Ikaanim na Kabanata

5 0 0
                                    

Umawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito. Bakit parang ang bilis nagbago ng ihip ng hangin?

"Sige po senyor, pero may kondisyon din po ako." Nasa Hacienda Marquina na sila nang sagutin niya ito.

"Ano iyon, mahal na binibini?" pagmamagandang lalaki na tanong nito sa kanya. At tila naguwa-guwapohan naman siya rito.

Hoy, saan galing iyon? May magandang lalaki na salik na agad?

"Makikita niyo po ako, senyor, maaari tayong maging magkaibigan pero huwag po ninyong gamitin sa akin ang pagka-haltak po ninyo pagdating sa babae. Dahil hindi po ako 'sisiw' na materyal, senyor. Intiendes?" humalukipkip na sabi niya rito.

Umawang ang mga labi nito kaya ibinaling niya ang kanyang tingin sa ibang direksiyon.

" Tatandaan ko 'yan, binibining Danica. Alam kong hindi ka pang-'sisiw' na materyal. Halata namang itlog ka pa lang, kailangan mo pang limliman, " biro nito.

Inirapan niya ito. Nahihiyang napayuko siya.

Halata bang wala pa akong karanasan? Maloko 'tong Julio na 'to, ah.

TATLONG araw na ang lumipas mula nang makita ni Danica si Julio sa palengke at mag-alok ito na ihatid siya sa kanilang bahay. Nagpumilit pa itong daanan siya araw-araw. Hindi pa uli sila nagkikita pero sa pag-uusap nila noong huli, marami na siyang nalaman dito. Tulad na lang ng maayos naman pala itong kausap. Matanda na ito mag-isip sa ibang paraan ka dalawampu't-pito pa lang ito.

Nagpatuloy siya sa kanyang araw-araw na gawain at pilit na kinalimutan ang damdamin niya para kay Ignacio. Nahihirapan pa rin siyang tanggapin na hindi na magiging tulad ng dati ang pagkakaibigan nila. Magiging mabuting asawa na ito sa kababata at kailangan niyang mag-patuloy. Hindi niya maaaring ipilit ang gusto niya. Kaya, mas mabuting tumingin sa unahan at baka makahanap ng bagong pag-ibig kaysa ituloy ang kanyang nararamdaman para kay Ignacio. Bata pa naman siya kaya hindi niya kailangang magmadali.

Napailing siya. Muli niyang naramdaman ang lungkot sa kanyang puso. Nang magkausap sila ni Ignacio ay mukhang masayang-masaya ito. Habang siya ay nagpanggap na masaya para dito at hindi nagluluksa dahil sa pagkamatay ng puso niya.

"Ito na po ba lahat ng lalabhan natin, 'la?" tanong niya sa lola niya.

Nang sabihin nito na oo ay nagpaalam na siya rito na isasampay na niya ang kanyang mga nilabhan.

" Isasampay ko po muna ito, la. "

Iyon ang huling labada nila sa araw na iyon. Pagkatapos ng trabaho niya ay nagpaalam siya sa kanyang lola na mauuna siyang umalis rito at nagpasya siyang dumaan sa pamilihan na malapit lang din sa Hacienda. Isinama niya si Kuring sa pagbili ng tinapay. Sa sobrang pag-iisip niya sa sitwasyon nila ni Ignacio ay nakalimutan niyang kaarawan nga pala ng ama niya. Kahit wala na ito ay taon-taon pa rin silang nagdiriwang ng kaarawan nito.

"Salamat, Kuring. Naabala pa kita sa pagsama sa akin," hinging-paumanhin niya habang naglalakad sila.

Pabirong inirapan siya nito. " Naku, ha? Sige lang iyon. Pero hindi na ako makakapunta sa inyo, kailangan kong magpahinga ngayon, eh. "

" Sige, dadalhan na lang kita ng luto ni lola bukas para makain mo sa siesta natin? "

Ngiti lang ang isinagot nito sa kanya. Habang naglalakad nagulat sila nang biglang may humimpil na kalesa sa kanilang harap. Nagkatinginan sila ni Kuring nang bumaba ang lalaking sakay niyon.

" Senyor Julio? " Nagtatakang tiningnan niya kung si Julio nga ang nakikita niya. Alas-dose na ng tanghali. Maaaring malabo lang ang paningin niya dahil sa sinag ng araw.

"Magandang araw, mga binibini," nakangiting bati ni Julio sa kanila.

"Kilala mo siya?" mahinang tanong sa kanya ni Kuring na halatang sinisipat ang tikas ng magandang lalaking nasa harap nila.

"Ano pong ginagawa ninyo rito?" Hindi niya pinansin ang tanong ni Kuring, bagkus ay binalingan niya si Julio. Bigla siyang nalito nang makita uli niya ito.

"Sinusundo kita, binibini," deretsang sagot nito.

Napakunot ang noo niya. "Ako, po senyor?"

Siniko siya ni Kuring. "Ikaw nga raw. Hindi naman maganda kung ako, eh, hindi pa nga kami malapit sa isa't-isa, di ba?" singit nito sa usapan nila ni Julio.

Ngumiti si Julio at magalang itong nagpakilala kay Kuring. Biglang pinara ni Kuring ang isang carromata na paparating at tila sinisilihan ang mga paang sumakay ito.

Saglit siyang natulala. Mabilis na kumilos si Julio. Inilagay nito ang mga bitbit niya sa loob ng kalesa nito. Tahimik silang dalawa habang pauwi sa bahay niya. Gusto niyang tirisin si Kuring kapag nagkita uli sila nito dahil sa pang-iiwan nito sa kanya.

Mukhang hindi nakatiis si Julio sa katahimikang namamagitan sa kanila kaya nakipagkuwentuhan ito sa kanya ng mga bagay na wala naman talagang kahulugan pero nakapagpapangiti sa kanya. Hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa kanilang bahay.

Bago siya bumaba ng kalesa ay inimbitahan niya si Julio na kumain muna sa kanila dahil kaarawan ng kanyang ama.

"Hindi na muna siguro ngayon, binibini," tanggi nito.

Nanghaba ang nguso niya kaya napangiti si Julio. "Sige na po senyor. Pakipot pa po kayo. Pasasalamat ko ito sa paghahatid ninyo sa akin," sagot niya rito.

"Napadaan lang talaga ako sa pamilihan kaya isinabay na kita," nagbibirong sabi nito.

Pinamaywangan niya ito. Kunwari ay tiningnan niya ito nang masama na tinawanan lang nito. Kinilig siya nang pisilin nito ang tungki ng ilong niya.

" Ikaw na yata ang pinaka-isip bata na taong nakilala ko, binibini. "

Nagpatiuna siyang bumaba ng kalesa at naglakad papunta sa kabahayan. Kasunod niya si Julio na bitbit ang bayong na may lamang tinapay na kanyang binili kanina.

" Baka magulat ang nanay mo, sabihin pa niya na may dala kang kasintahan na ubod ng kisig , binibini, " pabirong sabi nito ng nasa tapat na sila ng pinto.

Inirapan niya ito kahit tila mas gusto niyang mangiti nang sabihin nito ang salitang "kasintahan."

"Wala na po akong nanay senyor, at hindi siguro mag-iisip ng ganoon si lola dahil langit ka at lupa ako. Alam niyang hindi katulad mo ang uri ko, baka siguro pag-alis mo pagalitan pa ako," sagot niya sa pangungulit nito.

"Patawad, binibini. "

" O, Danica, apo, dumatinh ka na pala, " bungad ng lola niya mula sa kanilang kusina. Nagulat ito nang makita ang kanyang kasama.

"Magandang hapon po, ginang Catakutan, " magalang na bati ni Julio sa lola niya.

Ngumiti ang lola niya at tumingin sa kanya. Hindi niya malaman kung mapapailing o mapapangiti sa reaksiyon nito. Parang sa likod ng isip ng kanyang lola ay nag-papalagay na ito na alinman sa manliligaw niya si Julio o kasintahan na niya ito.

"'La, si Julio kaibigan ni Ignacio, at bagong kakilala ko. Isinabay niya ako sa pag-uwi. " Sinenyasan niya si Julio na umupo sa upuang kawayan. Tila napapahinga naman itong umupo roon.

"Ipagpatawad po ninyo, Ginang Catakutan, kung nakaabala po ako."

"Naku, sige lang iyon, apo. Mabuti nga at inihatid mo itong si Danica. Dito ka na kumain, ha? Saka 'Lola Emi' na lang ang itawag mo sa akin, pinaikling 'Emilia,'" masayang sagot ng kanyang lola. Mukhang nagustuhan agad nito si Julio kahit kita naman sa tikas nito na mayaman ito, gustong-gusto na talaga ng lola niya na mag-asawa siya. Hindi tulad niya noong una niya itong makita ay nabuwisit siya rito.

"'La, may darating ka pa bang bisita?" usisa niya upang maputol na ang pagku-kuwentuhan ng mga ito. Nang mapatingin siya sa mesa nila ay nakita niyang may limang plato roon.

"Oo. Inimbitahan ko si Ignacio, Danica," sagot nito sa kanya.

Hindi Inaasahan Pero Naging SadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon