#ThatGuyInTheMask

1.2K 60 1
                                    

Ash.

"Can I have this dance?" Tanong nya tapos inilahad ang kamay nya. Syempre tinanggap ko yun tapos nagtungo na kami sa dance floor.

Sumayaw kami dun, sinasabayan namin ang kantang First Dance ni Justin Bieber. Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Pag niyakap kita, may problema na agad? Hindi ba pwedeng pinapakita ko lang sa mga lalakeng nakatingin sayo na akin ka?" Sagot nya naman.

Ay ganun? Haha. Kilig naman ako. Ewan ko ba kung ilang sako ng asukal ang naubos nitong si Ken na to. Simula palang nung niyaya nya ako dito sa prom kulang nalang langgamin kami eh.

"Haay. Tara na nga. Kumain na tayo at nagugutom na ako." Sabi nya tapos hinila ako papunta sa buffet table. Kumuha kami ng mga pagkain dun tapos bumalik kami sa table namin.

Wala dito yung anim. Siguro sumasayaw din sila. Ano pa bang ibang ginagawa kapag may prom? Diba sumayaw at kumain lang?

"Ken--"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko biglang natapilok si Ken tapos nasagi nya yung lagayan ng juice kaya ayun, natapon yung juice sa kanya.

"Hahahahahahahaha!!!!!" Tawa lang ako ng tawa dun habang humahawak sa tyan ko. Grabe, laughtrip!

Napatingin na din ang ibang mga tao samin pero wala akong pake. Tawa parin ako ng tawa dun. Si Ken naman tumayo na pero nadulas sya ulet. Kaya ayun, humagalpak na naman ako sa kakatawa.

My ghad!! Di ko na kaya, ang sakit na ng panga ko! At kung hindi pa ako titigil sa kakatawa ngayon, baka mawalan na ako ng hangin. Lols.

Tinulungan ko na syang tumayo tapos sinamahan ko sya sa banyo. Syempre nasa labas lang ako. Tapos sya pumasok. Mabuti nalang at may dalang extrang tux si Lanz. Para kasi sana yun sa pinsan nya kaso di nakapunta kasi nilagnat tapos naiwan lang dun sa kotse nya kaya ayun yung kinuha ko at pinasuot kay Ken.

Sinabihan ko sya na babalik lang ako sa table at bilisan nya tapos pumayag naman sya.

Masquerade ball pala ang theme ng prom namin na to. Kaya syempre, lahat naka-maskara. Duh?!

"May I have this dance?" Biglang may nagsabi sa likod ko. Napatingin ako dun at si Ken lang pala. Dance na naman? Haay naku ewan ko nalang. Napansin kong iba na ang suot nya. Ang bilis naman?

Pumunta na kami sa dance floor tapos sumayaw. Tahimik lang syang nakatitig sakin. Pero napansin kong may iba sa tingin nya. Hindi lang pala sa tingin nya kundi sa kanya talaga. May iba sa kanya.

"Ok ka lang?" Tanong ko. Nag-aalala na kasi ako eh.

"Syempre noh. Nakita na kita eh."

Pag salita nya, dun ko na-realize na hindi sya si Ken! Bigla akong napabitaw sa kanya tapos lumayo ako sa kanya. Tinitigan ko lang sya hanggang sa kinuha ko na ang suot nyang maskara.

Oh my ghad.

Kasabay ng pagkalalag ng maskara nya dahil sa pagbitaw ko, ay ang pagtakbo nya paalis.

"Cris.."

Naglakad na ako pabalik sa table namin at dun ko nadatnan ang totoong Ken na kumakain. Pero just to be sure, sinundot ko ang pisngi nya kaya napatingin naman sya sakin ng nagtataka.

"Alam kong gwapo ako, pero seriously?" Sabi lang nya. Sya na nga si Ken. Napabuntong hininga nalang ako tapos umupo ako sa tabi ni Ken at niyakap ang braso nya.

"Ice ko, anong problema mo?" Tanong nya tapos tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at kinuha nya ang maskara ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Anong problema ng mahal ko?" Tanong nya pa tapos pinisil pisil ang pisngi ko. Tae. Ginawa pa akong bata.

"Subuan mo ako." Sabi ko nalang, "Nagugutom lang ako."

"Alam kong hindi yan ang totoo pero palalagpasin ko nalang muna kasi mukhang ayaw mong pag-usapan. Basta, nandito lang ako ah?" Sabi nya tapos hinalikan ako sa noo at sinubuan nga ng spaghetti.

Haay naku. Pagkatapos ng ilang taon, may plano pa palang magpakita ang mokong na yun? Tsk. Yung mga pangako nya, napako nalang lahat. Pero okay lang din kasi nasaakin na si Ken ngayon. Bahala na si batman dun sa mokong na yun.

Skye.

Pagkatapos naming sumayaw, bumalik na kami sa table namin dahil iaanounce na ang prom king and queen.

"Ang gaganda ng mga students natin ngayon, tama ba, Ms. Kia?" Tanong ni Sir Hamillton kay Maam Kia.

"Pero syempre, may isa talaga na nag-sa-stand out sa kanila. Diba?" Sagot naman ni Maam Kia tapos nagkatinginan sila ni Sir at nagngitian.

Pbb teens din tong dalawang toh eh. Si Sir kasi, di pa naman sya masyadong matanda. Actually, he's just 37 years old at single pa. Si Maam Kia naman, 34 na yata? Ang dalawang yan ang tatanda na pero talo pa yung mga couple sa kanto kung lumandi!

"Let's not waste our time. Our prom king is..." sabi ni Sir tapos nag drum roll.

.
.
.
.
.
.
.
.

"Me! Tapos prom queen si Kia babes ko!" Sabi ni Sir tapos sinuot nya sa kanilang dalawa ni mam ang korona.

At dun na nagtapos ang prom..

Hassle.

Magkasama kami ngayong walo nandito lang tumatambay sa condo ni Ken. Pinagplanuhan na namin to eh. Na pagkatapos ng prom didiretso kami dito para magsleep-over. Kaya may mga pampalit na damit na kami dito.

Kasalukuyan kaming kumakain ng pizza na pinadeliver namin habang naguusap usap lang.

"Oy guys, ang ganda pala ng pinapanuod ko ngayon!" Biglang sabi ko.

"Ano ba yun?" Tanong ni Shaem.

"Birth of a beauty." Sagot ko naman.

"Ah! Life story ko?" Biglang sabi ni Ash kaya napatingin kami sa kanya na ginagaya ang trademark ni Toffer ko, naka-poker face.

"Kayo naman, nandito naman ako. Pwede nyo naman akong tanungin ng personal eh." Sabi nya pa ulet at mas lalong naging poker face ang poker face namin. Bahala na si batman na magpaintindi sa inyo kung anong ibig sabihin ko.

At wala lang, kumain lang kami dun, nagmovie marathon hanggang sa nakatulog na kami..

*-*-*

Sarreh naman sa lame ud ko diba? Wala eh, sabaw talaga ako eh. But anyways, two chapters nalang at matatapos na tong Clash of Clans. But wait there's more!!! May book 2 po! Yes, tama ang basa nyo, may book 2. Wala pang matinong title but I'm working on it. So, yeah.....
V O T E
C O M M E N T
B E A C L A S H E R
Xoxo-K♥

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon