Ash.
Nang magtama ang paningin namin, alam ko sya na yun. Iniwas ko ang tingin ko para hindi nya malaman ang nararamdaman ko.
Sya na talaga eh. Alam ko sya na talaga.
Pero, ano to?! Nilagpasan nya lang ako.
Akala ko sya na.
Akala ko talaga.
Akala ko lang pala.
Akala ko talaga tatabihan na ako ng taong yun sa front seat! Mabutinalang at dumiretso sya sa likod.
Haay salamat! Ayaw ko pa naman na may tumatabi sakin sa front seat ng jeep.
Pumara na ako nang makarating ako sa aking destinasyon.
May mga tao pero konti lang. Sumakay ako sa elevator pataas ng 12th floor. Napatingin ako sa paligid. Walang tao. Wala ni isang tao dito. Except sakin syempre.
Dahan dahan akong naglakad. Pabils ng pabilis. Hanggang sa tumakbo na ako. Pabilis ng pabilis.
"Ice!"
"Aaaahhhhhh!" Napasigaw ako at natumba. Mabuti nalang may sumalo sakin. Tumingin ako sa mga mata nya.
Nababaliw na ang puso ko. Parang sasabog na—
"Ba't ganyan ka ba magnarrate?" Tanong nya. Inayos ko naman ang sarili ko. Oo nga naman. Bakit ganun ako magnarrate? Nagkibit balikat lang ako.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong nya.
"Dumating sa buhay ko?" Tanong ko rin. Sinamaan nya ako ng tingin kaya nagpeace sign ako, "Sorry naman diba. Ang seryoso mo kasi."
"Bakit nga ngayon ka lang?" Seryosong tanong parin ni Ken, "9 pm na ah."
"Sorry naman diba? May inasikaso lang po kasi ako." Sagot ko tapos niyakap ko sya.
Napabuntong hininga naman sya, "Sige na nga." Kinuha nya ang spare key nya sa condo ko. "Pasok ka na at magpahinga." Hinalikan nya ako sa noo tapos pinasok na ako sa condo ko.
Agad din naman syang umalis at pumasok sa unit nya. Sinirado ko ang pinto tapos dumiretso ako sa kama ko.
Kapagod yung nangyari ngayong araw na to. Nakakapagod talaga. As in. Lalo na nang magsimula nang magduda yung apat na unggoy na yun.
Flashback
Pagkatapos kong mabwesit dun sa walang hiyang kutong lupa na babaeng impaktang yun, pumasok na silang apat.
Walang hiya talaga yung babaeng yun! Akala mo kung sinong Maria Clara yun pala may tinatagong kasakiman! Tinalo pa si Maleficent!
Pero wag na muna natin yang pansinin, may mas malaking problema pa kaming haharapin ngayon.
Umupo silang apat sa harap namin. Si Ken inusog pa si Lanz para ako yung makaharap nya.
Nagsulat si Shaem sa isang papel tapos pinasa nya kay Alex na pinasa kay Skye tapos pinasa sakin.
Paano kung mahalata tayo?
Sinagot ko naman ito.
Wag naman sana
Tapos binalik ko sa kanila.
Dahan dahan kong kinuha ang cp ko tapos pinuwesto ko sa ilalim ng lamesa. Naisip ko kasing itext si Ken para hindi nila mahalata.
May nabasa akong text ng isa kong classmate na si Beatrice. Sabi ng gm nya, nandito daw sya sa school kasama ang tatlo ko pang classmate.
"How may we help you?" Tanong ni Shaem. At dun na nga parang nagduda yung apat. Nagtext silang apat tapos dun naman din ako nagtext kay Ken.
BINABASA MO ANG
Clash of Clans
Teen FictionIt's the 21st century at uso na ang iba't ibang mga klase ng gadgets. Cellphones, laptops, ipods, at marami pang iba. Gamit ang mga gadgets na ito, you can easily have access to social media. Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, and many more. Araw...