Ash.
"But there's no rules." Sabi ko.
"Pero mali parin yun!" Sagot ni Shaem.
"At pwede tayong ma-suspend." Sagot naman ni Skye.
"Or worse, ma-expell!" Sigaw ni Alex, "Hindi karahasan ang laging sagot sa problema!"
Napatayo naman ako dun, "Punyat*ra naman oh!" Tapos pinalo ko ang lamesa. Lunapit naman si Ken sakin para pakalmahin ako.
"Kaya nga tayo pupunta sa parking lot mamaya dahil may AWAY tayong kailangang tapusin! Bakit ba natin sila pinapunta sa parking?! Ano, para makipag bato bato pick?!" Sigaw ko.
Tinignan ko si Shaem, "Diba ikaw nagsabi that we should settle this like real girls?!"
Tinignan ko naman si Skye, "Ikaw nga may pa-bxtch bxtch pa. Tapos ikaw nagsabi na we should have a catfight."
"Tsaka, kakasimula pa nga lang ng love story namin ni Ken! Ayokong ibigay sya dun sa mga plastic na yun noh! I am not going down without a good fight!" Sigaw ko.
"She's right. She's always right. She's so right that I think I'm in love... with... her-- P*ta ano ba tong script na to?!" Sigaw ni Shaem.
Tawa naman kami ng tawa. May mini play kasi kami sa Mapeh in 10 mins, about drugs. Haha. Ako nagsulat ng script pero ewan ko ba kung bakit ganun mga pinagsu-sulat ko. Haha.
"Patingin nga!" Sigaw naman ni Skye tapos hinablot ang papel mula kay Shaem, "Skye: No! Akin si Ash. Sya ang love of my life! I can't live without her!" Tinignan nya ako nang nakapoker face, "Seryoso ka ba dito, Ash?!"
"Hahahaha! Syempre hindi. Joke lang yan, eto ang totoong script oh." Sabi ko sabay abot ng script na mula sa bulsa ko. Binigyan kasi kami ng 5 mins para sa script. I finished it in half a min., kaya nabored ako at naisipang pagtripan sila.
I based it sa away namin kanina nina impakta. Pretty cool huh? Akala nyo totoong nagaaway na kami noh? Haha.
Kinuha naman ni Xave ang script mula sakin, "Alam mo ba kung ilang mins. din ang naaksaya natin?" Tinignan nya ang papel tapos nanlaki ang mga mata nya pero naging poker face din agad. Tinapon nya ang papel, "Ok, saan na ang totoong script?"
"Yan na nga yun." Walang ganang sagot ko habang pinaglalaruan ang kamay ni Ken.
Pinalo ni Lanz ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "Seryoso na kasi Ash."
Mukha ba akong nagbibiro? Tsk.
"Seryoso naman ako ah. We'll do adlib. Madali lang naman yan eh. It's just drugs." Sabi ko tapos bumalik sa ginagawa ko.
"Pero--"
Aangal pa sana si Toffer kaso sabi ni Maam, time is up na.
After blah blah mins., tapos na ang play at tapos na ang klase. Turns out adlib was a bad idea. Tumunganga lang kami kaya pinaupo nalang kami ni maam. Ako yung sinisi nila kaya nakiusap ako kay maam nang kung ano ang pwedeng gawin, makabawi lang.
Sabi nya, gumawa daw kami ng parang scrapbook something na laman ang mga lessons namin this past week. Kasalanan ko daw kaya ako daw ang dapt gumawa ng lahat. Ok lang din naman kasi specialty ko ang scrapbooks. Haha.
5 pm na ngayon at palabas na kami ng gate. Papunta kami sa mall, maaga pa naman eh kaya gagala muna kami.
Napatigil si Ken sa paglalakad kaya naatigil din kaming lahat.
"May nakalimutan ba tayo?" Tanong nya. Sabay naman kaming umiling.
"Wala naman akong natatandaan eh." Sagot ni Lanz. Nagsimula na kaming maglakad ulet pero napatigil si Xave kaya tumigil ulet kami.
"Parang meron talaga eh." Sabi nya. Pero umiling kami ulet.
"Wala nga sabi." Sabi ni Shaem. Tapos naglakad kami ulet. Pero napatigil ulet si Skye kaya tumigil kaming lahat ulet.
"Wala nga sabi tayong nakali--" hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi biglang sumigaw si Skye.
"Shxt. Yung away!"
Nanlaki ang mata namin tapos lumiit ulet tapos naglakad na kami papunta sa parking lot. Eh ano ngayon kung late kami? Fabulously late, diba?
Pagkarating namin sa parking lot marami nang tao dun, siguro kumalat ang balita. Nung nakita kami nang mga tao, umiwas sila samin habang papunta kami sa gitna.
Nandun na ang apat na plastic sa gitna at mukhang naiinis na sila.
"You're late." Inis na sabi ni impakta.
"Eh ano ngayon? At least we're fabulously late." Sagot ni Alex.
"Whatever." Sagot ni impakta.
Sila yung unang sumugod. Haha. Lakas ng loob ah. Tsk.
Nilapitan ni impakta si Alex tapos sinabunutan. Tapos sinabunutan din ni Alex si impakta. At nagsabunutan lang sila. Boring.
Si Skye naman, kaaway nya yung isang alipores ni Amber. Sinamapal ni alipores si Skye tapos sinabunutan tapos ganun din ang ginawa ni Skye. Boring din.
Si Shaem naman, kalaban nya si Amber. Sinabunutan ni Amber si Shaem. Ghad! Wala na bang ibang alam tong mga plastic na to kundi ang manabunot? Sinuntok ni Shaem si Amber tapos ayun tumba na si Amber.
Nakita ako ni Shaem tapos nilapitan nya ako. "Tapos ka na?" Tanong nya.
"Yeah. It was really lame. Isang suntok lang tumba na sya." Sagot ko naman. Nag-apir kaming dalawa.
"Same here." Sagot nya. Tumayo lang kami dun tapos tinignan sina Skye at Alex na nakikipagsabunutan parin.
Nilapitan kami nina Xave, Lanz, Toffer at Ken. Si Ken nilapitan ako tapos inakbayan.
"You guys should help them." Sabi pa ni Ken.
"Wait.............................. Ok." Sabi ko tapos nilapitan na namin sila.
Hinila ni Shaem si alipores at sinuntok, ganun din ang ginawa ko kay impakta. Tapos tumba na sila. Pagkatapos nun, umalis na kaming walo sa eksenang yun. Wala naman nang mangyayari dun eh. Tsk. Weak naman sila.
"Sana naman mas maaga nyo kaming tinulungan noh." Sabi ni Alex habang ginagamot ni Lanz ang konting kalmot nya sa mukha.
"Uso naman kasing manapak. Tsk." Sagot ni Shaem, "Kung bakit ba kasi napakagirly nyo?"
"Oo nga. Dapat gayahin nyo kami ni Shaem eh." Sabi ko tapos nag-apir kami ni Shaem.
"Edi kayo na. Kayo na talaga!" Sabi ni Skye habang sinusuklay ni Toffer ang buhok nya.
*-*-*
Wahaha. Lame chap. I know. Sa susunod naman. Sorry talaga kung matagal ud ko. I hope you understand.
V O T E
C O M M E N T
B E A C L A S H E R
Xoxo-K♥
BINABASA MO ANG
Clash of Clans
Teen FictionIt's the 21st century at uso na ang iba't ibang mga klase ng gadgets. Cellphones, laptops, ipods, at marami pang iba. Gamit ang mga gadgets na ito, you can easily have access to social media. Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, and many more. Araw...