#GwapongGwapoSaSarili

2.3K 111 4
                                    

Xavier.

Yow wazzup?! Kilala nyo naman na siguro ako so no need na para magpakilala.. Wala naman masyadong--- teka, teka. Tama ba tong iniisip ko na iniisip mo? Na hindi mo ako kilala?

Seriously?! Saang planeta ka ba pinanganak at hindi mo ako kilala?! Seryoso ka talaga?! Kawawa ka naman. Dahil sa nag-bother kang basahin ang POV ko, I will give you the honor of knowing me.

Let's start with the basics. Xavier Nikko Torre ang pangalan ko. Ang pinakagwapong nilalang na nabuhay sa buong mundo. Buong galaxy pala. Oo, liparin sana kayo sa kahanginan ko. Pero totoo naman eh. Wag na tayong mag-lokohan. Malakas ebidensya ko eh. Sa mukha ko ba naman na to oh.

Xavier tawag sakin ng fans ko. Oo, I love you too. Xave naman para sa mga close ko na kaibigan. Tapos Torre para sa kanya, minsan nga Tower pa eh. Makikilala nyo rin kung sino yung sya na tinutukoy ko kaya kalma lang.

Pagkatapos ng muntik nang pag-aaway nina Ash at Lorraine, sya yung gf ni Lanz aka bakulaw, naghiwalay na ang landas namin. Umalis sina Ken at Ash, pati sina Lorraine at Lanz tapos naiwan kamimg tatlo ni Alex at Toffer.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom, may mga babaeng tumitingin samin. Sakin, to be exact. Syempre pinakita ko naman sa kanila ang killer smile ko.

Walang babae ang hindi ko napapahulog sa charm ko. Hindi ako tinawag na Casanova Prince para sa wala noh. Hindi pwedeng Prince Charming sabi ni author kasi nandyan pa daw si Toffer, Lanz at si Ken. Lalo nang Ken biased yun. Sorry sya. Magsisisi syang si Ken pinili nya kesa sakin noh.

Anyways, move on na tayo bago pa i-cut ni author ang pov ko, lalo na ang buhay ko.

Nakarating naman kami sa classroom ng walang nahihimatay na babae. Pero nung papasok ako, may humarang samin, tatlong babae.

"Hey there handsome." Sabi ng isang babae sabay pakita sakin ng cleavage nya sa suot nyang bra. Ay sorry, damit pala yan. Mapagkakamalang bra kasi sa sobrang iksi eh.

Asa naman syang titignan ko yan. Kahit ganito ako, may respeto ako sa babae noh. Napatingin ako kay Toffer tapos may lumalandi din sa kanya.

Ano ba naman tong babaeng to oh. Mukhang pornstar. Silang tatlo talaga.

Bago pa man ako makasagot, muntik nang matumba ang babaeng lumalandi sakin dahil sa babaeng dumaan sa gitna namin. Nasanod sa kanya si Alex at isa pang babae na syang ex ni Toffer. Nakalimutan ko ang pangalan. Si Toffer na magpapakilala sa inyo sa kanya. May pov naman sya mamaya eh.

"Hoy! Hindi mo ba nakikitang may tao dito?!" Sigaw nung babaeng plastic kay Shaem.

"Hindi mo ba nakikitang pintuan yan at nakaharang kayo dyan?" Sagot nya. Masungit parin. Di parin nagbabago.

"Btch." Sabi ni plastic. Syapa may ganang sabihin yan ah? Seryoso ba sya?

"Edi wow." Sagot lang ni Shaem tapos nilagpasan nya si plastic. Pero ito namang plastic na porn star na to, hindi patalo. Hinila nya ang buhok ni Shaem.

Syempre, bilang isang gwapong nilalalang, pinigilan ko sila. Pati si Toffer naki-pigil narin. Pero di namin hinawakan yung si plastic, nung nilapitan kasi sya ni Toffer para pigilan, parang, ano nga ba yung term nito, ah parang, yung parang dinikit nya yung sarili nya kay Toffer, yung parang ganun. Basta!

Kaya ang ginawa nalang ni Toffer humarang nalang sya para di maabot ni plastic si Shaem. Eto namang si Shaem, inaakmang ihahampas ang skateboard nya kay plastic. Kung di lang sya mapapagalitan ng principal baka hinayaan ko na sya eh.

Pumasok naman sina Lanz at Lorraine sa room, lumapit si Lorraine kay plastic.

"Oh my gosh Amber! It's you!" Sigaw nya tapos parang nakalimutan lang bigla ni plastic na si Amber daw pero mas bagay na plastic, na nagaaway pa sila si Shaem.

Kaya si Shaem, dumiresto nalang sa likod at umupo sinundan naman sya namin. Pati si Lanz sumunod na din, parang kinalimutan din sya ni Lorraine eh.

"Anong nangyari dito?" Tanong ni Lanz pero walang sumagot sa kanya. Dumating na rin sina Ash at Ken.

"May nangyari ba?" Tanong ni Ken. Si Ash naman lumapit sa kanila ni Alex.

Nagkibitbalikat si Lanz, "Nadatnan naming nag-aaway si Shaem at yung Amber daw sabi ni Lors."

Lors ang tawag nya kay Lorraine baka na-confuse kayo. Inexplain ko lang.

Iniwan ko sina Ken at Lanz na nagtataka at tinatanong si Toffer kung anong nangyari. As if naman sasagot yan. Lumapit ako kay Shaem.

"Ok ka lang?" Tanong ko. Tapos umupo sa upuan sa harap nya.

"Paki mo?" Tanong nya habang sinusuklay ang buhok nya.

"Bakit ba ang sungit mo? Ikaw na nga tong tinulungan eh." Sagot ko.

"Di mo naman ako tinulungan. Pinigilan mo ako." Sabi nya habang pilit parin na sinusuklayan ang buhok nya.

"Pasalamat ka nga pinigilan kayo eh." Sabi ko habang nakatingin parin sa kanya. Iba talaga tong babaeng to.

"Bakit naman ako magpapasalamat eh dapat nahampas ko na nitong skateboard ko yung pavmumukha nun." Sagot nya. Pilit parin nyang inaayos ang buhok nya.

Nakakaawa. Kaya nilapitan ko sya at tinulungan sa buhok nya. Nagawa ko narin naman to sa mga buhok nina Alex at Ash. Lalo na si Ash, paggising kasi nun parating parang na ano ng ilang ano eh.

Tinignan nya lang ako tapos tinabing nya ang kamay ko. Ano na namang kasalanan ko?! Sya na nga tinutulungan eh!

"Para kang bakla." Sabi nya tapos nagwalk out.

Bakla?! Sa gwapo kong to?! Bakla?! Tinulungan ko lang sya tapos bakla?! Naku naman marami ang magpapakamatay na babae pag naging bakla pa ako. Tsaka mababawasan ang mga gwapo sa galaxy!

Tsk. Grabe talaga yung babaeng yun.

*-*-*

Hello. So hindi ako nakapag-ud kahapon. Kainis kasi yung wattpad. Ilang beses kong inulit yung pov na to ni Xave. Nawawala kasi eh. Kaya kada ulet ko nababago yung natatype ko. Haha. Pero atleast. Sowry langs ahh.

V O T E
C O M M E N T
B E A F A N
-K♥

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon