Toffer.
What? Ako na ba mag-p-pov? Di pwedeng mamaya nalang? Nag-lo-lol pa ako eh.
Ken.
Away mo edi wag! Ako na nga lang! So ang nangyari sa araw ko ay--
Toffer.
Ako na nga eh. Epal ka talaga. Tapos ka na kaya. Manahimik ka dyan baka mahampas kita nang wala sa oras.
Mag papakilala pa ba ako? Bakit ganito nalang palagi? Di ba pwedeng di nalang ako magpakilala tapos kayo na ang bahalang kumilala sakin?
Xavier.
Magpakilala ka na nga! Arte pa eh!
Toffer.
Oo na! Tsk. Dun nga kayong dalawa! Kainis eh. Eto na nga eh!
Lanz.
Bakit ba ang tagal mo? May pov pa kaya ako! Bilisan nyo naman. Naiinip na ako eh.
Toffer.
Eh kung di kaya kayo umepal sa pov ko para matapos na! Tsk. Tsk. Eto na oh! Magpapakilala na!
Gleandrich Toffer Rodriguez nga pala ang pangalan ko. Kung di lang sana ako NAGAMBALA ng tatlong UNGGOY, edi sana kanina pa ako nakapagpakilala!
Anyways, tama na nga sa kanila. Sakin naman. Alam nyo naman siguro na may banda kaming apat na Playmates? Well, ako yung drummer dun. Wala lang. Wala na akong ibang masabi eh.
Ano bang dapat kong sabihin sa inyo? Eh wala naman kayong dapat na malaman eh. Attitude ko? Cold. Yan ang sabi nila. Pero di naman attitude yung cold diba? Pero yun daw yun eh.
Di naman ako ganito dati eh. Dahil lang naman sa kanya to. Sya ang naging dahilan kung bakit ako naging ganito, naging cold.
Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa cafeteria. Lunch na kasi eh. Walo kami sa table, sina Xavier, Ken, Lanz, di nya kasama yung gf nya kasi may ibang kasama yun pag lunch eh, tapos sina Alex, Ash, Shaem at sya.
Di ko alam na magkakilala pala sila nina Alex, Ash at sya. Matagal ko na kasing kakilala yung dalawa eh pero di ko naman alam at di rin naman nila nabanggit na kilala nila sya.
"Ba't naman ang tahimik mo Toff?" Tanong ni Alex.
"As if naman nagiingay yan." Sagot ni Ash tapos nag-apir sila ni Ken na nakaupo sa tabi nya bago sila bumalik sa pagkain.
"Sabagay." Nagkibit balikat nalang si Alex tapos inalis yung attensyon nya sakin.
"Etong isang to ang kaduda duda." Sabi ni Shaem sabay turo sa kanya. "Di ka naman ganyan ka tahimik ah, anyare?"
"Baka may na-o-awkardan sya dito." Sabi ni Ken tapos nag-apir sila ulet ni Ash. Tinignan ko naman sila ng masama pero di naman sila natinag at bumalik nalang sa pagkain.
"Baka may naaalalang past." Eto namang si Xavier nakisali din. Nakipag-apir din sya kina Ash at Ken bago kumain ulet.
"Baka may gustong balikan." Sumali pa ang Lanz na to. Tapos ganun din ang ginawa nya. Nag-apir sila nina Ash, Ken at Xavier. Humanda tong apat na to sakin talaga.
"Ano bang mga pinagsasabi nyo?" Tanong ni Alex. Tinignan sya ni Ash at parang nagusap sila ni Ash sa tinginan. "Ah. Okay. Gets."
"Op naman ako." Sabi ni Shaem kaya binulungan sya ni Alex. Tapos tinignan ako ni Shaem tapos sya. I refuse to say her name.
"Tapos na ba kayong pagusapan kami?" Tanong nya. Umarte naman sila Ken, Ash, Xavier at Lanz na parang nagulat.
"Sinong nagsabi na kayo ang pinaguusapan namin?" Gulat na tanong ni Ash na sinabayan naman ng pag-apir nya kay Ken.
"How dare you say that?!" Sabi naman ni Ken tapos nag-apir kay Xavier.
"How can you accuse us with such accusation?!" Tapos nag-apir si Xavier kay Lanz.
"Wala akong maisip eh." Sabi lang nya tapos bumalik sa pagkain.
Tumahimik nalang sya at hindi na nagsalita hanggang pagkatapos naming kumain.
Niligpit na namin ang mga pinagkainan namin tapos bumalik na kami sa room. Ngayong hapon na nga pala yung sitting arrangement. Wag naman sanang sya ang katabi ko...
-
Anak ng isang sakong bigas nga naman oh. Kung ano pa ang ayaw kong mangyari, yun pa ang nangyari. Tsk. Mapaglarong tadhana. Bakit ba? Bakit mo ba kami pinaglalaruan? Bakit pa kasi ako naging Rodriguez at sya Sarmiento. Seriously?
Natapos ang araw na puno ng awkward na oras. Awkward. Pero di ko pinapahalata. Syempre kung tignan mo ako, parang wala akong pakialam sa mundo.
Nung uwian na, naghiwahiwalay na kami. Sina Alex, Shaem at Xavier, may pinuntahan. Si Lanz nakipag-date kay Lorraine. Sina Ken at Ash pinatawag ng teacher eh. Malay ko naman kung bakit.
Ako? Eto, pauwi na. Wala naman akong pupuntahan eh. Niyayaa ako nina Xave na sumama sa kanila pero tinatamad ako eh.
Naglakad lang ako pauwi. Malapit lang naman eh.
"Tulong!"
Fck. Sino naman yun? Tamad ako pero tutulong parin ako noh.
"Tulong!"
Sinundan ko ang sigaw at napunta ako sa isang makitid na daanan. Pero di masyadong makitid. Yung sakto lang na di rin masyadong-- aish! Mamaya na nga yan. Uunahin ko pa ba yan?
Lumapit ako sa babae na kinakaladkad ng tatlong lalake. Lumapit ako dun at inatake ang mga lalake. Sya pa naman ang babae.
Pinagsusuntok ko sila hanggang sa lumayo na sila sakin nang biglang may sumigaw na..
"Cut!"
Napatingin ako sa direksyon ng sumigaw at dun nakita ko na may lalaking nakaupo sa isang upuan tapos may nakapalibot sa kanyang mga camera na nakatutok samin. Wattdapak?
"Hoy Toffer!"
Napatingin naman ako sa gilid tapos nakita ko sina Alex, Shaem at Xavier.
"Anong nangyayari dito?!" Sigaw nung lalaki. "Hoy lalaki! Anong ginagawa mo?! Ginugulo mo ang taping namin!"
Syet. Bakit di ko ba napansin yung mga camera na yan?!
Sigaw parin ng sigaw yung lalaki sa kung paano ko sinira ang taping nila. Di ko naman alam kasi na umaarte pala sya.
Tumalikod nalang ako at nagsimulang maglakad paalis. Kahiya. Tsk tsk.
Dahil sa nangyari dun, sumakay nalang ako ng jeep pauwi. Sigurado aasarin na naman ako ng apat na ugok na yun.
*-*-*
V O T E
C O M M E N T
B E A F A N
-K♥
BINABASA MO ANG
Clash of Clans
Teen FictionIt's the 21st century at uso na ang iba't ibang mga klase ng gadgets. Cellphones, laptops, ipods, at marami pang iba. Gamit ang mga gadgets na ito, you can easily have access to social media. Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, and many more. Araw...