Labing-pitong Kabanata

0 0 0
                                    

Si Julio na naman? naiinis na singit ng kanyang isip.

"Mabuti naman ang lagay ko, wag kang mag alala. Sabi ni Lola Emi, nagpaalam ka raw na gusto mong mapag-isa. Kaya naisip ko na nandito ka, binibini." basag ni Ignacio sa kanilang katahimikan.

Kahit nasa tabi na niya ang ginoong dating hinahangaan niya ay si Julio pa rin ang nasa isip niya. Mapait siyang napangiti. Ano na kaya ang nangyari sa lalaking iyon?

"Kailan mo nalaman na mahal mo siya, binibini?"

Nagulat siya sa biglaang pagtatanong ni Ignacio. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito---si Julio. Ayaw sana niyang sagutin ang tanong nito pero siguro nga, ito na ang tamang oras para makahabol sila ni Ignacio sa pinakabago.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.

"Nang mapangiti niya ako noon, inamin ko na sa sarili ko na maya-maya ay paiiyakin at masasaktan niya ako pero sumugal ako. Tinanggap ko ang pagkakaiba namin dahil nararamdaman kong iisa lang ang nararamdaman namin ni Julio para sa isa't isa. Nararamdaman kong mahal niya ako pero lumalabas itong ako lang pala ang umaasang mahal din niya ako."

Tumingin si Ignacio sa kanya na tila nag-aalala pero mabilis din nitong ibinaling sa ibang direksiyon ang tingin nito . "Alam mo ba? May aaminin ako, binibini."

"Ano, senyorito?" Tanong niya rito.

"Aaminin ko sa iyo na dati, nagkaroon din ako ng pagtingin sa iyo. Pero naduwag ako. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang pagkakaibigan natin. Inisip ko na may lalaking mas babagay sa iyo. Sa aking opinyon, si Julio ay perpekto para sa iyo. Kailangan mo lang panatilihing bukas ang iyong puso sa mga posibilidad, binibini?"

Nalito siya sa mga sinabi ni Ignacio. Hindi dahil nalaman niya na may gusto rin pala ito sa kanya kundi dahil tila may alam ito tungkol kay Julio. Tila may komunikasyon pa ito at si Julio.

Bakit? Ano ang meron? May alam ba talaga ito tungkol kay Julio?

Hindi na niya itinanong pa iyon kay Ignacio. Hindi pa siya handang alamin kung ano na ang nangyari kay Julio. Kaya mas pinili na lang niyang ibahin ang usapan.

"Ang ganda ko kasi kaya umibig ka dati sa akin, senyorito," panunudyo niya rito.

"At walang muwang ka pa, binibini," tudyo rin nito sa kanya kaya nagtawanan sila. "Andito lang ako palagi para sa'yo, binibinig Danica."

Ngumiti siya. "Salamat, kaibigan," nakangiting sabi niya.

Paano siya makakaisip kay Ignacio kung ang tanging laman ng puso at isip niya ay walang iba kundi si Julio lang?

Siguro ay kasalukuyang nag-sasaya sina Julio at Berna sa kanilang pamamalagi sa Estados Unidos bilang magkasintahan. Matingkad sa isip niya ang imahe ng dalawa. Isang gwapong lalaki at isang perpektong magandang babae. Ano pa nga ba ang luluguran niya kundi ang magmukmok hanggang sa makapagpatuloy siya?

Iyon ang kailangang matutunan ng kanyang puso; para walang sakit dahil hawak pa rin niya ang nakaraan. Kahit mahirap, kahit masakit, kailangan na niyang sanayin ang sarili niya na magpatuloy na wala si Julio sa kanyang tabi.

Isang taong lumipas

MABILIS na itinali ni Danica ang hanggang balikat na buhok niya dahil tumatabing ang mga iyon sa kanyang mukha. Kailangan niyang kumilos nang mabilis dahil maaaring naghihintay na si Ignacio sa kanilang tagpuan. Masyadong magulo ang tindahan niya dahil katatapos pa lang niyang magluto ng mga kakanin. Isa na siyang negosyante sapagkat nakahanap siya ng pwesto sa bayan kung saan maaari siyang magtinda ng mga kakanin. Tinanggap niya ang tulong ni Ignacio sa kanya na makakuha ng pwesto, dahil gusto niyang magpakalunod sa trabaho para makalimot.

Napatingin siya sa kawalan. Nakagat niya ang ibabang labi niya. Isang taon na pala ang nakararaan mula nang maghiwalay sila ni Julio. Isang taon na ring wala siyang balita rito.

Nagulat siya nang may kumatok sa tindahan niya na bata at tinanong siya kung kailan pa raw siya magsisira ng tindahan pasabi ni Ignacio.

"Sabihin mo sa kanya bata, malapit na ako," mabilis na sagot niya sa bata.

"Naku, itong si Ignacio, bahala siya, alam naman niyang ang malapit ko, eh, nasa loob pa rin ako ng tindahan."

Ngumiti siya at nagmamadaling dinampot ang kanyang bayong.

"Heto na, palabas na ako."

Narinig niyang pumalatak si Ignacio. May ilang minuto na siguro itong naghihintay sa K
kanya. Nasa kabilang kanto lang ito. Doon ang tagpuan nila kaya agad niya itong nakita na umiiling-iling.

Mula nang magkausap sila ng masinsinan ni Ignacio noong pareho silang bigo sa pag-ibig ay lalo pa silang naging malapit nito. Nang aminin nito noon na nagkaroon ito ng pagtingin sa kanya ay nilinaw niya ang magiging sitwasyon nila. Wala na dapat umibig sa isa't isa dahil wika nga niya ay hindi sila talo nito na ikinatawa nito nang malakas.

"Kailan kaya masasama sa bokabularyo mo ang salitang 'pagiging maagap', binibini?" sita nito sa kanya nang makalapit siya rito.

Inirapan niya ito at saka ipinulupot ang braso niya sa braso nito.

"Patawad na nga, senyorito. O, kain na tayo," paglalambing niya rito.

Ngumiti lang ito at pumasok na sila sa panciteria.

Mahaba-haba na rin ang kuwentuhan nila ni Ignacio tungkol sa tindahan ng tabako nito. Hindi niya alam kung si Julio pa rin ang tagapagtustos nito ng mga produkto. Hindi rin niya alam kung may komunikasyon pa ang mga ito. Pero tila may bumubulong sa kanya na tumingin sa labas ng panciteria na kinakainan nila.

Nung una akala niya niloloko lang siya ng mga mata niya kaya tumingin ulit siya.

Hindi ito guni-guni! sigaw ng isip niya.

Lumipas man ang ilang buwan ay makikilala pa rin niya ang lalaking natanaw niya sa labas ng panciteria kung saan naroon sila---si Julio.

Bahagya itong pumayat. Nag-iba rin sa kanyang paningin ang hubog ng mukha nito. Nagkamali yata siyang titigan ito dahil nasaktan siya nang makita niyang may kasama itong babae.

Hindi naman magka-hawak kamay ang mga ito.

Sa mahabang panahon na hindi niya ito nakikita ay may nararamdaman pa rin siya para sa lalaki. Kahit hindi nito alam na nakikita niya ito ngayon ay hindi niya mapigilan ang sarili na masaktan sa nakikita niya na tila muling nagkadurog-durog ang puso niya.

Gusto niyang maramdamang muli ang pagtibok ng kanyang puso pagkatapos nilang maghiwalay noon. Pero hindi niya akalain na pagkatapos ng mahabang panahon ay kay Julio pa rin iyon titibok nang mabilis.

Tumawa ang babaeng kasama nito. Maganda ang babae, maputi, at singkit ang mga mata. Hindi kaya ito si Berna?

"Binibining, Danica, Ayos ka lang ba?" untag sa kanya ni Ignacio.

"M-may s-sinasabi k-ka, senyorito?" nanginginig ang boses na tanong niya.

"Namumutla ka kasi, binibini," puna nito sa kanya.

Uminom siya ng tubig. Ninais niya na sana hindi sila makita ni Julio.

"I-ignacio," nanghihinang tawag niya sa kaibigan.

"Bakit, binibini?" Tila naalarma na ito sa mga ikinikilos niya.

"Si J-Julio nasa l-labas siya," kinakabahang sabi niya kay Ignacio. Bigla siyang natakot, marahil dahil hindi pa siya handa na makaharap ito.

Agad na hinanap ni Ignacio ang direksiyon na kinaroroonan nina Julio. Nablangko ang mukha ni Ignacio nang matanaw nito si Julio .

"Mabuti lang ba ang palagay mo?" Nakatingin ito sa mukha niya sabay hinawakan ang kanyang kamay.

Umiling siya. Gusto niyang umalis nang mabilis hangga't maaari.

"H-hindi. Maaari bang umuwi na tayo?" naluluhang pakiusap niya kay Ignacio.

Tumango ito at tinawag ang tagapagsilbi sa panciteria para makapagbayad ng kanilang kinain.

Hindi Inaasahan Pero Naging SadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon