

"Simple lang, binibini. Dahil noong panahon na nagdasal ako sa Kanya na sana ibigay Niya na ang babaeng para sa akin, bigla kang dumating, Ang babaeng may nakakatakot na apelyido."

Halatang pinagagaan nito ang usapan kaya natawa siya. Sa kaibuturan ng kanyang puso alam niya na tama rin na bigyan nila ang isa't isa ng pagkakataon. Pagkakataon na makilala ang isa't isa, pagkakataon na makita kung puwede nga sila, at pagkakataon na... Umibig. Pinagkrus niya ang kanyang mga daliri. Sana nga, may pagkakataon silang dalawa...

"Ito na ba ang pahingahang bahay ninyo, Julio?" tanong ni Danica kay Julio nang ihimpil nito Ang kalesa sa tapat ng isang luma pero malaki at magandang bahay. Nasa Calamba, Laguna na sila nang maputol Ang pagbabalik-tanaw niya.

"Ang ganda dito, ate!" manghang lahad ni Juana.

Nag-alinlangan pa siya noong una pero sabi nga ng maliit na boses sa kanyang isip, walang masama kung sumama man siya rito basta't isasama niya si Juana. Isa rin sa dahilan ng pagsama niya rito sa dalawang araw ng pahinga ay dahil gusto rin niyang makasama ito.

"Bahay ng ama (Lola) ko ito, mga binibini," Sabi ni Julio pagkababa nila ng kalesa nito. Agad na binuhat nito ang mga gamit nila at inilagay ang mga iyon sa pintuan ng bahay.

"Bahay nino?" ulit niya.

Ngumiti ito at inayos ang ilang hibla ng buhok niyang nililipad ng hangin.

"Baka langgamin kayo niyan, senyorito," sita ni Juana sa kanila.

Tumawa ito. "Bahay ng Lola ko, binibini. Nandiyan nga siya sa loob ngayon, hinihintay tayo," sagot nito.

Namutla siya at tila biglang nahiya. "Huwag kang pakataranta ate," biglang saad ni Juana.

"Mabait siya, Danica. Madalas, barok pa rin siyang mag-tagalog. Magugustuhan mo siya," Sabi nito na tila nababasa ang nasa isip niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi na nandiyan pala ang lola mo?" kinakabahang tanong niya.

"Wala nang kaso iyon, ate." Saad ulit ni Juana.

"Gusto ko lang makilala ka niya, binibini."

"Bakit naman?" hindi na niya nahila ang kamay niya nang hawakan nito iyon.

"Asus, si ate Danica, tinatanong pa," tudyo ni Juana sa Kanya.

"Dahil espesyal ka, binibini," sagot nito.

Tila tumalon ang puso niya. Iyon na nga ba ang sinasabi ni Ignacio na, "kailangan mong mag-ingat kapag nandiyan si Julio."

Pero paano? Tanong niya sa kanyang sarili.

Napakakisig tingnan ni Julio sa suit nitong itim na kamesa de chino at bulak na pantalon. Nakasumbrero pa ito na bumagay sa hugis ng mukha nito. Mag-iisang buwan na silang magkakilala nito at inamin na niya sa kanyang sarili na kumakawit na siya sa kabaitan, kakulitan, at katigasan ng ulo ng maginoong masama na ito.

Napapamahal ka na sa kanya? tanong ng makulit na Boses sa isip niya.

Tumango siya bilang pag-amin.

Hinila na siya ni Juana papunta sa kinaroroonan ng Lola ni Julio na pinangunahan nito. Inisip siguro nito na ang pagtango niya kanina ay senyales na handa na siya para harapin Ang Lola nito.

Pagpasok nila sa bahay ay nakasalubong nila ang isang may-edad na babae. Sa tingin niya ay nasa mga apa't-napu na nito.

"Manang Bobot, pakikuha naman kami ng maiinom, pakiusap," ani Julio sa babaeng marahil ay katiwala ng mga ito.

Nginitian sila ng babae.

"Sige, senyorito Julio. Sinabi nga pala ng ama mo na bababa na siya," sabi nito bago tumalima.

Tango lang ang isinagot ni Julio sa matandang babae at niyaya na siya nitong umupo sa upuan.

"Sila lang po ba ng lola mo ang nakatira dito, senyorito?" usisa ni Juana rito. Habang siya nanlalamig sa kaba.

"May kasama silang kutsero. Minsan, dumadalaw rito ang shūshu (Tiyo) ko na taga-Binondo," sagot nito kay Juana.

"Ilang taon na ba ang lola mo, Julio?"

"Pitumpu't-lima na si nāinai pero malakas pa rin siya. Siya ang nagpalaki sa akin noong panahon na hirap na hirap pa sina mûqīn (mama) at fùqīn (papa) sa buhay. Nagboluntaryo siyang tulungan sila. Kaya nga mahal na mahal ko siya." Ngumiti uli ito sa kanya.

Isa-isa na niyang nakikita ang magagandang katangian nito. Bukod sa pagiging mayamang negosyante na may makulay na nakaraan ay sensitibo at mabuting tao rin ito.

Napangiti siya nang haplusin nito ang kamay niya.

Hindi pa man sila opisyal na magkasintahan ay tanggap na niya na naaakit nga sila sa isa't isa. Pero hindi na naulit ang paksa tungkol sa kanilang sitwasyon. Sinusubukan lang nilang magsaya sa piling ng isa't isa kaya ayaw na rin muna niyang mag-isip. Sa tamang oras, malalaman din naman nila kung anong antas na ang kanilang relasyon. Hindi siya tulad ng mga dating kasintahan nito pero tila dumidikit siya rito. Alam niyang delikado ang kinalalagyan ng puso niya pero gusto pa rin niyang subukan dahil nahuhulog na ang loob niya rito.

Ilang sandali pa ay may narinig silang pababa ng hagdan. Isang matandang babae ang nakita niya roon. Ito marahil ang lola ni Julio.

"Ama, kumusta ka na?" bati ni Julio.

Nakangiting lumapit ito kay Julio pero nagulat siya nang biglang hampasin nito si Julio sa braso. Hindi marahil sila nito napansin dahil ang buong atensiyon nito ay nakatutok kay Julio.

"Ni wei sha ma chin thien lai ma? (Bakit ngayon ka lang bumisita?)" Mabilis ang salita ng matanda na tila nagtatanong kay Julio.

Kumunot ang noo niya kaya lalo siyang nailang. Ngumiti si Julio sa kanya kaya tila noon lang din sila nakita ng lola nito.

"Ama, masyadong abala kasi ako sa trabaho. May kasama nga pala ako, si Binibining Danica at Binibining Juana. Danica, Juana, Lola Paz ko, " pakilala nito.

Bulong ni Julio sa tainga niya. " Nagtatanong siya kung bakit ngayon lang daw ako dumalaw. "

Nginitian niya si Lola Paz. Tila gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan niya dahil sa hiya nang titigan siya ng lola ni Julio.

Hindi Inaasahan Pero Naging SadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon