#ProveToHer

1.4K 81 0
                                    

Shaem.

"Absent si Ash?" Tanong ko.

"Bakit nakikita mo ba sya dito?!" Tanong din ni Skye.

"Hindi, pero--"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi nagsalita na naman si Skye, "Edi absent sya!"

Ay, hb? Hindi po heart broken or ano man dyan, high blood po meaning nang hb, sa mga slow dyan. Salamat po.

Kinalabit ko si Alex, "Huy, bakit hb si Skye?"

"Aba, malay ko?! Ba't di sya tanungin mo?! Tsk." Sagot nya tapos bumalik sa pagtingin sa kawalan.

Anyare? Bakit hb sila?

Matawagan nga si Ash.

"Ash, ba't absent ka?"

"Kasama mo pala yung apat?"

"Sinong tatlo?"

"Ah. Di rin makausap sina S at A dito eh."

"Hi."

"Hindi kaya."

Nice talking naman oh. Tsk. Ang gulo nila.

"Hoy." Kinalabit ko silang dalawa. Pero wala eh. Haay. Ginutom ako bigla. Mabuti nalang at may nadaanan ako kanina na McDo kaya bumili ako ng burger with fries.

Tinignan ko ang relo ko. 30 mins. before ng next subject namin pero wala parin si maam. Tsk. Ireklamo ko sya sa DepEd eh. Math pa naman subject nya.

Binuksan ko ang burger ko tapos kakagat sana kaso napaatras ako bigla. Kasi naman ang lapit naman ng dalawang to sakin oh. As in face to face. Nakikikagat sa burger ko.

Ah so, pinapansin nila ako ngayon? Ganun? Hmp! Mga pg! Di na nahiya.

"We're back!"

Napatingin naman kami dun sa sumigaw at dun namin nakita si Xave na malapad ang ngiti. Mukha syang tanga.

"Babe!" Sigaw pa nya tapos lumapit sakin at niyakap ako. "Namiss mo ba ako?! Kasi ako, miss na miss na miss kita!"

"Mukha mo." Sagot ko lang tapos kinain na yung burger ko bago pa nila ito hingin. Delikado eh. Naku naku naman.

Alex.

Lunch ngayon at papunta kami sa mall. Haay. Na-notice ko lang na parang karamihan sa mga chapters, nasa mall kami or out of school. Haha. Hate talaga ni author ang school.

"Look who's here."

Napatingin kami dun sa nagsalita tapos nakita namin si impakta kasama ang mga alipores nyang mukhang kabayo. Ay, baka ikahiya pa nga sila ng mga kabayo eh.

"Akala ko ba no pets allowed sa mall?" Mataray na sabi nya. Kawawa naman sya, pinariringgan ang sarili nya. Mukhang nabaliw na yata.

"Eh ba't nandito kayo? Mukhang naligaw ata kayo ah. Hindi ito ang zoo." Mataray na sagot ko.

Inirapan nya lang ako. Wahaha! Speechless.

"Kailan mo ba itatatak dyan sa kokote mong panis na hinding hindi na babalik sayo si Lanz?! Gumising ka nga!" Sigaw ko. Naiinis na talaga ako sa kanya eh. Ang tanga talaga! Ano nang nangyari dun sa anak daw nila ni Lanz?! Tsk. Tanga talaga. Di nagiisip.

"Tsk. Bxtch." Sabi lang nya tapos nagwalk out na. Haay naku. Tanga talaga!

"Ano ba talagang problema nun?" Tanong ni Shaem.

"Baka baliw na yun." Sagot ni Ash.

Haay naku. Tanga to the bones talaga yung impaktang yun.

Xavier.

"Darling I, will be loving you, till were seventy~"

"P*TANGINA KEN! PAULIT ULIT?!?!" Naiiritang sigaw ko tapos tinira sya ng unan. Kainis eh. Ilang beses nya na yang pinaulit ulit mula pa kanina eh.

"Inggit ka lang kasi wala kayong theme song ni Shaem. People fall in love in mysterious ways~" sabi nya tapos kinanta nya yung last part.

"Oo nga pala, kamusta na kayo ni Ash?" Tanong ni Toffer.

Sa wakas pinatay narin ni Ken ang cp nya. Konti nalang talaga isusumpa ko na yang Thinking Out Loud eh.

"Ayos naman kami. PERFECT parin kami para sa ISA'T ISA." sabi nya tapos diniinan nya pa yung perfect at isa't isa habang tumitingin sakin, "Kayo ni Shaem, Xave? Kamusta na KAYO?" diniinan nya ulet ang kayo.

"Isa pa talaga Ken, tatadyakan kita." Sagot ko lang.

"TALAGA? ISA PA?" madiin nya paring sabi kaya tinadyakan ko nga. Kainis eh.

"Aray ah. Naglalambing lang eh." Sabi nya tapos nag cross arms at nagpout pa. Akala nya cute sya.... Cute naman talaga. Pero mas cute ako!

Nandito kami ngayon sa bahay ni Lanz. Sabado na ngayon-bilis lang no? Parang kanina lang, nasa mall pa kami at naglalunch-kaya tumambay kami dito. Hindi namin kasama yung mga babae kasi may 'Girls Day Out' daw silang Mean Girls.

Tsk. Mean Girls? Di naman sila mean. Ano yun, mean girls na mabait at hindi mean?

"Pero seryoso nga Xave, kamusta na kayo ni Shaem? Sinagot ka na ba nya?" Tanong ulet ni Lanz.

"Hindi eh. Akala nya hanggang ngayon, pinagtitripan ko lang sya." Sagot ko. Totoo naman eh.

Flashback

"Kelan mo ba ako sasagutin babe?" Tanong ko sa kanya.

"Tigilan mo na nga ako sa paligaw ligaw mo na yan Xave. Alam ko naman na pinagtitripan mo ako eh. Please lang naman, tigilan mo na ako." Sagot lang nya tapos umalis na.

"Edi patunayan mo na seryoso ka." Sabi ni Toffer.

"Paano ko naman gagawin yun? Eh ginawa ko na ang lahat eh pero tingin nya, pinagtitripan ko parin sya." Sagot ko naman.

"Itanong mo sa XOXO." Sabi ni Lanz sabay tingin sa cp nya.

"XOXO? Yung clan? Eh diba yun yung kalaban natin?" Tanong ko naman.

"Oo nga, pero hindi naman nila malalaman na magkalaban kayo. Tsaka di nga din nila alam na leader ka ng kalaban nilang Clan eh." Sagot ni Toffer.

"Oo nga noh." Sabi ko.

Tanungin ko kaya sila ung anong dapat kong gawin?

"Sino kaya yung mga leader ng clan na yun?" Tanong ni Ken.

"Malay ko. Basta babae daw eh." Sagot ni Lanz, "Nakausap ko nga yung isa."

"Sa text?" Tanong ni Ken.

"Malamang." Sagot ni Lanz.

"Nagpakilala kang Lanz?" Tanong ni Toffer.

"Hindi ah. Imbalanz yung codename ko." Sagot ni Lanz.

"Pwede na codename lang?" Tanong ko.

"Malamang." Sagot ni Lanz, "Sali kaya kayo?"

"Okay." Sabay na sagot naming tatlo.

Pinasa ni Lanz yung enrollment from samin tapos sumali kaming tatlo. Ilang minuto pa kaming naghintay bago namin natanggap ang announcement na nakasali na kami.

Xoxo members, please welcome our new members..

Chewytoffer- 09091122334
Kennedgoods- 09987676555
Plzxaveme- 09123344444

Welcome :)

"Wtf? Chewytoffer?!" Natatawang sabi ni Ken.

"Nahiya naman ako sa Kennedgoods mo!" Sagot ni Toffer.

Wala man lang nakanotice ng codename ko! Hmp!

*-*-*

Yan na muna~ Next time ulet. Haha.
V O T E
C O M M E N T
B E A C L A S H E R
Xoxo-K♥

Clash of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon