Dalawampung Kabanata

3 0 1
                                    

Pagkatapos ng màhabang biyahe ay dumating na rin sila sa bahay ni Lola Paz. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang muli ang tahanan na naging saksi rin sa relasyon nila ni Julio noon.

Kailangan niyang kausapin nang maayos si Julio. Hindi niya dapat pairalin ang pagkabugnutin niya, na sabi nga nito ay kanyang kahinaan. Malungkot siyang napangiti, nakakalungkot isipin na gumawa si Julio ng paraan noon para kilalanin siya ng lubusan. Pero bakit ni minsan ay hindi niya napansin na may iniinda na palang sakit si Julio?

Inalalayan niya si Lola Paz pababa ng kalesa. Nginitian siya nito bilang pasasalamat. Ang mga tingin nito ay tila nagbibilin na kailangan nilang daanin sa maayos na usapan ang pagkikita nilang muli ng apo nitong may-katigasan din ang ulo na isa sa mga karisma nito.

"Doña Paz, nakauwi na pala kayo," sabi ni Manang Bobot ng salubungin sila nito.

"Magandang araw po," bati niya kay Manang Bobot nang lingunin siya nito.

"Magandang araw din sa iyo," sagot nito sa kanya ng may kasama pang ngiti.

Lumapit ito kay Lola Paz at inalalayan ito hanggang sa makarating sila sa pangunahing pinto.

Mabuti nga na inalalayan ni Manang Bobot si Lola Paz dahil pakiramdam niya ay kailangan din niya ng aalalay ss kanya dahil sa sobrang kaba. Hindi naman kasi siya sanay na siya ang susuyo sa isang lalaki para makipag-ayos sa kanya.

Isantabi mo ang pagmamalaki mo, Danica, naiinis na saway ng isip niya.

"Bobot, 'andiyan ba si Julio?" ani Lola Paz.

Napakamot sa ulo si Manang Bobot at tumingin sa kanila ni Lola Paz. "Eh, Doña, wala po si Julio," sagot nito.

Kumunot ang noo niya, napatingin sa kanya si Ama. Hinaplos nito ang kanyang balikat na tila nagsasabing huwag siyang mag-alala.

"Asan magaling kong apo?" tanong uli nito kay Manang Bobot.

"Hindi po niya sinabi kung saan siya pupunta pero may mga dala pong bagahe, eh," sagot ng matandang kawaksi.

Bagahe? Saan pupunta si Julio? tanong niya sa kanyang isip.

"Ano? Hindi ba sabi ko sa iyo, sabi mo sa kanya na maghintay , na maghintay ng

"Ano? Hindi ba sabi ko sa iyo, sabi mo sa kanya na maghihintay bahay hanggang sa makauwi si Ama?" naiinis na sabi ni Lola Paz kay Manang Bobet.

Napakamot si Manang Bobot sa batok nito. "Gusto daw po niyang mapag-isa, doña," sagot nito.

Bigla siyang nakaramdam ng pagod. "Ama, m-maayos lang po. U-uwi na lang po ako," nanginginig ang boses niyang sabi kay Lola Paz.

Umiling-iling si Lola Paz. "Ikaw dito na tulog, uuwi din ang apo ko, Danica."

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni Lola Paz na na-miss din niya, dahil matagal silang hindi nagkita. Gustuhin man niyang magbaka-sakali na babalik si Julio ay ayaw rin niyang manatili sa mansiyon ni Lola Paz.

Unang-una, dahil malulungkot lang siya kung pagmamasdan niya ang lugar kung saan siya nagtapat ng pag-ibig niya kay Julio at kung saan sila nagkaroon ng unang halik. Pangalawa, walang katiyakan na kakausapin siya ni Julio, lalo na ngayong nais nitong mapag-isa. Maaaring masama pa rin ang loob nito sa kanya at kay Ignacio.

"Hindi na po, Lola. Salamat po sa tulong ninyo. Baka talagang kailangan ni Julio ng oras. Ayoko po siyang pilitin. " Hindi niya maitago ang lungkot sa kanyang boses. Sobrang na-miss niya si Julio. Kung hindi lang sana niya ito itinaboy palayo sa kanya. Kung sana ay nagpakatotoo lang siya sa kanyang nararamdaman nang kausapin siya nito nang isang araw.

"Sigulado ka? Pasok ka muna bahay?" pangungulit pa ni Lola Paz sa kanya.

Pinaunlakan niya ang imbitasyon ni Lola Paz, nahiya siyang tumanggi rito dahil bumiyahe pa ito para paglapitin silang dalawa ni Julio. Masyadong masama, dahil nagkasalisi uli ang mga landas nila.

May kalahating oras din marahil ang inilagi niya sa mansiyon ni Lola Paz. Nag-merienda at nagkuwentuhan sila kahit pa nga barok pa rin si Lola Paz na mag-Tagalog.

"Kapag uwi Julio, ako batukan siya."

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Naintindihan ko naman pi siya. Kasalanan ko rin kasi lumapit na siya sa akin para magpaliwanag pero hindi po ako nakinig," sagot niya kay Lola Paz.

Napanguso ito kaya napangiti uli siya. Akala niya noon ay masusungit at matapobre ang lahat ng Intsik pero hindi si Lola Paz. Naisip niya isa rin ito sa pinakamabait na lola gaya ng lola niya.

"Gagawa ng paraan ang pag-ibig, Lola," sabi na lang niya.

"Ako isip noon bakit gaan pakilamdam ko sa'yo. Ngayon alam ko na kung bakit."

"Ano po iyon?" usisa niya rito.

"Mahal mo Julio, hindi ka nagkukunwali lang," sagot nito.

Ngumiti siya. "Matagal po siyang nawala, Lola. Pero aaminin ko na walang nagbago sa nararamdaman ko. Mahal ko pa rin po si Julio. Nang malaman ko pong nagkasakit siya, at wala ako sa tabi niya, sobra po akong nasaktan."

Ilang oras pa siyang nagtagal doon bago siya nagpaalam na uuwi na.

Gusto niyang mapag-isa muna kaya kahit inalok ni Lola Paz na ipahatid siya sa kutsero nito sa sakayan ng bapor ay tumanggi siya at nagpasyang maglakad na lang.

Nakayuko siya habang naglalakad. Gusto niyang umiyak pero pilit niyang pinipigilan iyon. Natatakot siya na kapag nasimulan na niyang umiyak ay hindi na siya tumigil pa.

Paano nga ba niya makikitang muli si Julio kung hindi naman niya alam kung nasaan ito. Kung kailan nilunom niya ang kanyang pagmamalaki para kausapin si Julio ay saka naman hindi niya ito matagpuan.

Nang sa tingin niya ay malapit na siya sa bayan ay may biglang humimpil na kalesa sa kanyang tabi.

"Catakutan!" tawag ng pamilyar na boses sa pangalan niya.

Namilog ang mga mata niya. Hindi agad siya nakakilos para lingunin ang tumawag sa kanya na kahit sa panaginip ay kilalang-kilala niya ang boses na iyon.

Julio!

Ilang sandali lang ay nasa harap na niya ito. Napakagandang lalaki nitong tingnan sa suot na simpleng krema na kamisa de chino, asul na amercana, at kupas na maong. Sino ang mag-aakalang nagkaroon ito ng malubhang karamdaman? Kay kisig at kay lakas ng dating nito.

Hindi Inaasahan Pero Naging SadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon