#ThisIsIt!

1.3K 86 4
                                    

Lanz.

Foundation day parin ngayon. Kasama ko ang tropa. Sino pa ba edi sila.

Haay. Kainis naman sila oh. Ang sweet. Tsk. Magbe-break din kayo!

Tsk. Dun na nga muna kayo. Habang nagmumukmok ako dito sa buhay kong walang love life!

Alex.

Haay. Sabi na kasing akin ka nalang eh. Tsk. Ayaw pa kasi. Choosy pa?!

Eh kung aminin ko kaya? Yuck. Ang desperada ko naman nun. Pero, I've waited this long!!! But, duh?! Ayaw ko naman na ako ang mag confess noh.

Actually, napagusapan na namin to eh. And by namin, I mean, kaming apat nina Shaem, Skye at Alex. A little girl talk. Hoy kahit malalandi yang mga kaibigan ko, kahit pinagpala sila sa love life, may time parin sila para sakin noh! Sa akin na walang love life.

Flashback

"Edi kayo na! Kayo nang may love life!" Frustated na sigaw ko.

Binitawan naman nilang tatlo ang mga cp nila. Kanina pa kasi sila nakikipagtext. Parang kinalimutan ako. Nandito kami sa kanila ni Skye eh. Busy kasi yung boys.

"What?" Sabay na tanong nilang tatlo.

"What?" Tanong ko rin tapos muling binaling ang tingin ko sa tv.

"Kumuha ka kasi ng sarili mong love life." Sabi ni Shaem.

"Duh?! It's not like mabibili ko lang ang love sa supermarket." Sagot ko naman.

"Si Lanz?" Tanong ni Skye.

"Eh saksakan ng kamanhidan yun eh!" Sabi ko naman tapos pinagsasaksak ang papel gamit ang ballpen. Saan ko naman nakuha to?

"Oy, wag naman." Sabi ni Ash tapos kinuha sakin ang papel at ballpen, "Maawa ka naman sa papel. Wala naman yang kasalanan eh."

"Ligawan mo kaya yun?" Tanong nya pa.

"Hindi ba mukhang desperada yun?" Tanong ni Skye.

"Well..... Yeah." Sagot ni Ash.

"Pero ano namang gagawin natin sa kanya?" Tanong ni Shaem.

"Eh in love parin yun kay impakta eh!" Sigaw ko.

"Ano bang meron sa impaktang yan?!" Pasigaw na tanong ni Shaem.

"Yan ang mahirap pag babae ka eh. All you can do is wait." Sabi ni Ash.

Tumango naman si Skye, "Mas mahirap pa sa lagay mo kasi manhid. Manhid ka~ Manhid ka~ Walang pakiramdam!"

"Ilang sako ba ng mais ang nalamon mo ngayon, Skye?" Sabi ni Ash.

"Limang sako lang naman." sagot ni Skye.

"Bitin noh?" Tanong ni Shaem. Tumango naman si Skye.

"Bukas! Foundation day parin diba?" Sabi ni Shaem.

"Dun ka gumawa ng move!" Sabi naman ni Skye.

"Anong move?" Tanong ko. Ano naman kaya tong pinagsasabi nila?

"Aba malay namin. Pagisipan mo!" Sagot naman ni Ash.

Edi wow. Tsk.

Isn't it amazing?

Hindi! Hindi talaga! Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pagiisip ng 'move'. Anong klaseng move naman ang gagawin ko?

Hmmm...

Isip isip...

"Lex, samahan mo naman ako oh."

Bago pa man ako makapagsalita, hinila na nya ako. Saan naman kaya nya ako dadalhin? Pero may humarang samin. Tsk. Sya na naman?!

"Hey baby." Sabi nya tapos pinulupot ang kamay nya kay Lanz. Ang tigas talaga ang ulo nitong babaeng to eh noh?!

"Tigilan mo na nga ako." Sabi ni Lanz tapos inalis yung kamay ni impakta.

"Hindi kita titigilan, Lanz. Alam ko namang mahal mo pa ako kaya wag ka na kasing magpakipot. I know you missed me." Malanding sabi ni impakta.

"Nagkakamali ka, Lorraine. Nagmove on na ako." Sabi nya tapos inangat ang kamay namin na magkahawak.

"Kaya tigilan mo na ako." Matigas na sabi ni Lanz tapos nilagpasan na si impakta.

Hinihila nya parin ako. Nagpahila naman ako. Choosy pa?! Binitawan nya ako nang makarating kami sa.... Third floor?

Walang tao dito. Kaming dalawa lang. Omg. Anong gagawin nya sakin?! Hindi ko isusuko ang bataan! Gusto ko kasal muna!!! May marriage booth dun sa baba! Excited ka naman masyado Lanz eh!!!

Napaupo sya sa sahig.

"Ok ka lang?" Tanong ko tapos tinabihan sya.

"Haay. Hanggang ngayon kasi eh. Hanggang ngayon, mahal ko parin si Lorraine. Pero ayaw ko rin namang magpakatanga at makipag-relasyon ulet sa kanya. Haay. Ewan ko." Sabi nya.

"Nandito naman kasi ako, sa iba pa tumitingin." Pabulong na sabi ko.

"Ano?" Tanong nya.

"Wala. Sabi ko, ang tanga mo talaga." Sabi ko. Tsk. Naiinis ako sa kanya. Kasi naman eh. Ba't ba ang manhid nya.

"Tsk. Hindi naman yan ang sinabi mo eh." Sabi nya. Oh, narinig nya naman pala bakit--- omg. Narinig nya?!

Hinawakan nya ang magkabila kong kamay.

"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong nya.

Omg. Eto na ba to? Hoy author, eto na ba talaga to?! Umayos ka author ah!

Tumango naman ako, "Simula nung makita kita, Lanz mahal na kita eh. Nakipagclose ako sayo. Pero juice colored naman Lanz oh, nung nagpaulan siguro si Lord ng kamanhidan sinalo mo lahat eh. Di ka na namigay!"

Naririnig ko parin ang ingay sa ilalim pero isang boses lang ang naririnig ko..

Kay Ken.

Kumakanta sya eh! At isang dosenang kalapati nga naman yung kanta nya oh!

"Dalawa kayo sa buhay ko, at ako ngayon ay kailangan nang mamili, isa lang ang maaari. Alam mong narito ako, lagi para sa iyo. Mahal kita ng labis, ngunit iba ang yong nais."

Yun na ba yung sign author? Bibigyan mo na ba ako ng love life?!

"At sya'y narito, alay sakin wagas na pag-ibig. Nalilitong litong litong lito."

Haay. Sana naman matauhan na tong si Lanz noh.

"Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko o sya bang kumakatok sa puso ko. Oh, anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko? Nalilitong litong litong lito. Sinong pipiliin ko, mahal ko o mahal ako?"

"Alex, handa ka bang tulungan akong mag move on?" Tanong ni Lanz.

"Oo." Sagot ko tapos niyakap ko sya.

Eto na talaga! May love life na ako!!!

*-*-*

The End! Chos. May bukas pa! Haha. Mkbye.
V O T E
C O M M E N T
B E A C L A S H E R
Xoxo-K♥

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon