#MahalKoNaYataSya!

1.6K 92 2
                                    

Ken.

"Dude, pramis! Totoo talaga! Hindi akin yung batang yun!" sigaw ni Lanz tapos frustrated na ginulo ang buhok nya.

"Paano mangyayari yun eh ni hindi ko nga kinant*t yung babaeng yun eh!" Dagdag nya pa.

"Alam nyo, simula ng dumating tayo dito sa Paris, yang mga terminologies nyo parang pumanget. Ang ga-gwapo nyo pa naman sana." Sabi ko sabay kuha ulet ng popcorn sa hawak ni Ice na nasa isang tasa. Oo nasa tasa. Ewan ko ba sa kanya.

"Dude, seryoso kami dito." Sabi ni Toffer. "Magseryoso ka naman."

Kumuha ulet ako ng popcorn bago nagsalita, "Simple lang naman tong sitwasyon na to eh." Kinain ko yung popcorn.

"Hindi ganun ka-simple to!" Sigaw ni Alex.

"Simple nga lang eh." Sabi naman ni Ice na kumakain din ng popcorn.

Kinuha ni Lanz ang popcorn tapos tinapon sa sahig, "Magseryoso nga kayo! P*ta! Problemado na nga eh!"

"Ano ba?!" Sabay na sigaw namin ni Ice, "Sayang yung popcorn!" Sabay ulet.

"Kung wala man lang kayo maitutulong, pwede ba, umalis nalang kayo sa harap ko! Walang kwenta!" Sigaw ni Lanz. Problema ba nito? Ang simple simple ng sitwasyon, ang tatanga kasi eh.

"Ano bang problema mo?" Kalmadong sabi ni Ice. Akmang susugurin sana ni Lanz si Ice pero tinulak ko sya.

"Babae yan! Ano ba?!" Sigaw ko narin sa kanya. Sinuntok nya ako sa mukha. Putch* naman oh. Ang mukha ko! Tae!

"G*go! Lumayas nga kayo dito!" Sigaw ni Lanz. Nilapitan sya ni Ice tapos sinapa sya below the belt. Ang sakit nyan for sure.

"G*go ka rin naman eh. Ikaw na nga mismo nagsabi na hindi ka nakipag-sex sa impaktang yun diba? Ikaw mismo sigurado! Eh anong ka-oa-han naman yan?! Tanga mo rin eh! Paano yun mabubuntis sayo eh hindi mo nga nagalaw diba?! Gamitin mo naman utak mo!" Speech ni Ice tapos hinila ako palabas ng hotel room. Sinundan kami nina Shaem at Skye.

"Ash! Ken!" Tawag nila samin.

"Saan kayo ngayon pupunta?" Tanong ni Shaem.

"Wag mo naman kaming iwan oh!" Sigaw ni Skye na naluluha na tapos kinapitan nya sa braso si Ice. "Please Ash!"

Tinulak sya ni Ice pero mahina lang naman. Yung tama lang na matanggal ang pagkapit ni Skye sa kanya.

"Gg. Babalik kami dyan noh. Papalamigin lang namin yang ulo ni Lanz." Tumingin sya sa relo nya, nakitingiin narin ako. "Siguro mga 10 na kami babalik, pag tulog na sya."

"Ah ganun ba? Edi okay." Sabi ni Skye tapos bumalik na sa kwarto. Si Shaem naman humarap kay Ice.

"Text nyo nalang kami ah. May susi ba kayo dyan?" Tanong nya pa.

"Oo naman." Sagot ni Ice. Nagpaalam na kami sa kanya tapos bumalik na sya sa kwarto. Hinarap ko si Ice.

"Saan na tayo ngayon pupunta?" Tanong ko sa kanya. Nagkibitbalikat lang sya.

"Lakas ng loob mong magwalk out, dinamay mo pa ako, tapos wala ka nan palang pupuntahan?" Tanong ko.

"Ewan. Kung saan tayo dalhin ng mga paa natin." Hinawakan ni Ice ang kamay ko tapos nagsimula kaming maglakad.

Hawak parin ni Ice ang kamay ko.

Dug dug dug dug

Fxck ano yun? Bat bumilis tibok ng puso ko bigla? Lol. Jk. Di naman ako tanga noh. Pero...

Wag mong sabihin na...

Na-iinlove na ako kay Ice?

Xavier.

"Oh nasan na yung dalawang yun?" Tanong ko kay Shaem pagkapasok nya sa kwarto.

"Babalik lang daw sila mamaya." Sagot nya tapos tinabihan si Skye.

Nilapitan ko naman sina Toffer at Lanz na nakaupo sa may gilid habang tumitira ng wine.

"Dude, okay ka na ba?" Tanong ko kay Lanz sabay tapik ng balikat nya. Masakit yung pagsipa ni Ash kanina eh. Mabuti nalang hindi ako yun.

"Haay. Tanga ko talaga." Sabi lang ni Lanz tapos uminom ulet ng wine.

"Talaga!" Sagot ni Toffer.

Nagulat kami nang biglang bumalik si Ken tapos parang natataranta syang tumakbo papalapit samin.

Kinwelyohan nya si Toffer tapos sumigaw sya. Sunod naman na pumasok si Ash pero sya kalmado lang pero parang nagtataka.

"Anyare dito?" Tanong ko kay Ash.

"Aba malay ko. Bigla lang yan sumigaw tapos tumakbo pabalik dito eh." Sagot ni Ash tapos tumabi kay Skye.

Tinignan ko si Ken na ngayon ay yakap na si Toffer habang umiiyak.

"Lanz, sorry nga pala!" Sigaw ni Ash. Tumango si Lanz.

"Ok lang." Sagot nya tapos binaling ang pansin kay Ken, "Ikaw, ano namang problema mo?"

Kumawala si Ken kay Toffer tapos kay Lanz naman yumakap. Paiyak iyak pa, wala naman palang luha.

"Asdfghjkl Alsjdndbxjdk." Sabi ni Ken. Di nyo naintindihan noh? Di ko rin naintindihan eh.

"Ano? Umayos ka nga." Sabi ni Toffer sa kanya. Kumawala sya kay Lanz tapos tinignan nya kami isa isa.

"Feeling ko, mahal ko na si Ash." Mahinang sabi nya. Yung sakto lang na kaming tatlo yung makakarinig.

"Diba sinabi mo ngang mahal mo sya as bestfriend." Bulong ko din sa kanya.

"Hindi. Mahal ko sya na more than friends." Bulong nya ulet.

"Oh anong problema dun?" Tanong ni Lanz.

"Eh paano kung di nya ako mahal? Paano kung layuan nya ako? Edi masisira pa friendship namin." Sagot ni Ken.

"Sure ka naman ba na mahal mo si Ash?" Tanong ni Toffer.

"Ewan." Sagot lang ni Ken tapos bumuntong hininga.

"Edi siguraduhin mo muna." Sabi ni Toffer.

Grabe naman. Naguumpisa na love story nila. Paano kaya yung amin ni Shaem? Haay buhay.

*-*-*

Yan na po muna. Bye~
V O T E
C O M M E N T
B E A C L A S H E R
Xoxo-K♥

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon